XX

103 3 0
                                    

Chapter 20:
ISANG malungkot na umaga ang mararamdam ngayon rito sa loob ng bahay dahil sa nangyari kahapon na hindi namin lubusang inakala na mangyayari.

Pagkatapos kasi ng mga nakakabiglang pangyayari at sagutan ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Gil ng maayos.

Oo. Sinubukan ni Gil na mag-usap kaming dalawa pero ako itong umayaw dahil nawalan na ako ng gana para kausapin pa siya ng seryoso at itanong sana ang mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sakanya.

"Lirah.. Can you please, talk to me? Kung ikinagagalit mo ang pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko lalake, naiintindihan ko pero ang hindi mo pagka-usap sakin ng ilang oras ay hindi ko makaya dahil para akong nasasakal." Rinig kong wika niya sa likod ko dahil andito lang naman kasi ako garden niya at dinidiligan ang mga halaman niya na hindi mamulaklak.

Sumulyap naman ako sakanya ng marinig ang sinasabi niya ngunit agad ko ring iniwas ang tingin ko sakanya dahil sa paraang, ayoko muna siyang makita o makausap man lang sa mga oras na ito.

Sa totoo lang, galit na galit ako kay Jake ng sobra dahil sa mga sikreto niya na kahapon lang nabunyag, na nagkaroon siya ng relasyon sa taong mahal ko at ang mas masakit pa rito ay, nakita ko ang pagmamakaawa niya at laman ng pagsasabi niya na mahal niya ito.

Nasaktan ako sa puntong sinabi ni Jake kay Gil na mahal niya pa siya dahil never, never kong narinig kay Jake na sinabi niya rin yon sakin noong kami pa.

Dahil sa bawat away at bati naming dalawa at pagiging marupok ko sakanya, ang iginaganti lamang niya sakin ay ang pagsasabi niyang "wag kang magsasawang mahalin ako habang buhay dahil hindi ko kakayanin kapag naghiwalay ulit tayo."

Punyales lang! Dahil ang sinabi niyang 'hindi niya kakayanin kapag naghiwalay ulit kami' ay, magpahanggang ngayon, buhay na buhay parin ang putang-inang siya.

Bakit ganon? Kung sino pa ang nagsabing hindi nila kakayanin na mawala tayo sa buhay nila, sila pa tong ang buhay na buhay at nagpapakasaya at shumu-shota ng pagkarami-rami.

Samantalang ang taong sinabihan nila, hindi man lang nila alam ang gagawin nila dahil sila ay bigo at wasak sa pag-ibig at iniisip kung anong mali. Tang-ina lang talaga!

"Lirah? Are you crying?" Biglang paghawak niya sa kanang balikat ko. "I'm sorry."

"Hindi ba nga, sinabi ko na sayong wala kang dapat ika-sorry sakin." Pagharap ko sakanya at pinunasan ko ng luha ko. "Ilang beses ko pa bang maririnig ang mga sorry na yan? Paulit ulit nalang. Nakakatrauma na. Ano bang naitulong ng sorry sa nararamdaman kong sakit ngayon ha?! Nagamot ba nito ang pagdurugo ng puso ko? Nai-tama ba niya ang mga mali?! Diba hindi?!" Pagsunod sunod na ngayong paglabas ng tubig sa aking mata.

"Lirah.. Hindi ko alam na mangyayari yon na darating siya. I'm very sorry for that." Paghawak niya sa pisngi ko at pagpunas niya sa luha ko gamit gamit ang daliri niya.

"Wag mo nga akong hawakan!" Pagtapig ko sa mga kamay niya na nasa pisngi ko.  "Anong bang sense ng pagsosorry kung mauulit lang din naman ang mangyayaring masasaktan ako. Sana, ganito nalang dapat ang sabihin niyo eh pagnaka-sakit kayo sa tao; "Sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka, pero mauulit pa." O di kaya naman; "Sorry. Nasaktan na naman kita , pero mauulit at mauulit pa. Putang-ina talaga!" Pagsabunot ko sa buhok ko at pagwawala na rin.

"Lirah! Tama na. Nasasaktan mo na ang sarili mo!" Pagyakap ni Gil sakin ng mahigpit ngunit sige pa rin ako sa pagwawala na parang isang baliw. "Pangako..hindi kita sasaktan, Lirah." Bulong niya sa kaliwang tenga ko kung kaya't napatigil ako sa pag-wawala at hinarap ako sakanya.

"No. Wag kang mangangako kung mapapako rin naman sa huli." Pagtanggal ko ng kamay niya sa parte ng baywang ko.

"Kung ayaw mong maniwala sa pangako ko edi, gagawin ko nalang basta wag mo akong iwan, Lirah."

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon