I

513 10 0
                                    

MAAGA akong gumising para magprepare ng aming umagahan ni Jake dahil finally, finally! It's our fifth anniversary as boyfriend/girlfriend and it feels like it's the best day ever.

Kahit naman sinong babae na katulad ko, hindi na kina-kailangan pang magdadalawang isip na bumangon ng maaga lalo na kung sa ganitong sitwasyon e, nakaabot sa anniversary.

Siguro nga isa na ako sa mga babaeng sumasaya sa tuwing papalapit ang anniversary dahil bukod sa birthday eh, may isa pang rason para sumaya yon ay ang makasama ang taong pinakama-mahal mo. Ang taong ma-mahalin mo sa buong buhay mo.

"Isa, dalawa, tatlo, sinong nanay mo? apat, lima, anim, mag-pampers ka muna." Pakantang saad ni Jake habang pababa ng hagdan at papalapit sakin at saka ako hinalikan sa noo.

"Fave mo talaga ang kantang yan pero mali naman ang lyrics." Natatawang saad ko sakanya.

Halos araw araw ko na atang naririnig sakanya ang kantang yan na ginagaya niya sa isang commercial sa tv. Kahit na nakakasawa ang pagkanta niyang yan, hindi ako magsasawang mahalin siya kahit pa, alam kong nagkakanda-labo labo na ang relasyon namin.

Sa loob ng limang taon na pagsasama sama namin, madami akong naranasan kasama siya. Sa unang pagkakataon, nagawa niya akong pagbuhatan ng kamay sa harap ng maraming tao. Pangalawa, nagawa niya akong pagtaksilan at nasundan pa ito na nakipagtalik niya sa ibang babae. Sa huling pagkakataon, nitong mga nakaraang araw nahuhuli ko siyang may kausap sa kanyang telepono at saka nagmamadaling umalis.

Alam kong nagiging tanga ako sa sitwasyon ko ngunit, mahal ko si Jake.

Kapag mahal mo at nagloko, mas gugustuhin mong magpakatanga na naman at ang maling yon ay maisasantabi.

"Bye, Lirah. See you later." Pagpapaalam niya at saka sinara ang pinto.

Kung kaya't napatayo rin ako at saka nagmadaling umalis kahit pa wala akong ligo at bihis. Dahil nararamdaman kong sa puntong ito ngayon, dito na matatapos ang matagal naming pag-sasama at sa mismong araw pa ng aming anniversary.

Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko ngunit labis akong nagtataka na kung kailan wala siyang pasok ngayon ay saka siya nagkaroon ng biglaang meeting sa client niya. Hay, alam ko namang normal lang na may biglaang client ang isang katulad niya na may business pero kasi iba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Tila sinasabi ng isip ko na kailangan kong gawin to upang matuldukan na ang pag-iisip ko na may mali siyang ginagawa muli.

"Manong pakibilis naman. Sundan niyo lang po yang sasakyan na yan." Pagturo ko sa sasakyan ni Jake na kulay itim.

"Mam, masyado na pong mabilis ang patakbo natin baka po pagbinilisan pa natin ng sobra baka po mahuli tayo." Sagot naman ng driver na palipat lipat ang tingin sa daan at sakin sa salamin.

I can't believe na ganito ang nangyayari sa anniversary namin, tila dito na ata matatapos kung saka-sakali ang limang taon namin na pagsasama bilang mag-live in kung sakaling mahuli ko siyang may kasama at kahalikan.

"Mam, dito na po ba?" Tanong ng driver kung kaya't dali dali ko ng ini-abot sakanya ang bayad ko at saka bumaba na.

I knew it! Sinasabi ko na nga ba, hindi client ang kanyang pinunta para ganon ganon nalang siya magmadali.

Tumigil lang naman yung sasakyan ni Jake rito sa isang hotel na sa palagay ko ay andito rin ang "client" niya na di na makapag-antay sakanya.

Dali dali akong pumasok sa loob at laking gulat ko ng makita ko sila habang naka-akbay pa sa balikat si Jake sa tinutukoy niyang "client" na base rin sa nakikita ko, ito ang lagi niyang kausap sa phone tuwing bago matulog.

"Miss, anong room sila? Pwede sa katabing room nila ako magcheck-in? Please." Pagmamakaawa ko sa babae na narito sa front desk ng hotel.

"Wait lang po Mam ha, titignan ko lang po sa list." Sabi ng babae at saka tignan ang listahan niya. "Wow, ang swerte niyo po dahil --" Di ko na siya pinatapos dahil agad akong sumalungat sa sasabihin niya.

"Give me the key, now."

"O-okay po." Saad ng babae nakausap ko at di na nagawa pang magsalita.

Agad akong kumaripas na maglakad upang magbaka-sakali na maabutan ko pa ang mga hayop na yon sa hallway.

Sa ilang segundo na pagmamadali kong maglakad at sa pagdadahan dahan kong pag-akyat sa hagdan ay sa wakas, tumambad na saking paningin ang dalawa na magkahalikan.

"MGA PUTANG-INA!" Malutong kong sigaw sakanila kung kaya't napatingin sila sakin habang papalapit ako sakanila. "Wow! Wow, Jake. What a surprise for me. What a surprise for our 5th anniversary! I thought, it was just a special but it's not what am I thinking about! It was a super duper special surprise for me! Mga walang hiya kayo!" I was about to turn and make a walk ng magsalita si Jake.

"Stop. I'm sorry, Lirah. Hindi na ikaw ang nilalaman ng puso ko, matagal ng kami ni Luisa. Almost 3 years na."

"What?! The?! Fuck! So after all this time, ginawa mo lang akong side chick? kabet? Putang-ina, Jake!"

"Dahil nakakasawa ka na rin! Dahil sa bawat araw na gusto kong magpakasaya tayo, ayaw mo dahil ang arte mo! Putang-ina, ang tagal na nating magkarelasyon pero isang beses palang natin ginawa ang magpakasarap dahil andami mong palusot! Puro ka dahilan na baka ma--"

"Oo na! Akala mo ba, isa ako sa mga babaeng easy to get?! Tang-ina naman Jake! Kung sex lang pala ang habol mo sa relasyon natin bakit mo pa pinatagal ng limang taon! Sana sinabi mo nalang sakin! Ikaw na ang bobong desisyon ko sa buhay na ginawa ko!" Sigaw at pagtuturo ko kay Jake habang umaagos na ang aking luha na pilit kong pinipigilan na sa huli ay, wala rin. "Ikaw!" Sigaw at pagtuturo ko rin sa babae ni Jake. Si Luisa. "Tang-ina! Magpaka-sarap ka sakanya ha! Langhapin mo ang sarap at halimuyak ng hayupak na 'to! Sagarin mo ang lahat ng meron ka! Mga Letchugas!" At tinalikuran ko na sila kasabay ng pagtakbo ko.

"Fuck you, Lirah!" Pahabol na saad ni Jake sakin.

Akala ko, magbabago pa ang katulad niya. Tang-ina, mas lumala pa pala. Akala ko talaga, in the end kaming dalawa ang magkasama yun pala, sa iba na sumasama.

Hay. Finally, it's over. Ang sakit nga lang na sa haba ng panahon na ginagago ako ni Jake, ngayon ko lang napagtanto na hindi niya talaga ako minahal.

Oo, siguro, minahal niya rin ako na parang awa niya lang sakin dahil sa bigla akong sumama sakanya. Tang-ina rin kasi dahil sa lintek na magulang ko kaya ako sumama sakanya, dahil sa pilit nilang wag akong magkipag-boyfriend dahil bata pa raw ako. Tang-ina. 32 na ako bata parin ang tingin sakin at bawal parin akong mag boyfriend? Lintek na yan, e sila nga nabuntis na kaagad sa edad na 18 palang. Nakakainis na buhay talaga.

"Miss, ibabalik ko na tong susi." Nakangiti kong saad sa babae na kausap ko kanina rito sa front desk ng hotel.

"Eh, ambilis naman po ata? Ni hindi po ata kayo tumapak sa room niyo o nakahiga man lang po? Ano po bang nangyari? Kilala niyo po ba yung guest na gusto niyong tabihan ng room? Umiyak po ba kayo dahil sakanila? May affair po ba?"

"Potek, andami mong tanong! Tatanggapin mo ba tong susi o ipa-padlock ko yang bibig mo? O siya, keep the change na nga nalang." Mabilis kong saad sa nakakainis na babaeng to.

Nakakainis na nga lang ang panloloko ni Jake sakin at ang babae niya, dumagdag pa tong babae na to. Dinaig pa ang mga reporter sa press conference sa dami ng tanong. Hays.

ITUTULOY....

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon