"WAKE UP!" Isang nakakabulabog na sigaw ang umalingaw ngaw saking tenga kung kaya't napabangon ako bigla.
"Ah!" Gulat kong saad at medyo naramdaman kong may tumunog sa likuran ko.
"Ano ba! Hoy, alas diyes na. Gumising ka na diyan! Aalis na ako!" Sigaw parin niya habang ginu-gusot gusot ko naman ang mata ko para magising.
"Ano na? Tatayo ka ba diyan o ipapadlock ko tong kwarto mo?" Pagbabanta niya kaya nagsalita na ako.
"Wag! Heto na po babangon na." Sagot ko at tumayo na nga ako ng tuluyan sa higaan ko.
"What's that smell? Ang baho ng hininga mo, nakakapatay sa baho." Reklamo niya.
Hay, sino ba namang tao ang may mabangong hininga pagka-gising sa umaga? Psh.
"Haa! Haa! Haa! Yan gusto mo to diba. Mabaho pala ha. Haa, Haa, Haa." Pagpapa-amoy ko ng hininga ko sakanya na todo naman siya pagtakip ng ilong.
Infairness, ang bango naman niya.
"Stop what you are doing! Di na nakakatuwa. Nakaka-diri ka. Bat tulog mantika ka? Dapat mauna ka magising sakin dahil amo mo ako hindi yung ako pa ang gigising sayo, nakikitira ka na nga dito ayaw mo pang gumising. Nakakailang katok na ako sayo pero di ka manlang magising gising." Pagsesermon niya na sakin.
"Eh, sorry na po. Napuyat po kasi ako kagabi sa ginawa natin." Nakabusangot kong saad sakanya.
"Ginawa? Natin?" Kunot noo niyang pagtataka.
"Psh. Di ba nga," Pagbibitin ko sa pagsasalita at dahan dahang lumapit sakanya. "May kababalaghang nangyari kagabi dahil sa katangahang ginawa ko? Nakalimutan mo na?"
"Ow. Yes!" Maikli niyang saad at humakbang paatras. "Siya nga pala, kailangan ko ng umalis dahil may lakad kaming magbabarkada at dapat pag-uwi ko, maayos, malinis at mabango tong bahay. Kung nagugutom ka, may pagkain na sa kitchen. Iinit mo nalang o kung ayaw ng food na nasa ref, may delata naman diyan." At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto kaya sumunod nalang din ako.
"If may taong maghanap sakin, don't dare to talk to them. Okay?"
"Eh, paano naman kung sa kuryente mo pala yon? O may isang kaibigan kang pumunta rito? Paano yon?" Sunod sunod kong tanong sakanya kaya napakamot siya ng batok at humarap sakin.
"Alam mo, andami mong tanong. Yung sinabi ko lang ang sundin mo, wag ka ng marami pang tanong. Psh. I'll go." Pagsuot niya ng shades at saka lumabas na.
"Hay, nagtatanong lang naman ako ng maayos pero iba na naman ang isinagot. Pwede namang sabihin niya, "Wag mo ngang gawin, Lirah. Ayokong may mangyari sayo kapag wala ako, ayokong ngayong mag-isa ka saka naman may masamang mangyari sayo lalo na at wala ako sa tabi mo." kaso nakakainis lang na wala man lang siyang ka-concern concern ngayong iniwan niya ako mag-isa rito sa napakalaking bahay niya."
May concern naman siya pero di ko maramdaman. Oo na, noong una may concern talaga siya sakin dahil sa nangyari pero ngayong pinatuloy niya ako sa bahay niya at mag-isa ako nawala na yung concern niya.
Hindi naman niya ako girlfriend pero bakit ako nagkakaganito. Tang-inang concern naman kasi yan.
Lirah, broken ka. Move on muna bago pumasok sa isang relasyon. mag-3 month rule ka muna.
***
Halos hapon na ako ng matapos ko ngayon ang gawaing bahay. Grabe, andami niyang kalat at grabe din ang alikabok ng buong bahay, dagdag mo pa ang mga halaman niya na mga ilang araw nalang ay mamamatay na.
"Grabe naman, sana hindi nalang kayo narito. Sana sakin nalang kayo kasi yung may ari nitong bahay na kung saan rin kayong mga halaman na tulad ko, wala siyang pake pano puro nalang--"
"Puro ano?" Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses na nagsalita sa likuran ko.
"Ah, ano.. Puro busy. Oo. Busy ka diba kasi may work ka ata hindi ba." Biglang pagharap ko naman sakanya.
"Whatever. Magbihis ka, aalis tayo." Saad niya habang papalayo sakin.
Ano daw? Aalis? Magbibihis? Hindi ba niya alam na nawala ang gamit ko dahil sakanya kung di lang niya sana ako sinagasaaan at kung sana nahabol ko ang lintek na magnanakaw na yon. Tss.
"Oh, bakit nakaupo ka diyan? Sabi ko diba magbihis ka na." Bigla niyang saad pagkababang pagkababa niya ng hagdan.
"Paano naman ako magbibihis kung wala naman akong gamit pamalit? Potek, kung nahabol ko lang sana--"
"Psh. Sumunod ka sakin." Paguutos niya at umakyat muli ng hagdan.
***
"Ano?! Isusuot ko mga yan?!" Galit kong saad ng pagsuotin niya ako ng mga damit niya.
"Tsk! Bat ba ang arte mo? Buti nga pinili ko na ang the best, which is fit for you." Walang emosyon niyang saad at pinag-cross arm ang kanyang mga braso.
"Eh ang pangit naman tignan kung isusuot ko mga yan. Isipin mo nga babae ako, pang-lalake ang mga to mamaya ang jologs kong tignan! Tapos pagtawanan pa ako sa pupuntahan natin." Pagmamaktol ko sakanya.
"Psh. Stop ranting about that shit! Do you have an alternative suggestion? If you don't want to wear this then, i'll go. I'll see you soon." Walang gana niyang saad at akmang palabas na siya ng kwarto.
"Fine! Oo na, isusuot ko na! Tang-ina, wag mo naman akong iwan dito at ikulong."
"Sino bang nagsabing ikukulong kita dito? So, you want me to watch you while you are changing your clothes? Well, it's ok for me if you want to."
"Hoy! No Way! Siya, alis na! Magbibihis na ako! Alis na!" Pagpapa-alis ko sakanya.
Sabi ko na nga ba eh, isang pervert ang katulad niya!
"Wait, this is my room. Bakit ako ang pinapa-paalis mo? Go to your room and change there.. Faster!" Pagpapa-alis niya sakin kaya napatakbo nalang ako papunta sa kwarto ko dahil sa kahihiyang ginawa ko. "Faster to change your clothes! If you want to go with me! Kung babagal bagal ka, mahuhuli na tayo!" Sigaw pa niyang dagdag at saktong isinara ko na ang pinto ko.
Nakakainis! Ano ba tong ginagawa ko. Malamang no choice talaga ako dahil nga nawala gamit ko, nakakahiya na talaga ako.
"Lirah! Matagal ka pa ba?! Male-late na tayo!" Rinig kong sigaw niya sa tapat ng pinto at sakto rin namang tapos na akong nakapag-ayos.
"Heto na, let's go." Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko habang nakayuko sakanya.
Shit. Hindi ako makatingin sakanya.
"What's that? Parang ayaw mo akong makita?" Nakatitig niyang saad habang nakayuko lang ako at naiiling sakanya. "Kanina halos patayin mo na ako dahil ipinapasuot ko sayo yan. Ngayon para kang isang naligong pusa na ayaw sakin." Dagdag pa niya.
"Akala ko ba aalis na?" Diretyahan kong tanong at tumingin sakanya. "Bakit sinesermonan mo ako? Kanina atat na atat kang umalis ngayon nagagawa mo pang---hoy! kinakausap pa kita!"
Nakakainis talaga tong taong to. Kanina gusto akong panoorin na magbihis ngayon, bigla bigla nalang nagwalk out kahit kinakausap ko siya. Tss.
Kung bakit ba kasi ako nakitira sakanya. Hay, nagpalaboy laboy nalang sana ako. Stress pala hindi trabaho ang gusto niyang magiging kapalit ng pagtira ko sakanya, kung alam ko lang sana.
Nakakainis!
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...