MAAGA akong nagising dahil unang araw ko ngayon biglang isang utusan para kay Gil. Ngayon ko lang napag-isip isip na isang seryosong trabaho na pala ang maging isang utusan.
Kung sabagay, mas okay na rin to na may kapalit kaysa naman sa double nga ang sahod ko pero di naman patas, na taga linis at taga laba lang ako rito sa bahay niya.
"Oh? Ang aga mo namang nagising? Nagluluto ka pala? Akala ko taga kain ka lang." Biglang sulpot niya sa likuran ko ng mailagay ko sa mesa ang sinangag na kanin.
"As if namang nagtanong ka, pasalamat ka at gumising ako dahil sayo." Ngiting ngiti ko sakanya.
Teka? Ano nga ulit nabanggit ko? Tang-ina naman.
"Dahil sakin? Kaya ka gumising? Ow.. ako lang pala ang dahilan para gumising ka." Nakangisi niyang paglapit ng mukha sakin.
Putang-ina! Bakit ang init bigla ng mukha ko. No way, hindi ako nagba-blush.
"Hoy! Ano ba ang baho ng hininga mo amoy patay na daga, magmumog ka muna." Pag-iwas ko sakanya na tinakpan ang ilong.
Fine. Di naman talaga masama ang hininga niya, in fact, mabango. Kaya ko lang naman nasabi yon dahil, hindi ako makahinga dahil sa ginawa niyang paglapit ng mukha na nagdulot ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Today was your first day as my assistant or personal need. So you should prepare on what I need." Sambit niya bago lumagok ng mouth wash.
Kailangan ko pa ba? Kailangan ko pa bang magprepare kahit naman, alam kong anytime soon pwede niyang sabihin sakin na; Lirah, magpakasaya tayo. Let's spend our time for making love. Putang-ina! Ano ba tong naiisip ko. Maling mali tong trabahong alok niya.
Pagkatapos naming mag-almusal na kanya kanyang ligo at prepare na kami dahil sabi ni Gil sa office daw talaga ang trabaho niya. Infairness naman, mayaman talaga siya kaya office pero ang di ko lang lubusang maisip kung kompanya ba ang pupuntahan namin o sadyang office lang talaga ang gusto niyang sabihin na pupuntahan namin. Ang gulo. Basta office yon lang yun ang sinabi niya. Wala ng ibang detalye.
"Ano na, Lirah. Matagal ka pa ba?" Bigla niyang katok sa pinto ng kwarto ko.
"Teka lang, nagsasapatos lang ako." Sambit ko at saka nagsintas na.
Anong get up ko? Naka-tshirt na pink then nakaleggings lang. Hay. ewan ko ba sa sarili ko, wala akong alam sa fashion e. Basta may suot.
"Heto na." Saad ko at pagbukas ko ng pinto ay nakakunot noong Gil ang tumambad sakin.
Sabi ko nga, ang baduy.
"Ano yan? Is that a fashion for you? Fvck. We are going to formal office not on park!" Inis niyang kuda at pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Eh sa ganito ako magdamit, wala--" Di ko natapos ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.
"Shut up! Stay right there. Don't move." Pagduduro niya sa kinatatayuan ko hahang naghahanap sa mga damit binili namin kahapon.
Saglit din siyang naghalungkat sa mga damit at tumingin tingin sakin.
Okay, edi siya na ang fashion king. Edi siya na ang may alam sa pananamit ko. Ka-lalakeng tao, mas maarte pa sa babae kung maka-ayaw sa suot ko. Oo na, kahit na sino naman, matatawa at magagalit sa pinagsusuot ko.
"Wear this, and this. No more questions and buts. Just wear. I'll wait you, I'll just go to the kitchen. If you're done, see me there. Be hurry, we're going late in a bit." Dire-diretyo niyang sambit sakin at saka mabilis na naglaho sa paningin ko na tila isang multo.
"So, ganito pala ang fashion." Saad ko sa hangin habang nakatingin sa iniabot niyang bestida at pares ng sandals.
Pagkatapos kong magpalit agad agad naman akong like lumabas na ng kwarto dahil baka magalit na naman siya at sisihin ako dahil sa kapalpakan at kabagalan kumilos.
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...