EPILOGUE

242 3 0
                                    

"G-gil?"

"I'm sorry? Do I know you? Miss?" Pagtataka niyang tono.

"Ako to, si Lirah. Remember?" Paghakbang ko papalapit sakanya.

"L-lirah?" Pagtataka niya sakin.

"Oo nga. Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nako! Ano.. Lirah ha, kita kits nalang sa bahay.." Pagsingit naman na sambit ni Tory at tinapik tapik ako sa braso. "Mauna na ako ha, geh usap na kayo." Dugtong pa niya at tuluyan na rin siyang umalis.

"Saan ba tayo mag-uusap?" Pagtatanong na niya.

Si Gil.

"Okay lang ba, kung sa park?" Nag-aalangan kong tanong sakanya.

"Yeah sure.."

***

"I knew It was you. Ikaw na ikaw nga si Gil." Panimula ko ng basagin ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa totoo lang, halos limang minuto rin ata kaming di nagkikibuan na dalawa.

Oo na, ako tong nagyaya kaya ako dapat yung unang nagsalita agad diba para di nasayang yung limang minuto na walang kibuan.

"Sino ba yang Gil na yan at kanina mo pa binabanggit ang pangalan na yan. Ex mo ba yan, jowa mo, uncle mo, alaga mong hayop ano.. Nasasayang lang ang oras oh." Pagharap niya sakin na tila kanina pa naiinis sakin.

Sigh. "So eto na nga.. Gil was my lover from my dream. Siya kasi yung lalaking tinanggap ako noong walang wala ako."

"Then? What was your point here?" Pagtapon niya ng tingin sakin at iniwas din agad.

"Patapusin mo muna kasi ako.. Si Gil, siya yung taong minahal ko. Siya yung lalakeng hindi ko inakala na darating sa buhay ko na hindi ko rin naman, inasahan na mawawala sa piling ko. Alam kong, sa dami ng tao sa mundo malabong mahanap ko siya kasi maski ako, bumitaw na sakanya." Naiiyak kong saad sakanya.

"Lirah.."

"Alam mo ba, kung dahil sakanya.. Hindi ako magigising sa katotoohanan na dapat ko ng kalimutan ang taong minahal ko ng lubos na si Jake. Kasi.. Siya.. Siya ang nagmulat sakin na dapat na akong magising sa pagpapakatanga ko kay Jake. Si Gil kahit di kami magkakilala ng lubos, tinanggap niya ako sa buhay niya ng walang pagsi-sisi."

Sa puntong ito, ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas ay tuluyan ng nakawala at hindi na ito matapos tapos pa tulad ng isang talon na tila walang hanggang umaagos ang tubig nito.

"Kung sana hindi nalang ako nagising mula sa pagkakaratay sa higaan edi sana masaya na ako sa piling niya. Kung bakit ba kasi ako--"

Nagulat at napatigil ako sa pagsasalita ng bilang may dumapo saking labi na kasing lambot ng isang gardenia bread at halos hindi na ako makagalaw pa sa kinatatayuan ko dahil sa bilis ng pangyayari.

" I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya..." Paglayo agad niya sakin.

"B-bakit mo yon ginawa? Wag mong sabihin, ikaw nga si Gil?" Naiiyak ko na namang sambit.

Please naman destiny, siya sana si Gil.

"I thought, I will never ever find you... But, destiny guide me to you. Now.. Wala na akong ibang hinahangad kundi ang makasama at..... at mapakasalan kita upang di ka na mawala sa aking piling pa kahit na kailan man." Titig na titig niyang sambit sakin at saka pasimpleng lumapit sa akin. "Lirah.. It's me, Geremy Gio Gabrielle or Gil/3G Sandoval your lover since we both dream." Abot langit niyang sambit habang heto lang ako parang ewan na nakatitig lang sakanya.

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon