II

372 6 0
                                    

PAGKA-UWING uwi ko, ka-agad na akong nagsabalutan dahil baka maabutan pa ako ng lintek na manloloko na si Jake.

Tang-ina, iniingat ingatan ko pa naman din ang relasyon namin tapos ganito rin lang pala ang magiging end ng lahat ng chances na ibinigay ko.

Kung sana nakinig nalang ako sa nanay ko e.

Yung kulang nalang ipagdamot ako ni Mama sakanya noon pero hindi, dahil nagmatigas akong sumama nalang sakanya dahil sa nagsasawa na rin ako buhay namin. Inaamin ko, iniisip ko kasi noon na baka pagsumama ako sakanya giginhawa ang buhay ko at aayos dahil sa hindi naman kami mayaman dahil mahirap lang talaga kami. Noong nakilala ko si Jake feeling ko siya na talaga ang lalakeng nakatakda para sakin dahil ang bait niya at maalalahanin pero nagkamali pala ako.

Lechugas nga naman, nag-iba ang ihip ng hangin dahil ang inaakala kong mabait at maalalahanin na boyfriend ay kabaligtaran pala.

Sa umpisa lang talaga masaya ang pag-ibig, pagdating sa dulo sakit lang pala ang dulot nito. Swertehan lang. Malas kung malas.

"Yes, babe. I will love you forever.." Rinig kong saad ng isang taong papasok ngayon rito sa condo ni Jake.

"Ay palaka! Tang-ina!" Gulat na saad ni Jake ng matamaan niya ako ng tingin. "Andito ka parin pala? Wait, babe.." Pag-aalis niya sa pagkaka-akbay sa babae niya. "Lumayas ka! Hindi ka na pwede dito!" Pagsisigaw niya habang patuloy lang ako sa pagtitiklop ng damit ko. "Hoy! Naririnig mo ba ako?! Wag mo ngang bagalan magtiklop! Lumayas ka na! Titiklop tiklop ka palang ng damit mo, sa basurahan ka lang din naman mapupunta!"

"Oo na! Tang-ina! Heto na! Heto na nga! Wala ng tiklop tiklop!" Biglang pagsumbat ko sakanya. "Ang ingay mo! Ano to, MRT?! Nagmamadali? Nagmamadali? Mauunahan?! Lintek! Ako sa basurahan? Psh. Bat katulad mo? Na basura ang business? Ni, dalawa nga ata sa isang araw wala kang makuhang client sa sinasabi mong online business. Oops! baka naman kasi online booking for sex ang trabaho mo hindi basta online business lang, diba?"

"Wow! What an awesome speech!" Maikli niyang saad at saka humakbang papunta sakin at dinala ang maleta, saka niya ito itinapon sa labas habang ako hinayaan ko lang na gawin niya yon.

Psh. Alam ko namang gagawin niya yan e, ang kunin ang maleta ko at tinapon nalang sa labas. Sabagay, ganti niya na rin sakin yan dahil sa mga ginawa ko na labis niyang kakainisan.

"Happy? Ow.. By the way, congrats sainyo ha. Have a great day. Enjoy your stay here." Maikli kong tugon sakanila at saka na lumabas. "Tignan lang natin kung may mukha ka pa bang i-ngi-ngiti Jake, kapag nakita mo ang ginawa ko." Mahina kong tugon habang palabas ako ng condo niya.

*****

Pagka-alis na pagkaalis ko sa buwisit na hotel na yon agad akong tumungo ngayon rito sa mall para bumili ng matulis na gunting para sirain ang mga gamit ni Jake. Tutal maraming beses naman niya akong niloko at ipinagpalit sa iba na naging kalabasan pa ay naging kabet niya ako at dahil sa sobrang buwisit ko sa front desk kanina bigla ko nalang talaga naisip na sirain ang mga gamit ni Jake. Kung tutuusin, kulang pa tong gagawin ko kaysa sa mga ginawa niya sakin.

Ewan ko nalang talaga kung magagalit rin siya rito sa mga pinaggagawa kong paninira sa mga gamit niya. Mula sa long sleeves niya, jackets, coats, punda ng unan at kung ano ano pang natatamaan ng paningin ko.

Ang mahalaga ngayon, malaya na ako sakanya at hindi na niya nanaisin pang makipagbalikan sakin pagkatapos kong gawin to at wala rin talaga akong balak pang balikan ang nakakainis na manloloko na yan. Nagpakatanga na nga ako ng ilang beses, di pa natuto? psh. mamatay nalang sana ako pag naging marupok pa akong muli sakanya after nito.

***

PAGKATAPOS ng pangyayaring yon, minabuti ko na umuwi nalang samin dahil wala rin naman akong ibang pupuntahan sa ngayon.

Kung di lang sana nagbakasyon si Tory edi sana sakanya ako tutuloy eh kaso, wala daw siya sa bahay niya at mukhang matatagalan pa bago siya bumalik kaya, no choice akong umuwi samin kahit pa alam kong 40% chansa kong patuluyin ako ni Mama at 60% na itakwil niya ako bilang anak dahil sa padalos dalos kong desisyon na pagsama kay Jake.

Narito na ako ngayon sa tapat ng bahay namin at kakatok na sana ako rito sa gate ng biglang lumabas na nga si Mama sa pinto ng bahay.

"Oh? anong ginagawa mo rito? Naliligaw ka ba? Bakit ka nandito diba may bahay ka ng tinitirahan?!" Sunod sunod niyang tanong habang humahakbang palapit sakin.

"Ma, wala na kami ni Jake. Ma, uuwi na ako sa'yo." Naiiyak kong tugon sakanya.

"Ano?!" Bigla niyang saad. "Wala na kayo ng lalakeng sinamahan mo? Tang-ina! Ilang taon ka ng hindi umuuwi dito tapos babalik ka nalang bigla na parang walang nangyari? Potek. Halos mamatay na kami sa gutom noong umalis ka dahil ikaw ang pag-asa ko, naming mga kapatid mo pero ano? ayun! sumama ka sa lalakeng kakakilala mo palang na parang na-magnet ka nalang at sinuway ako. Tang-ina, Lirah! Noong umalis ka, hindi ko na pinag-aral mga kapatid mo dahil kulang ang sweldong nakukuha ko sa paglalabada kila ate Susanne. Kulang na kulang sa baon, pamasahe at pambayad sa kailangan nila! Alam mo ba? Lagi kang tinatanong ng kapatid mong si Gio dahil ang akala niya mapagtatapos mo siya ng high school pero hindi! Dahil mas inuna mo pa ang pakikipag-relasyon!"

"Oo, Ma! Oo. Mas inuna ko ang pakikipag-relasyon dahil sa kasalanan niyo rin, dahil feeling niyo bata pa ako. Ma, ang tanda ko na pero parang sa bawat desisyon na ginagawa ko parang gusto niyo na kayo lagi ang masunod. Sumama ako sakanya dahil sa minsang sinabi niyo na, kulang na kulang ang ibinibigay ko na pera pero sa totoo lang, sapat na para sa mga kapatid ko at dito sa bahay, ngunit yun pala ipinapang-sugal niyo!" Sagot ko rin kay Mama pabalik.

"Napaka-kapal ng mukha mo!" Biglang pagdampi ng palad ni mama saking pisngi. "Para i-sagot sagot mo sakin yan! Hindi mo alam ang tunay na rason! Nagkakamali ka sa mga pinagsasabi mo! Lumayas ka rito!" Pagtutulak ni Mama sakin palayo ng bahay. "Lumayas ka! Hindi ka namin kailangan! Hindi kita anak! Huwag na wag ka ng babalik rito!" Pagdurugtong niya at saka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.

Ang sakit. Ang sakit, sakit.

Akala ko, pagkatapos ng paghihiwalay namin ni Jake ayun na ang sakit na bibitbitin ko sa buhay pero hindi pa pala. Ito pa palang tuluyang pag-abandona ng sarili kong ina ang siyang dudurog sakin.

ITUTULOY...

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon