XII

127 1 0
                                    

Chapter 12:

MABILIS na natapos ang trabaho ngayong araw dahil sa party na magaganap mamayang gabi, dahil sa success ng kompanya sa kanilang pag-angat muli sa kanilang sales.

Kasalukuyang nasa mall kaming dalawa ni Gil dahil may bibilhin raw siyang pabango dahil paubos na ang ginagamit niya, kung kaya't napagpasyahan namin ngayong maghiwalay pansamantala dahil naghahanap hanap rin ako ng mabibili ko.

Di ko na kasi kailangan pang bumili ng dress para sa party dahil sa meron na ako, at isa pa yung ipang-bibili ko ng dress para sa party ay para nalamang yon sa ipon ko para pagnatapos na ang pagta-trabaho ko kay Gil ay okay na ako. Wala na akong dapat pang alalahanin sa pera dahil naka-ipon naman ako.

Habang nagtitingin tingin ako sa paligid ay may biglang bumangga nalang sakin kung kaya't nahulog ang pitaka niya.

"Sir! Sir!" Paghahabol ko sa lalaking bumangga sakin. "Sir! Yung wallet niyo po." Pagtawag kong muli sakanya na sige lang sa paglakad ng mabilis. "Sir! Sir!" Pagta-try kong tawag sakanya at sa wakas ay lumingon na siya sakin at pinansin.

"Are you calling me, miss?" Pagtataka niya at ibinaba ng konti ang shades niya.

"Opo. Kasi.. Nahulog po tong wallet niyo ng mabangga niyo po ako." Pagabot ko sakanya ng wallet niya pero bago pa niya kunin sakin ay kinapa-kapa niya muna ang pantalon niya at ng wala siyang maramdaman na pitaka ay kinuha na rin niya sakin ang wallet niya.

"Thanks.. Sorry, Miss kung nabangga kita ha. May hinahabol kasi akong tao na kanina ko pa hinahanap rito sa mall." Palingon lingon naman niyang sambit sakin.

"Nako, okay lang po. Pwede ko bang matanong kung may usapan kayo kung saan kayo magkikita?"

Kasi naman diba, pagmeet ups may specific na detail dapat kung saan magkikita o kung anong lugar.

"Hindi ko nga maintindihan to eh. Sabi niya tignan ko nalang siya sa second floor sa may tindahan ng libro. Tapos biglang nagbago yung sinabi niya sa may Jollibee daw siya pero pumunta naman ako doon din wala siya. Ngayon nasa paligid lang daw siya naglalakad lakad. Napapagod na akong hanapin siya." Pagrereklamo niya sakin na halatang kanina pa nga siya naghahanap.

"Kung gusto mo, tulungan na kita? Ano bang itsura ng hinahanap mo?" Paglapit ko sakanya ng bahagya ng magkaintindihan kami kasi medyo napapalakas na ang boses ko.

"Seryoso ka ba? Baka may bibilhin ka pa? Nakakahiya naman sayo, ikaw na nga tong nagsauli ng wallet ko tapos tutulungan mo pa ako." Pagiiscroll scroll lang niya sa cellphone na pakikipagusap sakin.

Sa totoo lang, mas okay ng tumulong ako sakanya kasi halatang pagod na siya kakahanap sa taong hinahanap niya. Kung bakit ba kasi ang hilig ng ibang tao pahirapan ang kapwa lalo na sa ganitong sitwasyon.

Nagumpisa kaming maghanap na dalawa rito first floor dahil narito na rin naman kami at laking tuwa namin na sa unang subok namin na hanapin ang taong hinahanap niya ay nakita na namin siya.

"Shaneen.." Paglapit namin sakanya at kaagad naman kami nilingon.

"Ow! Gregory!" Pagyakap niya sa lalaking kasama na sa palagay ko ay girlfriend niya.

Girlfriend niya nga bang talaga?

"Ikaw ha, kasama mo pala girlfriend mo." Pagtuturo sakin ng babae na ikinatanggi ko naman.

"Ah, hindi niya ako girlfriend. Sinamahan ko lang siya sa paghahanap." Pagpapaliwanag ko sakanya na ikinangisi niya lang.

Wow ha, siya pa ang may ganang ngumisi ngisi sakin. Eh, yon naman ang totoo.

"Well.. Ano na, Gregory? Asan na yung perang pang-allowance ko?" Paglahad niya ng kanyang kamay sa lalaking kasama ko, na ang pangalan pala ay Gregory.

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon