♕•70.

2.4K 115 73
                                    

----

~• Sarah •~

----

Inamin na lahat ni Erik noong gabing yon ang totoo sa buong pamilya. At nang bumalik sya sa tabi ko naramdaman ko na mas naging magaan na ang dinadala nya sa puso nya.

Naging mahirap man para saming lahat pero gaya ko naging sanggaan ni Erik ang buong pamilya.

At kahit na si kuya Zach ang unang tao na nawala sa alaala nya ginawa itong pagkakataon ni kuya Zach para bumawi kay Erik at ipakita sakanya kung gaano nya to kamahal sakabila ng lahat ng nangyari sakanilang dalawa. Yon yung panahon na sobrang saya ko din dahil kahit na ganito ang nangyari nabigyan si kuya Zach ng pagkakataon na muling malapit kay Erik.

Pero ipinagdadasal ko naman araw-araw na sana maalala nya na ulit kung sino siya sa buhay nya kahit na may kaakibat pa itong masamang alaala. Dahil gusto ko paring marinig kay Erik na napatawad nya na si kuya Zachary.

Gustuhin ko mang wag nang umalis sa piling nila Dad pero kailangan ko nang isipin ang kondisyon ni Erik.

Lalo pa nang nagpakita na sya ng mas lumalalang sintomas ng sakit nya.

I can't bear myself watching him in pain, pero hindi ko sya kayang iwan. Kaya't sa lahat ng pagkakataon lagi akong nasa tabi nya, kung nahihirapan siya ganun din ako. Kung masaya sya ganun rin ako. Ganon na kasimple ang ikot nang buhay ko. Lahat ng nararamdaman ko nakasalalay na kay Erik.

Kaya nang pumayag na din si Dad na bumalik na kami ng States hindi naman ako nawalan ng pag-asa na mas magiging maayos na sya don.

At bago pa kami umalis inisip ko na din kung anong pwedeng mangyari.

Kaya't minabuti ko na makausap silang lahat ng masinsinan.

Dad was in denial until the very end about what could possibly happen in the future. Pero naiintindihan ko sya. Walang magulang na gustong mamatayan ng anak. Dad loves Erik so much that he even insisted on accompanying us to make sure na kasama nya daw ulit na uuwi si Erik.

But deep inside this was already Dad's desperate move dahil sa kaloob-looban nya alam nya na din kung anong pwedeng mangyari pag-alis namin.

Habang ang naging pag-uusap naman namin nila kuya Chad at Andrew ay mas naging maayos. At hinding-hindi ko makakalimutan ang suportang ipinadama nila sakin.

Kuya Lance on the other hand was firm on his decision to join us. Aniya hindi nya hahayaan na kami lang ni Erik ang aalis sa ganitong sitwasyon dahil hindi din naman sya mapapanatag.

I was really thankful for him. Dahil sa totoo lang Erik was more optimistic when kuya Lance is around. Dahil alam mo naman ako. Kapag si Erik na ang pinag-uusapan wala akong laban. Lalo pa kapag sinasabi ni Erik na handa sya sa kahit anong oras.

Paano naman ako? Lagi lang akong nagagalit at naiinis sa sarili ko dahil hindi ko magawang maihanda ang sarili ko gaya ni Erik.

When I scold him off about his words Erik would just repeat them and tell me to accept it. Pero kapag si kuya Lance ang pupuna sakanya para tumigil sa mga sinasabi nya about his impeding death, Erik would be silent. At sasabihin nya palagi na "Sorry Lance, siguro tama ka. I shouldn't be thinking of something that's not happening yet."

And for that reason I question myself. Bakit ba sakin pilit na pinapamukha ni Erik na mawawala din sya pagdating ng araw pero sa ibang tao he would toughen himself.

Ang huli kong naka usap bago kami umalis ay si kuya Zach.

Sinamahan ako ni kuya Lance sa ospital dahil simula noon hindi na namin nakakausap ng maayos si kuya Zach ng matagal dahil sa abala daw ito sa trabaho at paminsan-minsan lang umuwi sa mansion para i check si Dad at si Erik. Halos sa ospital nalang umiikot ang buong araw nya.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon