————
~ Lance ~
————
-
*sigh*
"Lance kanina ka pa mukhang problemado dyan. Nakakahawa na." Sabi ni Marlo sakin habang tumabi na sa kinau-upuan ko.
"Hindi ka magsasalita dyan? Nako naman dude kung na ste-stress ka sa upcoming concert event mo then pwede naman kitang tulungan." Dagdag nya.
"Marlo, ayos lang. Wala akong problema sa event na mangyayari."
"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo simula pa kaninang umaga? Daig mo pa yung nawalan ng kontrata dyan."
Loko.
"Family matters."
At siya naman ang natahimik sandali.
"Ah pasensya na." Paumanhin nya.
"Ayos lang. Salamat sa pag-aalala."
"Ikaw naman kasi. Kamakailan lang ang saya-saya mo tapos biglang kang magmumukmok tapos ngayon problemadong-problemado ka naman."
Napa-ngisi nalang ako sa sinabi ni Marlo.
Ganon lang talaga siguro.
"Pati si Yeshyn pinag-aalala mo na ng masyado." Sabi nya.
"Ha? Wala naman akong sinasabi sakanya."
She's worried?
"Yun na nga, wala kang sinasabi. Kaya hindi nya alam kung anong problema mo at kung paano ka matutulungan."
"Marlo, hindi ko gustong bigyan ng problema si Yeshyn. Kaibigan ko siya ano ka ba."
"Hay nako. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Bakit kasi di mo nalang bigyan ang sarili mo ng pagkakataon para kilalanin pa siya. Alam ko naman na meron kayong... something, ganon. Haha." Biro ni Marlo.
"Loko ka. I can never take advantage of her feelings. Isa pa hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayokong makasakit at mag-paasa Marlo."
Pagkatapos bigla nalang akong hinampas ni Marlo sa balikat.
"Wow ah talaga namang idol! Haha. Kung maririnig yan ng mga fans mo malamang magkakandarapa na naman ang mga yon sa kilig."
So..
"Bakit Marlo kinilig ka ba?"
Haha.
"A-ano?! Wtf Lance! No way!" agad nyang depensa.
Nakakatuwa naman ang ekpresyon ng mukha ni Marlo.
Kahit papano nakakalimutan ko sandali ang mga bagay na iniisip ko.
"Biro lang." sabi ko.
"Hoy alam ko naman loko ka. Hayss. Pero sigurado ka na wala ka nang problema para sa concert mo ah. Dalawang araw nalang." paalala ni Marlo.
"Oo wala na. Mag re-rehearsal nalang kami bukas."
BINABASA MO ANG
MFSBI II: Eyes Of Life
RomanceBook 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na kailangang niyang lampasan. But what If, in order to accomplish and get through this challenges she h...