-
After the concert di nagtagal sinundo na din ako ni Erik.
"Kamusta naman Sarah yung concert?" Tanong nya habang pauwi kami.
"It was great. He totally nailed it. Ang galing ni kuya Lance." Sabi ko naman.
And he just smiled.
"Proud ka sa kapatid mo noh?" Masayang tanong ko.
Kita ko kasi sa ngiti nya na mukhang masaya siya sa narinig nya.
"Syempre naman."
"Well dapat lang. Kung nanuod ka sana." Sayang naman.
"Sa tingin ko naman hindi ito ang huling concert ni Lance. Sa susunod manunuod na ko." Sabi nya.
"Tayo." Sabi ko naman.
And he awkwardly chuckled.
Nang makarating kami ng bahay agad na din akong nagpalit sa kwarto ko and afterwards lumabas ulit ako.
I headed to the kitchen at gumawa ako ng sandwiches.
I'm quite hungry from all that cheering kanina. But its all worth it.
"Sarah." I heard him call.
"Gusto mo? Nagugutom kasi ko." I offered.
"Ah hindi na. I had dinner with my clients kanina." Sagot nya at umupo nalang sa may harap ng mesa.
"Ohh I see. How did it go?" Tanong ko naman at tumabi nako sakanya sa table with my plate.
"As usual everything went smoothly."
Nagsimula naman nakong kumain.
Ah,
"Bakit hindi ka nalang kasi bumalik sa office? I know mas mapapadali ang work mo." Sabi ko.
Hindi katulad ngayon na kailangan mo pang lumuwas para kunin ang mga gagawin mong paper works at isa pa nakaka-awa naman ang secretary mo sa tambak ng pinapa-send mo sakanyang mails para sayo.
"Hindi na kailangan." Sabi nya.
"Pero kailangan ka sa office ni Dad."
"Ginagawa ko naman ang trabaho ko."
"But still Erik, iba parin kung nandoon ka. Aren't you the chief of the company importante ang presence mo doon."
You can't keep doing this.
"Sarah, why are you trying to--" I cut him out.
"Ayoko kasi na ako ang maging dahilan para talikuran mo na yung trabaho mo for Dad. Alam naman natin ikaw ang inaasahan nya in regards to this." Sabi ko.
And he heaved a sigh.
"Please Erik. Parang katulad lang nang dati. You don't have to do this para sakin." Sabi ko.
"Is it so wrong na gusto lang kitang makasama?"
Natigilan naman ako sa sinabi nya.
Hinawakan ko naman ang isang kamay nya.
"Erik, hindi naman ako mawawala, nandito lang ako." I assured him.
And he just stared at me.
"Fine." Sabi nya.
"Babalik ka na?" Tanong ko ulit.
"I guess. Mapilit ka." Sabi nya.
"Ha? Ako pa tong mapilit, nagsasabi lang naman ako."
BINABASA MO ANG
MFSBI II: Eyes Of Life
RomanceBook 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na kailangang niyang lampasan. But what If, in order to accomplish and get through this challenges she h...