-
The next morning after preparing myself I went down stairs.
"Good Morning Dad, Mom, kuya Lance, and kuya Chad." Bati ko sakanila ng dumating ako sa dining room.
Nasaan naman kaya si kuya Erik.
"Oh Sarah halika na at ng makapag-agahan ka na. Aalis na din kayo pagkatapos." Sabi sakin ni Dad.
"Si kuya Erik po?" Tanong ko.
"He's preparing his car anak. Kanina pa yun kumain dahil maaga siyang nagising." Sabi ni Mommy.
Oh I see.
"Princess mag-iingat kayo ni kuya Erik." Sabi ni kuya Chad.
"Ahemm." Dad seemingly interrupted.
"Napatingin naman kami ni kuya Chad sakanya.
"Chad it doesn't mean na ngayong napatunayan nang hindi ikaw ang ama nung bata ay pwede ka nang bumalik sa gawi mo." Sabi ni Dad sakanya.
Huh? Ama ng bata?
Lumingon naman ako kay kuya Chad.
And he smiled awkwardly.
"Ah-hehe syempre Dad. I'll be more cautious now." Sagot ni kuya Chad.
Then ngumisi naman si kuya Lance.
"What cautious are you talking about. Mag-asawa ka na for good!" Sabi ni Dad.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa itsura ni kuya Chad na nasa hotseat ngayon.
"Dad naman..." Sabi ni kuya Chad.
"Haha, Francis eto ka na naman. You're pressuring your sons to marry." Sabi ni Mom.
And Dad sighed.
"Lima pa naman ang mga anak ko, pero mukha namang hindi ako magkaka-apo sa mga lagay nila ngayon." Sabi ni Dad.
"Huwag mong madaliin ano ka ba. Mga lalaki naman yan. They can always marry anytime they want." Sabi naman ni Mommy.
"Hay nako Marielle hindi ko alam ang gagawin dito sa mga lalaking to." Sabi ni Dad na mukhang problemado.
"Dad, hayaan nyo nalang po sila. Sigurado naman po ako na mahahanap din nila ang taong makakasama nila sa buhay. Isa pa sa itsura ito ng mga kuya ko imposibleng walang mahulog." Sabi ko jokingly trying to break the atmosphere.
"Oo nga naman." Dagdag pa ni Mommy.
Then ngumiti si Dad saakin.
"Kung sakali man si Andrew nalang ata ang pag-asa kong magka-apo." Biro ni Dad.
At nagtawanan naman kaming lahat sa mesa.
"Oh and pati din naman si Sarah." Sabi ni Mommy.
Natigilan naman ako sa sinabi nya.
Gosh. Mommy naman why did you say such thing.
Its so awkward for me.
Si kuya Chad naman grabe ang tawa pagkatapos.
Ano namang nakakatawa dun.
"Haha, Oo nga noh Mom. Sarah is diffirent from us. Unlike us na pwedeng mag-asawa on later years compared to Sarah its going to be a disadvantage for her. Sabi ni kuya Chad.
Pakiramdam ko naman pinagtatawanan ako ng bacon na nasa plato ko ngayon na kanina ko pa tinitingnan.
"Then what are you trying to say Chad." Sabi naman ni kuya Lance.
BINABASA MO ANG
MFSBI II: Eyes Of Life
RomanceBook 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na kailangang niyang lampasan. But what If, in order to accomplish and get through this challenges she h...