♟•17.

28.3K 869 288
                                    

-

Pagkagising ko ng sumunod na umaga ang sakit ng ulo ko.

Daig ko pa yung uminom kagabi at may hangover ngayon.

Nasa kwarto ko.

Remembering what happened last night mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Pagkatapos kong maghilamos may kumatok naman sa pintuan ng kwarto ko.

It was Mommy.

"Sarah anak, kamusta ka na? Bakit naman ganyan ang mga mata mo para kang umiyak ng sobra. Sinabi sakin ng kuya Zac mo na nahimatay ka nalang daw kagabi habang nag-uusap kayo. Sabi nya sobrang pagod lang daw. Ano bang pinagkaka-abalahan mo the past few days?" Tanong nya sabay hawak sa kamay ko.

I smiled at her reassuringly.

"May mga pinapa-asikaso lang sakin si Lola na mga bagay-bagay. But I'm fine now Mom wag ka na pong mag-alala." Sabi ko.

"Okay dear. Buti nalang at kasama mo ang kuya Zac mo kagabi, kahit na hindi rin maganda ang pakiramdam nya alam kong hindi ka matitiis non na kausapin." Masayang tugon ni Mommy.

Oh Mom kung alam mo lang kung anong ginawa at mga sinabi sakin ni kuya Zachary kagabi sakin hindi mo yan masasabi sakin ngayon na buti nalang kasama ko siya.

*sigh*

"Are you bored anak? Gusto mo bang lumabas muna tayo? Let's have a mother and daughter time again." Sabi nya.

"Hehe, sure Mommy I would love too." Sabi ko.

Kaya naligo na din muna ko at pagkatapos kong magbihis lumabas na kami ni Mommy sa kwarto ko.

"Its feels so good anak na kasama na kita ngayon." Sabi ni Mom.

"Ako din naman Mommy miss na miss na kita. Akala ko nga nakalimutan mo na ko." I jokingly said.

"Ano ka ba Sarah? How could I forget my only daughter? Gosh you impossible lady.!" Sabi ni Mommy sabay poke sa braso ko pagkatapos hinawakan nya ulit ang kamay ko palapit sakanya.

"Haha I'm just kidding Mom." Sabi ko.

"I know you are.haha" she replied.

Pinahanda ni Mommy sa driver yung sasakyan.

"Mom si Daddy nasaan?"

"Oh he's with a close friend of his today." Sabi ni Mom.

"Bakit hindi ka sumama?"

"Kasi nandito ngayon ang anak ko. How could I miss this chance to be with you again."

Aww Mommy the same goes for me too.

Habang nag-uusap kami ni Mommy bumababa naman mula sa hagdan si kuya Erik.

Nagkatinginan kami sandali pero ako na ang umiwas ng tingin.

"Good Morning Erik anak papasok ka na?" Bati ni Mom sakanya.

Lumapit naman siya samin.

"Yes Mom." Sabi nya and he smiled.

Tapos bumalin naman siya ng tingin sakin.

"Good Morning Sarah." Bati nya sakin.

"G-ood Morning." I answered back.

"Sayang naman kung walang pasok ang kuya Erik mo sa trabaho we could have him to join us ngayon para lumabas." Sabi ni Mom.

Mom! Stop it.

Ngumiti nalang si kuya Erik,

"Too bad Mom. Mag enjoy nalang po kayo ngayon ni Sarah. Sige po mauna nako." Sabi nya at umalis na.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon