-
Hindi narin ako naidlip pa uli kahit na maaga pa naman. Sa halip pinagmasdan ko nalang ang langit sa labas ng terrace hanggang sa sumikat na ang araw.
Di nag tagal dumating na din si Manang Mercy kasama si Abby na naghatid ng pagkain sa kwarto ko.
"Magandang umaga at salamat po Manang, at Abby." Sabi ko sakanila.
"Nako ija kumain ka na ng maayos ngayon ha? Pinag-alala mo kami." Sabi ni Manang.
"Pasensya na po ulit Manang. Hindi ko na po uulitin. Promise."
Sabay ngiti ko sakanya.
"Hay sige ija."
Then bigla namang dumating si kuya Chad.
"Oh Chad Rick ijo naka-uwi ka na pala? Kumain ka na ba ng agahan?" Tanong ni Manang Mercy sakanya.
Saan naman kaya galing si kuya Chad.
"Oo kanina lang po at kakatapos ko lang din kumain." Sagot ni kuya at tumingin sakin.
"Sige iwan ko na muna kayo. Halika na Abby." Paalam ni Manang at umalis na sila ni Abby.
"Good morning kuya Chad." Bati ko sakanya.
"Princess ano yan? Si kuya Zac ba nag kabit sayo nyan?" Agad na tanong ni kuya sabay turo sa naka kabit na IV sa kamay ko.
"Ah-haha eto ba. Oo si kuya Zac nga." I awkwardly said.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Tingnan mo yan." Sabi nya at umupo sa tabi ng higaan ko at inayos ang pagkain ko.
Oh. Pati si kuya Chad nag sermon na din sakin.
"Kain na." Sabi nya.
Kaya kumain na nga din ako.
Habang kumakain ako hinayaan ko nalang muna si kuya Chad na nasa tabi.
And I know na naka tingin lang siya sakin habang kumakain ako.
Hayss.
"Gusto mo kuya Chad?" Biro ko sakanya sabay abot ng isang kutsara ng pagkain ko.
Pagkatapos hinawakan nya ang kamay ko at inikot pabalik ang kutsarang hawak ko papunta sakin.
"Ikaw ang kumain, tsk. Nagagawa mo pang magbiro ng ganyan ha?" Sabi nya.
T-teka, bakit naman biglaang na beast mode si kuya Chad.
I'm trying to lighten the mood na nga tapos-- hayys.
"O-okay kakain na nga po oh." Sabi ko sabay subo ng hawak ko.
Grabe naman tong si kuya Chad.
Nang tumingin ako sakanya napaka seryoso nya lang ding nakatitig sakin.
"Oi, kuya Chad badtrip ka ba?" Tanong ko sakanya.
Then he suddenly poked me at the side of my head.
W-woah para saan yun?!
Nabigla naman ako sa ginawa ni kuya Chad.
Pero pagbalik ko ng tingin sakanya, siya pa tong parang naiiyak.
"B-bakit kuya Chad?" Tanong ko sakanya.
I suddenly got worried kay kuya Chad kasi hindi naman siya ganito biglaan eh.
"Sa susunod sana makatanggap ako ng tamang balita. H-indi yung sobrang p-pinag-alala ako." Sabi nya sabay yuko ng ulo nya.
Huh?
BINABASA MO ANG
MFSBI II: Eyes Of Life
RomansaBook 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na kailangang niyang lampasan. But what If, in order to accomplish and get through this challenges she h...