----
~ Zachary ~
----
"Zachary."
Tumingin naman ako agad sa taong dumating sa may pavilion sa garden kung saan halos dalawang oras na ata akong nakaupo.
"Dad? Bakit gising ka pa? Hindi ka na dapat lumabas pa rito malamig na ang gabi." Sabi ko.
"Tumawag ka na naman kay Lance kanina tama ba." Aniya.
Tumango nalang ako.
"Halos araw-araw ka ng tumatawag sakanya matapos nyang ibalita na naging successful ang A.I ni Sarah sa Amerika at nagdadalangtao na sya."
*sigh*
"Pinapaalalahan ko lang si Lance kung ano ang mga dapat nyang gawin para mas maalagaan nya si Sarah."
Lalo pat sa kondisyon nya na ngayon.
Ngumisi naman si Dad.
"Bakit di ka nalang pumunta doon? Nang sa ganon ikaw mismo ang mag-alaga sakanya." Biro nya.
"Tss. I'm not a obstetrician Dad."
"Pero doctor ka parin naman. Mas makakabuti na merong malapit lang na doctor na katulong si Lance kung ano man ang mangyari, isa pa sinabi nya na din noong nakaraang linggo sa tawag na maselan nga ang pagbubuntis ni Sarah."
*heavy sigh*
"Kaya din namang kumuha ni Sarah ng mas magaling na espesyalista sa England para tulungan sya sa buong pagbubuntis nya. Hindi ko na kailangan pang pumunta sakanila."
Isa pa sino nalang ang makakasama mo dito sa mansion.
"Samahan mo na si Lance. Isipin mo nalang na para to kay Erik din. Dahil sinong magaakala na may iniwan pa pala siya. At kagaya sakanila Chad at Andrew, lubos kong ikinatutuwa na magkakaroon parin ako ng apo kay Erik." Ani Dad.
"Pero-"
"Huwag mo na kong isipin Zach, ayos lang ako dito. Isa pa araw-araw namang bumibisita si Chad at Andrew sakin. Hindi ako mag-iisa."
Tss. Paanong hindi ako mag-aalala. Kapag nandito ang mga apo mo halos maubusan ka na ng lakas sa pakikipaglaro mo sakanila.
"Hindi ako pwedeng umalis basta-basta Dad. Marami pa kong trabaho."
"Bakit hindi mo nalang isipin na binibigyan kita ng trabaho at yon ay para maging doctor ni Sarah."
"Tss. Dad ang kulit mo. Sabi nang hindi katulad ko ang doctor na kailangan ni Sarah."
"Hindi ka lang naman doctor, kapatid ka din nya. At gusto kong nandoon ka para suportahan silang dalawa ni Lance. Apo ko kay Erik at Sarah ang pinag-uusapan natin dito." Seryosong sabi nya.
*heavy sigh*
"I still have to think about it Dad."
Isa pa, hindi ko rin maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman ko sa buong pangyayaring ito.
BINABASA MO ANG
MFSBI II: Eyes Of Life
RomanceBook 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na kailangang niyang lampasan. But what If, in order to accomplish and get through this challenges she h...