♘•58. Past

11K 339 350
                                    

-

Hindi ko nalang namalayan na idlip narin pala ko habang nasa upuan sa tabi ng kama ni kuya Zach habang binabantayan ko siya.

At nang dumilat nako wala nakong nakitang taong nakahiga sa harapan ko.

"Nasaa–" natigilan naman ako ng may nahulog na sulat pagtayo ko.

Agad ko naman itong pinulot.

Pagbukas ko ng kapirasong papel na nakatiklop, sulat ni kuya Zach saying that umalis na muna siya at may kailangan lang daw siyang gawin. And more importantly gusto nyang umalis na daw ako pagkatapos.

*sigh*

"So okay na ang pakiramdam nya?" At ganito na naman siya sakin.

Inayos ko nalang din ang sarili ko at nang tiningnan ko kung nasa tabi pa ba yung tray ng pagkain na ginawa ko kanina, wala na kong nakita dito.

Kaya't pumunta ko sa kusina para tingnan kung kumain ba talaga siya.

And to my surprise pati yung itinabi ko sa may lamesa ubos na din. But the thing was hindi pa siya naghugas, nasa sink lang ang mga bowl.

Oh great, I sighed.

At ako nalang ang naghugas.

Since wala narin naman akong gagawin pa rito minabuti ko nalang na umalis pagkatapos.

Pero bago ko tuluyang umuwi sa tinutuluyan ko, pumunta ulit ako sa may clinic.

It was already late in the afternoon at nasa bahay ako ni kuya Zach kanina pang umaga. Inabutan na nga pala ko ng tanghali don pero hindi ko man lang namalayan dahil sa taranta na ko sa kondisyon nya.
Tapos ngayon magigising nalang ako wala na yung binabantayan ko, wala man lang akong nakuhang kahit simpleng thank you. At higit pa sa lahat mukhang ayaw pa kong maka-usap or makita man lang.

Pero hindi naman ata ako pumunta rito para sa wala.
Hindi mo ko pwedeng iwasan kuya Zach.

The clinic was about to close with its few patients nalang pagdating ko.

At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si kuya Zach sa may isang table doing some stuff with boxes of meds while talking with the woman na nakausap ko kanina dito.

Nang makita nya ko agad siyang tumayo.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad nyang salubong.

Nagsalita naman yung babae kanina.

"Doc siya po pala yung naghahanap sainyo kanina at sabi nya magkakilala naman daw po talaga kayo kaya sinabi ko sakanya kung saan ka nakatira."

"Tss." He replied in annoyance.

Hinawakan ko naman ang noo ni kuya Zach at pinakiramdaman ko ang temperatura nya.

Nabigla naman siya sa ginawa ko at agad nyang inalis ang kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka pa nandito?" He said.

Tumingin naman ako sa babae saglit. At buti nalang naintindihan nya ang gusto kong mangyari, kaya't agad din siyang umalis at iniwan kami ni kuya Zach.

First of all gusto ko lang makasigurado na okay ka na talaga. At isa pa medyo mainit ka pa nga ng onti kesa sa normal na temperatura natin tapos nandito ka na agad para magtrabaho?

Ano bang gusto mong mangyari?

At bakit ba ganon mo nalang akong ipagtabuyan?

Marami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko magawa.

"Bigla ka nalang kasing nawala. At may gusto kong pag-usapan ng maayos." Sabi ko.

"Tss. Wala tayong kailangang pag-usapan. Umalis ka na at umuwi ka na." Aniya at agad na inilayo ang tingin sakin.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon