♟•35.

17K 533 114
                                    

---

~ Erik ~

---

Kanina pa namin hinihintay si Sarah na dumating. Nag paalam siya sakin kanina ng umalis siya pero matagal na yon.

Kailangan nya nang malaman ang nangyari kay Mom Marielle.

Ayoko mang sabihin sakanya dahil maging ako sobrang nasasaktan din sa nangyari.

Wala pa man lang kaming nanging maayos na pag-uusap ni Mom, hindi ko pa nasabi sakanya kung gaano ko ka mahal si Sarah.

Napakasakit lang na hindi na kami na bigyan ng pagkakataon ni Sarah.

Nang matapos ang operasyon ni Dad sinabi samin na nasa coma siya, kahit ganon atleast alam naming buhay pa si Dad.

"Sarah."

Narinig kong sambit ni Chad sa tabi. Kaya't napatingin nadin ako sa direksyon na kung saan siya nakatingin.

Sarah buti naman at nandito ka na.

Naglakad naman siya palapit samin.

"K-kamusta na sila Dad at Mommy?" Tanong nya na halatang may kaba sa kanyang boses.

"Dad is in coma." Sabi ni Chad.

Si Lance naman naka tingin lang kay Sarah.

Diyos ko, bakit ba kasi kailangang mangyari ito.

"Si Mommy?" Mahinang tanong nya.

Bakit? May alam ka na ba Sarah?
Mukhang sa pagtatanong nya may inaasahan na siyang hindi magandang sagot.

Sakto namang may dumating na isang doctor ng lumabas na si Dr. Colt.

"Rita, puntahan mo si Doc Zachary, sabihin mo sakanya ang kalagayan ng Daddy nya." Sabi ni Dr.Colt dun sa babae.

"Sige po Tito." Sabi nya.

Pagkatapos bumalin naman siya ng tingin samin.

"Nakikiramay po kami sa pagkawala ng Mommy nyo." Sabi nya.

"A-ano.. Si M-ommy--" Hindi naman na natapos ni Sarah ang sasabihin nya dahil bigla nalang siyang nanghina.

Sht.

Buti nalang agad ko siyang nahawakan.

"Sarah!"

Sinuportahan ko naman siya.

"H-indi. Bak-it--" I cut her out.

"Tama na Sarah." Sabi ko.

At saka na naiyak si Sarah ng labis.

Hinawakan ko nalang ang ulo nya papunta sa dibdib ko.

Alam kong masakit Sarah.

Pero mas naiintindihan ko na iba ang pakiramdam na ito sayo dahil siya ang Mommy mo.

Ang natitirang mong tunay na magulang.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon