♙•34.

15K 536 103
                                    

————

~ Zachary ~

————

Sa mga sandaling iyon hindi ko inaasahan na ang susunod na magiging operasyon ko ay sakanila mismo Dad at Mom.

Nang malaman ko kung sino ang sinugod sa emergency agad akong nagtungo doon.

Hindi ko pa makalimutan ang itsura nung nurse kanina na pumunta sa opisina ko.

-

"D-doc Zachary!"

Nagulat naman ako ng may bigla nalang pumasok na nurse sa opisina.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

Hindi ko pa maintindihan noon kung bakit ganon nalang ang ekspresyon ng mukha nya.

"M-may sinugod po sa ER na tatlong pasyente at yung nakita pong identification ayon kay Dr. Colt ang Daddy nyo daw po at Mommy nyo ang dalawa doon." Sabi nya.

Napatayo naman ako mula sa kina-uupuan ko sa narinig ko.

"Totoo ba ang sinasabi mo?!"

Kung biro lang ang mga ito hindi nakakatuwa!

"Doc totoo po kaya pinapatawag kayo ni Dr. Colt dahil kailangan kayo para sa operasyon kritikal po ang mga pasyente." Ulit ng nurse sakin na kabang-kaba na.

"For christ sake!" Agad kong nilisan ang opisina ko at nagtungo sa ER bawat hakbang ko pinagdadasal ko na sana hindi totoo ang mga nangyayari ngayon.

Diyos ko ano bang nangyari sakanila Dad at humantong sila sa ganito?

My assistant came rushing to me too.

"Director ang mga m--" I cut her out.

"Call my brothers! Inform them about what happened at papuntahin mo agad dito!" Sabi ko.

Sinalubong ako agad ng ibang nurse pagpasok ko sa ER, hindi dapat ako pwede dito kung sila Dad at Mom ang magiging pasyente ko pero sa mga oras na ito walang ibang surgeon sa ospital maliban sakin at kay Doc Colt, nanlumo naman ako ng makita ko ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko ngayon na duguan na naka higa at nag-aagaw buhay.

Lumapit naman agad sakin si Dr.Colt at hinawakan ako sa balikat.

"Dr. Zachary I know this is a shock for you pero kailangan ka ngayon ng mga magulang mo." Sabi nya.

"Assist Dr. Zachary now." Sabi pa niya.

"Your Mom is really in a bad condition mabuting ikaw na ang humawak sakanya. Pangako ko sayo hindi ko pababayaan ang Dad mo." Sabi ni Dr.Colt.

Hindi nako nagdalawang isip pa at wala nakong pinalampas pang minuto at sinimulan na namin ang operasyon matapos kong maghanda.

I handled Mom Marielle's operation.

It was really hard for me to do this.

Ayokong magkamali, o magkulang man lang sa ginagawa ko ngayon.

"Vitals check!" Sabi ko.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon