Chapter 14

110 9 1
                                    

Enjoy Reading Babies Ko ♡

_________

Ang Katotohanan ay dapat nang ilaha ni Darius.

"Bakit? At least ay binigyan kita ng pagkakataong mag-explain bago kita sisipain sa buhay ko, Moxford."

Hindi na mataas ang kanilang mga tinig.

Narito sila sa Baywalk, sa maliwanag na bahagi ng Roxas Boulevard na nakaharap sa Manila Bay.

Nasa park bench sila.

Hindi nila pansin ang mga taong namamasyal.

"May mga bagay na hindi ko pa maikukumpromiso, Freya....."

"Bakit nga maraming bawal sa iyo? Na Hindi ko pwedeng puntahan kung kasama ka?"

"Some months back, gaya nang nasabi ko na, Hindi tuloy ang kasal ko. Dahil biglang umayaw ang nobya ko. Natashia ang pangalan. Kasal na lang ang kulang sa amin, meaning kaydami-dami nang nangyari..... kaya nga nang tinakasan niya ako sa 2 days bago ang aming Kasal, isinumpa ko na siya, kasali na ang lahat ng mga bagay at lugar na may kaugnayan sa amin....."

Ilang sandali ring yumanig kay Freya ang katotohanang iyon.

"Kaya pala pati kotseng ginagamit mo sa province kapag kasama ko ay.....luma?"

"Oo. Lahat kasi ng brand New and expensive cars ko ay paboritong sakyan namin ni Natashia."

"And those expensive restaurant sa province at maging dito sa Manila, napuntahan ninyo na ni......Natashia."

Tumungon ang binata.

"Kaya bawal na nating puntahan?" Tanong niya.

"Y-yes."

"Kung gayo'y hindi mo nga rin ako masamahan sa malalaking shopping malls and good coffee shops, dahil it will remind you of Natashia."

Muling tumango ang binata.

"At may tamang ligawan ako?!" Galit na tanong niya sa binata

"Plano pa lang naman....."

"Kinakawawa mo naman ako, Darius?" Nahihirapang tanong niya sa binata.

"But I like you....." Sagot nito.

"Like, not love. Kasi natatakot ka na ring yayain ako ng kasal kung sakali!"

"I-I must admit, may phobia na nga ako sa......Kasal, Freya."

"Bullshit!! Bullshit!, Darius!" Madiin na pag mura niya.

"Kung iibahin mo lang sana ang tingin, Freya..... Diba karangalan mong napapansin ka ng isang.....Moxford?"

Napantastikuhan si Freya sa binata. "Wow, Just Wow! At ako pa pala may utang na loob sa iyo, ha?"

"Bihira akong magkagusto, that's the point."

"Hindi ka lang pala temperamental, napakayabang mo pa!"

"Dahan-dahan ka sa pagsasalita, madali akong mapikon, Freya......"

"Hindi ako takot sa temper ninyong mga Moxford! Bullshit kayong lahat sa akin!" Galit na galit na talaga siya sa binatang Moxford

"Lower your voice, please!" Inis na sabi ni Darius

"That's it, Goodbye, Moxford! Maghanap ka ng kausap mo!" Tumalikod na ito at nag simulang maglakad.

Hinabol siya ni Darius. "Freya, wait!"

Sinipa niya ang gulong ng dalawang kotse ni Darius.

Nag-wangwang iyon.

"Wala na akong pakialam sa iyo, Darius!" Sigaw ni Freya sabay nag middle finger sa binata

Tarantang hinagilap ni Darius sa kanyang bulsa ang key na may remote. Pinisil niya ang isang button doon, tumahimik na muli ang kotse.

Pero si Freya ay nawala na sa kanyang paningin, humalo na sa mga taong namamasyal.

Gigil na muli napaupo sa bakanteng park bench si Darius.

"Tahoooo!! Tahoooo!!" Wala siyang pakialam sa mangtatahong naglalako sa di-kalayuan.

Iling siya nang iling, panay ang buntong-hinga.

First time ng pagkikita nila ni Freya sa Manila at pumalpak pa!

Masyado naman kasing demanding ang babaing iyon. Marunong pa sa akin Kung saan kami pupunta.

At kulang pa sa pang-unawa. Hindi maintindihan na labis siyang nadala kay Natashia.

"Boss, taho, maiinit pa."

"Hindi."

"Eh, bosing, bagong luto ito, masarap na tayo."

"Sabing Hindi ako bibili!!" Sigaw ni Darius.

Kayang ang mangtataho, napaigtad.

At madali nang lumayo sa kinaroroonan ng binatang Moxford.

Pinagtitinginan siya ng mga tao, bakit nga naman sinigawan pa niya ang pobreng mangtataho?

Sa mata ng mga taong ito ay nang-api siya.

Shit! Ako pa inapi ni Freya! Gigil niyang bulong sa sarili.

________

NAGBALIK na lang bigla si Darius sa Davao, sa kanilang Hacienda De Moxford.

"Bro, ang dali mo naman? Ano bang nangyari?" Sunod-sunod ang tanong ni Zharco sa kapatid niya.

Pag buntong-hininga ni Darius. "Ang dalagang pupuntahan ko doon ay makitid ang isipan, Kuya!"

At ikinuwento niya sa Kuya ang mga pangyayari.

Nag-isip din nang ilang sandali ang Kuya niya.

"Hindi kaya ikaw ang naging makitid ang isip, Darius?" Tanong ni Zharco

"Hah?" Yan lang ang lumabas sa bibig ni Darius.

"Para mo na rin kasing nililimitahan ang mundo ng dalagang iyon, dahil diyan sa lintik na mag dahilan mo."

"But I need some time to heal, Kuya." Sabi niya sabay gulo ng buhok niya.

"Then, huwag ka munang manligaw!" Hindi mapigilang sumigaw ni Zharco

"Pero paano ako makaka-recover kung hindi ako maghahanap ng pamalit kay Natashia?"

"Pamalit kay Natashia? Baka naghahanap ka lang ng makakapiling sa kama?"

Napapabuntong hininga si Darius. Natumbok ng kanyang Kuya Zharco niyang dahilan ng pagporma kay Freya.

Hindi nga ba masyado na siyang lonely kaya nais niyang nakahalik na magandang babae? Si Freya nga.

Not necessarily to love but to.....fuck.

"Disente ang dalagang taga-manila, Darius. huwag mo siyang gawing biktima ng iyong kalibugan, Kapatid. Hindi ganyan ang pamilya natin." Seryosong sabi ni Zharco

Hindi nakaimik ang binata.

Tama ang kanyang Kuya. Disente ang dalagang taga-manila at Hindi ganyan ang pamilya nila.

___________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon