Special Chapter

203 7 0
                                    

"Darius, seyoso 'to. Huwag kang ngumisi-ngisi riyan! Buntis nga kasi ako!" Naiinis na sabi ko at binato ng unan si Darius.

"This is so expected, Freya. We never use protection, Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong niya habang nakaupo sa couch.

Kakagaling lang namin sa clinic ni Darius at na-kumpirma nga namin na buntis talaga ako. Nakakainis pa ay parang kalmado lang si Darius at tila ba hindi niya alintana na buntis ako.

Hindi man lang ba siya kinakabahan sa responsibilidad nito?

Handa na ba talaga siya maging ama?

"Come here, Baby." Sabi niya saka tumayo at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko At tumitig nang diretso sa mga mata ko.

Napabuntong-hininga siya at marahang hinaplos ang pisngi ko. Kahit papaano ay tila napakalma ako no'n. Hindi naman sa ayaw ko sa magiging anak namin ni Darius, talagang nabigla ako.

Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag.

"Baby, are you scared?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatango. Ayaw ko mang aminin pero natatakot talaga ako, kinakabahan.

Paano kung hindi ko pa pala deserve ang maging isang ina? Paano kung hindi ako maging maayos na ina para sa anak namin? Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon. Pakiramdam ko hindi pa ko deserving na maging mabiting magulang.

"Bakit ka natatakot? I can see that you will be a good mother someday. Hindi naman kita bubuntisin kung hindi?" Nakangising sabi niya. Agad ko siyang tiningnan nang masama saka hinampas sa braso. Natawa na lang siya at hinala ako para yakapin.

"Darius naman kasi eh. Seryoso kasi ako." Nakangusong sabi ko at gumanti na lang yakap sa kanya.

"Just relax and stop overthinking about those things. Baka makasama pa yan sa baby natin, sige ka." Sabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.

Kumalas si Darius sa pagkakayakap sa akin saka tinitignan ang mata ko. Napangiti siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Darius, masaya ka ba na buntis ako?" Tanong no habang nakakapit pa rin sa baywang niya.

Natawa siya sa tanong ko at kinurot ang ilong ko, napaismid na lang ako at napahawak do'n.

"Syempre sobrang saya ko, aaminin ko na kinakabahan din ako, pero mas lamang yung saya. Mahal ko na nga siya agad, eh." Nakangiting sabi niya at hinawakan ang tiyan ko at marahang hinaplos iyon.

Napangiti na lang ako habang nakatitig kay Darius, sa tingin ko magiging mabuting tatay rin siya.

Ang suwerte ko naman at siya ang tatay ng anak ko, at siya ang lalaking mahal na mahal ko.

"Ano bang gusto mong anak? Babae o Lalake?" Excite na tanong ko. Natawa siya sa tanong ko.

Ano kaya ang magiging gender ng anak namin?

"I actually want a twin, a girl and a boy. That will be cute." Sagot naman niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Sana ikaw ang maging kamukha ng baby natin, lalo na yung mata mo." Sabi ko saka tumingala upang titigan ang mga mata niyang electric blue.

"Mas maganda kung kamukha mo." Nakangising sabi niya saka dinampian ng halik ang magkabilang pisngi ko.

Agad ko siyang itinulak at tinignan siya nang masama. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Gusto ko nga kamukha mo!" Asik ko saka lumayo sa kanya at umupo na lang sa couch.

Imbis na mainis ay natawa na lang siya sa inasal ko at agad na umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko At dinampian iyon ng halik.

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon