Enjoy Reading :)
______
After four days ay kausap niya sa landline si Freya.
"Any plan for tonight, Freya?"
"Magsi-shopping ako, Darius."
"Pwedeng masahan kita?" Tanong niya.
"Sure Why not? Anong oras mo ako dadaanan? Sa SM ang punta ko eh."
Napalunok si Darius. Off-limits sa kanya ang SM.
"F-Freya, pwede sa iba ka na lang mag shopping?"
"Ha? Bakit? Ayoko sa ibang mall beside nandun kasi yung bibilhin ko eh."
Muling napalunok ang binata. "Kuwan, kung sa ano na lang....sa Sky Mall?"
"Ayy, ayoko doon, Darius! Masyadong tao doon tsaka Limited kasi ang choices doon at mahal pa ang prices."
Napabuntong hininga na ang binata.
Shit Paano ba ito?
"Okey, sa Robinsons na tayo pupunta, Darius!"
"I don't go to that place anymore, Freya." Seryoso ang boses nito.
"Ha? Bakit naman eh class na class 'yon na gaya din ng SM?"
"Basta. Sa iba na lang, Freya." Tumigas ang tinig ng binatang Moxford.
"Sige, Darius. Anywhere you like. Anong oras?" Tanong niya.
"Dadaanan kita thirty minutes from now."
"Sige hihintayin kita dito."
"Bye, sweety!"
"B-bye, D-Darius." Naibaba na ni Freya ang phone. Pero siya ay natigilan. Tama bang tawagin na siya ni Darius ng 'sweety'?
Hindi pa naman sila mag-on, ah. Friends pa lang sila eh.
Good Friends kaya sila.
They will act like real ladies and gentlemen.
Yun bang magsisimula muna sila sa tama. Ligawan muna bago maging sila.
Then probably sasagutin niya si Darius after months.
No, make that after a few weeks. Ayaw naman niyang maisip ang binatang Moxford, 'no?
Nag ring ang landline niya. May nalimutan ba si Darius?
"Hello?"
"Freya, anak?" Boses ng kanyang Ina.
"M-mommy! Napatawag ho kayo!" Nasabik sa ina si Freya. Himala at napatawag siya sa kanya.
"Anak, naiinis na ako, kailan ba matatapos ang promo tour ninyo diyan sa Davao, Ha?" Tanong ng kanyang Ina.
"Mommy naman next week po at babalik na kami diyan sa America diyan na ako magta-trabaho sa company natin."
"Talaga? Wala nang bawian 'yan, ha. Anak?" Parang Batang pumayag ang kanyang Ina.
"Opo, I miss you Mommy! Miss ko na din si Kuya."
"And we miss you too, very much, Freya anak. Tawagin mo kami kung kailan ka uuwi dito ah para makapag ready kami dito."
"Copy that Maam!" Pabirong sabi nito. Narinig niya na tumawa ang mommy niya.
Ulila na sa ama si Freya. Ng maghiwalay ang mommy at 'TOTOONG' Tatay niya ay muling nagpakasal ang kaniyang Ina sa isang Americano. Mabait ang step-dad niya at ang step-brother niya. Yup meron siyang step-brother anak sa unang asawa ng kaniyang step-dad.
At ngayon ay doon na tumira ang mommy at kaniyang Step-dad.
Hindi lang mabait ang step-dad niya isa itong President sa Online Games. Yup mayaman ang step-dad at step-brother niya.
"Anak, meron ka na bang boyfriend dyan?" Tanong ng mommy niya.
"Po?!" Nabigla talaga si Freya sa biglang tanong ng kaniyang ina.
"Sabi kako may boyfriend ka na ba dyan sa Davao?" Paulit na tanong ng kayang ina.
"Ay nabuang na. Mommy naman, out of the blue 'yang tanong ninyo."
"Bawal ba mag tanong sayo na meron ka nang boyfriend jusko ang tanda tanda muna, Freya. Sige ka gusto mo ba na tumandang dalaga?"
"Mommy naman eh, wala sa isip ko yang lovelife lovelife na yan tsaka may tamang oras at panahon yan but for now Career mo na ang nasa isip ko."
"Okey, I'm glad. Ibig sabihin eh matutuloy nga ang pagbalik mo dito sa America?"
Napalunok si Freya. Bigla niyang naalala ang binatang Moxford!
Malapit na bang sakupin nito ang kanyang puso?
Kung sakali pala ay magkakatotoo ang sabi ng is groupo niya.
Shit!! Pano nato?
"Anak, are you still on the line?" Tanong ng mommy niya.
"Opo, Mommy. Narito pa ho ako." Sagot niya.
"Bakit ka natahimik yata? May problema ka ba dyan?" Takang tanong ng mommy niya.
"Wala po. Wala po talaga, Mommy."
"You mean walang magandang lalaking nakabihag sa iyon diyan, anak?"
Isang good entertainment lang ang tingin niya sa binatang ito.
No more no less.
Which means anytime at maari niya itong iwan, kahit pa huwag nang balikan.
Yes, Jonathan Darius Moxford is no big deal for her!
It's no no no big deal for her!
Matapos makipag-usap sa ina ay hinarap na ni Freya ang paghahanda sa kanyang date.
Nag-shower siya, nag-blower ng mataas niyang buhok, nag-make up nang kaunti.
And Boommm!! Ang ganda niya para siyang model sa suot slip-on dress na bagay na bagay sa kanya, sexy but not vulgar ang dating.
Nag-suot na siya ng sandals na bagay sa suot niyang dress.
Eksaktong thirty minutes ay nasa harapan na ang sasakyan ng binata.
Hindi na naman ang inaasahan niyang BMW o kaya isang Sport Car.
O kaya at Jaguar or a Mercedes.
Ang dalang sasakyan ni Darius ay isang....1996 Nissan!
Practical car ba ang tawag ni Darius dito?
Holy Shit! Naitanong lang naman niya sa sarili niya.
Oh, well. No problem to her. Sige, iba pa rin ang bibig ng isang JONATHAN DARIUS MOXFORD.
Pero nang pumapaspas na ang kotse ay hindi na makatiis si Freya.
Nagtanong na rin casually. "Darius, bakit mahilig ka yata sa kulang kotse?"
Napabuntong hininga ang binata. Masasabi ba niya sa babaing ito na ayaw gamitin ang mamahalin niyang mag kotse dahil naalala naman niya ang Ex Fiancee niya!!
______
A/N: Hello wazzap Babies ko!! Kamusta na kayo dyan? Kasi ako okey na okey lang. Btw next week na ako maka-update.
Keep safe Babies ko - AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)
RomanceSi Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa souvenir para sa mga dadalo, hanggang sa bansang pagdarausan ng kanilang honeymoon. Pero nang tatlong araw na lang at haharap na si...