A/N: Hi Babies ko!! Sorry kung ngayon lang ako naka pag Update sobrang busy talaga ako sa module at sa mga Activities namin, promise babawi ako sa inyo sa next update ko.
Enjoy Reading Babies :)
________
Ang pagbabalik sa Hacienda De Moxford ay tila isang munting kamatayan para kay Freya.
Ni Hindi nga niya alam if she is fit to go back.
Payat siya, maputla, Malungkot at matamlay.
But she is a professional.
Mahal niya ang negosyo nilang magkakaibigan na ngayon ay lumalaki na.
She can't simply say No.
Alam niya na kung hindi rin lang matindi ang paghahangad ng mga Moxford na makuha ang kanilang negosyo ay hindi na ito kokontak sa kanila.
Alam niya na may alam ang mga Moxford sa nangyari sa kanila ni Darius.
So, Hindi rin naman madali sa mga Moxford ang lumunok ng pride ng mga ito.
Ang mga Moxford talaga ang kumontak.
Ganoon kabilib sa kanila ang mga ito Pag dating sa pag-i-entertain ng mga kids.
Now, how can you say No to that?
Kaya nang mag-usap-usap sila nina Odette, Layla at Kiscial ay kaagad niyang sinabi na tatanggapin nila ang trabaho.
Nagkatinginan ang kanyang mga kasosyo at kaibigan.
Hindi rin madali sa mga ito ang umoo.
Nakikita nila kasi na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabawi si Freya sa sama ng loob ng dinanas nito kay Darius.
"Bhie, puwede naman tayong tumanggi, e. Kahit ba all expenses paid ang alok at malaki ang ibabayad sa atin......hindi natin kailangang sunggaban ito." Sabi ni Odette.
"Odette is right, Freya na maganda, marami naman tayong negosyo kahit dito sa Maynila lang. Siguro kung hindi ka payat, baka batukan kita dyan sa katigasan ng ulo mo." Sabat ni Kiscial.
Sinimangutan niya si Kiscial. "Ano naman ang kinalaman ng pagiging payat ko ngayon sa trabaho ito, aber?"
Si layla ang sumagot kay Freya. "Natural, ang babaing payat, palatandaan na heartbroken. Kaibigan ka namin, puprotektahan ka namin at aalagaan. This man gave you pain and sufferings, bakit papayag pa kami na magkikita naman kayo?"
Na touch si Freya sa sinabi ni Layla.
All this time Hindi pala pera ang mahalaga sa kanyang mga kaibigan.
Kundi siya.
Very protective talaga ang mga ito sa kanya.
Tama naman kasi sila kung tutuusin.
Look at her! Ang payat at ang putla niya.
Tuloy-tuloy siya sa pagtatrabaho pero tuluy-tukoy parin ang kanyang pagdurusa.
Ah, totoo nga yatang once you have loved a Moxford, you will never have another life.
You will never forget him.
You can never love someone.
You can never move on!
Worried na nga sa kanya ang kanyang mommy at step brother niya.
Ang gusto nito at huwag na muna Mag trabaho at umuwi na sa kanilang bahay.
Pero tumanggi siya.
Hindi siya puwede huminto sa trabaho.
It's only work that makes her go on. Ito na lamang sentro ng kanyang survival.
Kaya siguro Hindi siya nakahindi sa mga Moxford.
Basta, kapag naroroon na siya, Ilalabas niya ang lahat niyang katatagan.
Maaring siya ay payat, maputla at mahina......BUT SHE STILL CAN WIN THE WAR!
_______
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)
RomanceSi Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa souvenir para sa mga dadalo, hanggang sa bansang pagdarausan ng kanilang honeymoon. Pero nang tatlong araw na lang at haharap na si...