Chapter 1

354 15 0
                                    

Sa sumunod na apat na buwan ay nagluksa ang puso ni Darius.

At kay dami niyang nabasag na paso ng halaman, mga ashtrays, Pati ang flat screen tv natiyempuhan niya.

Hindi inakala sa kanyang amang na si Fernando Moxford at ang mga kapatid niya na labis na dinamdam ni Darius ang hindi pagkakatuloy ng kasal nila.

At sino ba ang hindi?

Itinuring na rin ni Fernando na anak na si Natashia.

"Darius, time to move on!" sigaw ng kanyang ama.

"Dad, huwag kang mag-alala, hindi ako nagpakamatay sa loob ng two months, ibig sabihin ay makakaya ko ring bumangon."

"That's the spirit, son!"

"Ayaw sa akin ni Natashia, ayoko na rin sa kanya." Seryosong sabi niya.

"Don't speak bad words,bro!"

"And i say amen to that, Cyrus!"

"Oh, well... I must admit, Dad, na sa nagdaang four months ay halos nag-ermitanyo ako. Laging nag-iisa, nagmumukmok at laging mainitin ang ulo." Sabi niya. Totoo naman ang sinasabi niya mahigit four months siyang wala sa sarili.

"At lagi ring walang paligo... " sabay sabi ng kapatid niya.

"Naliligo kaya ako, sobra naman kayo sa akin!" Angal niya.

"Every other day, wala pang ahit. Oh, iho natutuwa ako at mukhang tao ka na ulit, isang guwapong binata ka na ulit na handa na ulit harapin ang anumang pag subok ng mundo." Pabirong saad ng kanyang ama.

"Lalabas na ho ako mamayang gabi sa bayan. Dad." Sabi niya "Pero this time ay ako na ang kokontrol sa aking buhay, Dad, hindi na ang ibang tao... I mean, ibang babae..."

Tinapik ni Fernando ang binata. "Nasa likuran lang kami, anak."

"Good luck, bro." Sabi ng nakakatandang kapatid na si Zharco.

"Nandito lang kami, bro. Kahit anong mangyari... Kahit maubusan tayo ng mga babae... Aray naman Kuya Zharco! Bakit mo ko binatukan?!" Angal ni Xhero.

"Kahit kailan babae na naman ang nasa isip mo." Sabi ni Zharco sabay iling.

"Mag bago ka na, bro. Hangga't maaga pa para hindi ka matulad ni Darius ngayon... Aray naman Dad! Bakit mo ko kinurot sa singit?"Angal ni Cyrus sabay himas sa singit niya.

"Kayong dalawa tigil-tigilan ninyo na yan. Hindi ba kayo naaawa sa kapatid ninyo, ha? Hindi ninyo ba alam na marami ng sinakripisyo niya to the point na kailangan niya lumuhod sa harapan ng nanay ng Natashia para bumalik at ituloy ang kasal nila." Don Fernando said to his son's.

Nag Hari ang katahimikan dahil sa nalaman nila pero binasag yun ni Xhavier. "Dad is right. Marami na ang sinakripisyo ni Darius para sa malanding babae yun, pati ang kaluluwa niya ibinigay niya dun. At sa huli iiwan din siya parang wala lang sa kanya na saktan yung kapatid natin. Hindi man lang niya iniisip ang nararamdam ni Darius kung masasaktan ba ito."

"I'm so sorry sa mga sinabi namin, bro." Pag hihingi ng apology ni Cyrus sa kanya.

"Yeah, Cyrus is right. I'm sorry, bro." Pagsang ayon ni Xhero.

"Apology accepted, bro." Sagot niya.

Laking pasalamat siya sa Diyos dahil meron siyang kapatid at ama na kahit anumang mangyari hindi siya iiwan sa anumang pag-subok sa buhay niya.

_______

A/N: Hi mga babies ko! Don't forget to vote, comment and share my story to your close friends/ to your relatives. Enjoy Reading mga babies ko!

Its_AudreyBelle11 |AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon