Enjoy Reading Guys
______
"Yeah you are right, Freya. Mahilig ako s-sa lumang kotse." Minabuti ni Darius be pagtakpan ang sariling kahinaan.
Kaytagal nang wala si Nathalie ay hindi pa siya maka-recover?
Pati tuloy mga paboritong sasakyan ay hindi na niya magalit, laluna at may ka-date siyang babae.
"Ayy ganoon ba, kaya pala mahilig ka sa antique...."
"Not necessarily. Kuwan.....at certain items lang, gaya nga itong kotse."
"Pero mayroon ka ring mag latest cars?" Tanong ng dalaga sa kaniya.
"Oo. Meron akong BMW, Sport Car at marami pang iba.."
"Kailan mo lang ginagamit ang mga iyon?" Tanong ulit ng dalaga
"Kapag kailangan..." sagot niya
"Like.....?"
"Like when I feel the urge. 'Yun bang nais ko silang gamitin sa pamamasyal..."
"Oh, selective pala. Depende sa iyong mood?"
"Yes something like that, Freya."
May kirot sa puso ng dalaga. At kapag pala ako ang ka-date ay wala siya sa mood na mag kotse nang mamahalin! Bakit, dahil cheap nga ang tingin niya sa akin? Dahil hindi ako katulad ng ka-date niya?
"Ano ang gusto mong kainin after shopping?" Tanong ng binata.
Gustong magsermon ng dalaga. E pati nga venue ng shopping ko e binago mo, bakit pa ako mamimili ng kakainin? Ikaw na rin kaya ang pinili, Mr. Moxford.
Pero syempre ay sinarili lang niya ito.
Ayaw nga niyang muli silang mag-away ng binatang crush naman niya.
"Bahala ka na lang, Darius."
"Good. Hayun na pala ang place kung saan maari kang mag-shopping, Freya."
Gustong itirik ng dalaga ang mga mata, sa sobrang pagkadismaya.
Kasi naman ay hindi mo maintindihan kung palengke o supermarket ang pinagdalhan sa kanya ni Darius.
Napakarami ng mga tao parang Divisoria!
At walang aircon!!
"Bargain center ito, Freya. Shop till you drop." Anito
"Ganon? E baka nga mahilo ako sa init at dami ng tao, sa totoo lang, Darius."
"Freya, crisis ngayon ang bansa, magaling na alternative ito sa mga taong nais makatipid...."
Hayun na nga, inakala palang nais kong magtipid!
Mukha ba akong naghihirap na? Kaydami na talagang mga sama ng loob ni Freya sa binatang Moxford.
"Wala naman dito ang nais kong bilhin eh...." angal niya.
"Pero I'm sure they have everything here, mula panto hanggang badminton set, Freya."
"Darius, nasa malalaking mall ang item na nais kong ibigay sa mommy ko, pagbalik ko sa America. Tagaroon ako, nasabi ko na ba? " Kaybait naman ng tungon niya sa binata, hindi kita ang kanya ang inis.
Natigilan naman si Darius. "No. M-magbabakasyon ka lang ba?"
"Hindi. Uuwi na talaga ako. Gusto ko na umuwi, miss ko na sila Mommy, gusto ko'y malapit lang ako sa kanya."
Nanlumo nang lihim ang binata. Malabo na palang matupad ang wish niya?
Na si Freya ang mai-date na mag sa motel?"
Gayunma'y ayaw niyang mawalan ng pag asa. "Pero siguro naman ay mag weeks pa bago ka babalik sa America. Right?"
"Darius, sa linggo na ang balik ko sa America, with my group. That means apat o lumang araw na lang ako dito sa Davao."
Para naman siyang nadaya.
Kaya ba naman niyang makumbinsi in five days ang dalagang ito? Na pagbigayan ang kaniyang hilig, kahit pa nga imoral iyon.
"Bukas na lang ako magsi-shopping. 'Yung Hindi kita kasama, Darius. That way, nasunod ang gusto nating pareho."
"Oo nga naman." Pilit ngumiti si Darius.
"O, para tapos na e ipasyal mo na ako kung gusto mo pa."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Darius. "Sure. Doon."
Ang itinuro ni Darius ay ang peryahan na nasa di-kalayuan sa simbahan.
Muntik nang mapasigaw si Freya sa inis.
What the fuck! Ipapasyal siya ng lalaking ito sa perya!
Hindi niya minamaliit ang perya pero matagal na siyang graduate sa ganitong lugar.
Kaso ay kapit na siya ni Darius sa braso at kaysarap ng kanyang pakiramdam.
But really, she feels so nice habang nakakapit sa braso niya si Darius.
Ah, okay na rin sa kanya ang perya, basta kapiling niya ang binata.
Sabi ni Darius ay sasakay sila sa Ferris Wheel na kulang sa ilaw, payag naman si Freya.
"Freya?!"
"Ayy, narito kayo?"
"Malamang, mura dito, 'no!" Sagot ni Odette.
"Pero pati pala ikaw.....I mean, kayo?" Awkwardly ay puna ni Layla. 'Kayo', sabihin pa, includes Jonathan Darius Moxford.
May mayaman bang dito ka lang dinadala? Ito ang nabasa naman ni Freya sa mga mata ni Kiscial.
"Kuwan, gusto kasi namin ni Darius ng provincial touch! Sige, Guys. Una na kami!" Bago pa nakahirit ang Barkada ay nahila na ni Freya palayo si Darius.
Then tumuloy sila ng binata sa place na kakainan nila.
Tanaw niya ang napaka-class na fine dining restaurant sa bahaging iyon sa lunsod, ang La Carmela.
Pero siya ay sa ibang eating place itinuloy ni Darius.
Sa kagustuhan pa rin ng binata.
Sa halip na sa La Carmela, sila ni Darius ay narito ngayon sa maliit na restaurant na ang ngalan ay Lutong-Bahay Ni Aling Kusing
_________
Keep Safe Guys -AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)
Roman d'amourSi Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa souvenir para sa mga dadalo, hanggang sa bansang pagdarausan ng kanilang honeymoon. Pero nang tatlong araw na lang at haharap na si...