Chapter 22

156 7 1
                                    

Enjoy Reading Babies Ko!

_________

Nahimasmasan si Freya sa loob na ng kanyang kwarto.

Sa gitna ng pag-iyak, sinabi niya sa mga kaibigan at kasosyo ang nangyari.

"Listen, Girls.....may dahilan na tayo para hindi ituloy ang pagtatanghal natin bukas dito. Ngayon din ay uuwi na tayo sa America at dun na tayo magta-trabaho." Matigas na nagpasya si Kiscial.

Kaagad sumang-ayon ang iba pa.

"Freya, pinilit mo nang dahil sa trabaho ay bumalik ka dito. Pero sobra na ang tensiyon at pressure dito. Hindi kami papayag na ilalabas mo ang sarili mo sa sobra nang kaaawa-awang sitwasyon at kailangan mo na din mag pahinga. Girls We really have to go!" Sabi ni Odette.

Wala na talagang lakas si Freya para magpaka-propesyonal pa.

Tao lang siya na hinang-hina ang katawan.

Tao lang siya na nasasaktan.

Tao lang siya na sugatan ang puso niya.

Mahal na mahal na mahal pa rin niya si Darius.

And seeing him with another woman na umalis pagkatapos ay parang walang nangyari sa kanila, na parang walang namamagitan sa kanila, is really too much.

Gusto na nga niyang umalis agad sa lugar na ito.

Kung pwede lang mag teleport ay gagawin niya pero wala siyang kakayanan para mag teleport.

Wasak at durog na ang kanyang puso niya ngayon.

"Bhie, dito ka lang at kaming lahat ang kakausap sa mga Moxford iyan. Hindi kami papayag na i-expose ka pa sa kanila. Sobra na ang pasakit na binigay nila sayo. We will fight the battle for you!" Parang mga sundalong bandang magtanggol sa Inang bayan ang mga Kaibigan ni Freya.

Akala mo ay pupunta sa digmaan.

Akala mo ay nagmamartsa ang mga ito papunta sa Hacienda ng mga Moxford.

Humingi kaagad ng audience.

Ang humarap sa kanila ay buong angkan ng mga Moxford.

Si Don Fernando Moxford at ang mga anak.

Kasama si Jonathan Darius Moxford.

Si Kiscial ang spokesman ng group. "Naparito kami para pormal na magpapaalam."



____________




Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon