Chapter 16

110 10 0
                                    

Enjoy Reading Babies ko!!

________

SAMANTALA, ang mga kapatid naman ni Darius ang nakikinabang sa mga mamahaling gamit niya.

Mahilig sa mga mamahaling kotse si Darius, sariling pera niya ang ipinundar niya sa kanyang collection of car.

Alangan naman hindi gagamitin ang mga ito. E masisira?

Kaya nagpipiyesta sina Xhander,Zharco,Xhavier,James,Cyrus at Xhero sa paghiram sa mga expensive cars ni Darius.

"Hey, Dude! May dadaluhan kaming malaking party ng pamilya ko, pahiram naman muna ng BMW mo, Ikaw din, Hindi na iyan naitatakbo, baka kinakalawang na." Zharco.

Syempre, papayag naman siya. "Ingatan mo lang, ha. Kuya!"

Hihirit din si Cyrus. "Bro, pahiram ng Sport Car mo. Magpi-picnic kami sa paanan ng bundok!"

"Sa paanan ng bundok lang pala, Sport Car pa ang gagamitin mo, Cyrus!"

"Nakakaawa ang sasakyan mong iyan, bro. Hindi na nakakatikim ng arangkada."

"Fine! Pero huwag na huwag mong lagyan kahit munting gasgas man lang, Cyrus. Dahil kung may gasgas yan magbabayad ka ng malaking halaga sa akin!"

Ang kanyang Expedition ay madalas ding hiramin ni Xhander.

Wala siyang tinatanggihan.

Hindi naman siya maramot, E.

Pero Ang Hindi talaga inaasahan ni Darius ay ang muli nilang pagkikita ni Freya.

Kinausap siya ni Xhander. "Tol, alam mo na naman ba iisa pa lamang ang anak namin ng asawa ko, kaya espesyal na especial sa amin ang araw na ito."

"Tumbukin mo na nga, Xhander Kanina ka pa nagpapaikot-ikot sa iyong sinasabi, E." Maikli ang pasensiya ni Darius sa pagsasayang ng kanyang panahon.

"Okay, straight to the point, Darius....Dahil sa mahilig talaga na entertainment group sina Freya,
Hindi sila nakakalimutan ng aking anak. Her next month's birthday will only be complete kung mag entertainment group na kukunin namin ng kanyang mommy ay kina Freya." Mahabang lintya ni Xhander.

"WHAT!?" Umakyat sa ulo ang dugo ni Darius.

"Wala kang karapatan umayaw. This is my child's birthday, Bro."

"Kahit masasaktan ako na kapatid mo?"

"Darius, Kung ako naman kaya ang magtatanong sa iyo.....uunahin mo ba ang nararamdaman mo kaysa kaligayahan ng iyong pamangkin?" Tanong ni Xhander kay Darius.

Hindi nakaimik si Darius.

Hindi lamang pamangkin niya ang anak ni Xhander na si Xhylie.

Inaanak pa niya ito.

Paborito niya ito dahil mas malambing sa kanya.

Napakabait na bata pa at Masunurin.

At medyo mahina pa naman ang katawan, madalas magkasakit.

Kaya nga wala itong hinihiling din basta ibinibigay ng mga magulang.

Kahit ano kayang papa ay tiklop din basta kahilingan na ng Batang ito ang nakasalalay.

Ang iba pa niyang kapatid ay hindi rin matatanggihan si Xhylie.

Paano siya tatanggi?

Tama nga naman ang tanong ni Xhander sa kanya.

Hindi ba niya pagbibigyan ang kahilingan ng kanyang pamangkin at inaanak?

Kapag nabigo ang bata, baka magkasakit na naman ito.

Ayaw nilang makita na nahihirapan ang pamangkin niya dahil sa sakit niya.

Ang sakit ng pamangkin niya ay Kidney Disease at Sakit sa Puso kaya ayaw na ayaw nila makitang nahihirapan ito.

"Paano mo naman natitiyak. Kuya Xhander, na buhay pa ang entertainment group nina Freya?" Takang tanong niya.

"Actually, may business card silang iniwan sa atin. Nakontak na ng Secretary ko ang group nila. Buhay na Buhay pa ang kanilang negosyo. Lumalaki pa nga raw, E."

Napalunok si Darius.

Very successful na tao talaga si Freya!

She deserve it, anyway. Magaiing naman talaga ito. Masipag pa. Very creative. very good leader sa kanilang negosyo.

WHAT else?

Napakaganda.

Hayun na naman.

Nagiging personal na naman siya.
.
Tapos na ang kahibangan niya kay Freya, right?

Hindi talaga sila puwede.

Ngayon masusubukan kung tunay siyang lalaki.

Matatag. Kayang humarap sa babaing nagpasaya sa kanya, nagpalungkot din naman.

But hey, nasaktan din naman siya ni Freya, right?

Ah basta, patas lang sila.

Kaya nga sa muli nilang pagkikita, enough na magiging sibilisado sila sa isa't isa.

Ibinigay na niya ang bendisyon sa Kuya Xhander. "Sige, Walang problema sa akin. Kung ano ang gusto ng pamangkin ko, bakit Hindi?"

"Pero baka naman, Darius.....sa mismong Kaarawan ng pamangkin mo ay wala ka dito? Sige ka malulungkot yung pamangkin mo kapag wala ka sa kaawaran niya. Hindi pa rin kompleto ang birthday niya kung wala ka."

Hindi naman niya gagawin iyon.

Alam niyang matampuhin si Xhylie .

At wala pa naman birthday ng kanyang mga pamangkin na hindi siya present.

Goon sila kalapit na angkan.

"Don't worry, Kuya Xhander. Hindi ko naman bibigyan ng sama ng loob Xhylie , E. You have my words. I'll be here. Kasali ako sa okasyon. Sinuman ang....gusto kong iwasan."

________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon