Wakas

231 9 0
                                    

You are the final chapter. Thank you so much for letting me share my thoughts through this.

Till next time.

_______

Uminit kaagad ang ulo ni Don Fernando Moxford.

"Bullshit! Paano na ang birthday party ng apo ko bukas? Hindi pala kayo mga propesyonal!" Galit na sigaw ni Don Fernando.

Taas-noong sumagot si Kiscial, nawala ang takot sa pamosong mala-bulkan na temper ng mga Moxford. "Mawalang gana na po. Propesyonal po kami, Senyor Fernando. Hindi kami tatagal sa negosyo kung hindi. Pero hindi sa lahat nang pagkakataon ay propesyonal sa trabaho ang mahalaga."

"Ano ang ibig ninyong sabihin, guys?" Nakakunot na rin ang noo ni Xhander Allen Moxford.

"Ang aming Kasama, actually our friends, si Freya, ay emotionally and personally wounded. May namamagitan sa kanila noon ni Mr. Jonathan Darius Moxford. Masakit ang kanilang paghihiwalay dahil natuklasan ni Freya. Pero wala man lamang nagbabala sa kanya dito. Hindi pa nga siya naka-recover sa kaibigan kay Darius, nalaman pa niyang nagkabalikan pala ang dalawa.

We pity our friend. Sa Manila. Gusto niyang makalimutan si Darius pero hindi niya magawa. Napansin ninyo naman siguro kung ano ngayon si Freya, payat, maputla, malungkot at halos tulala. She is still hurting. Kailangan bang mabigla pa siya sa pagkakabalikan ng dalawa?" Emotional na rin si Kiscial, galit din.

Walang nakaimik sa mga Moxford.

Lalo na si Don Fernando Moxford na ngayon ay natahimik din.

Pero narinig pala ang usapan na iyon ni Natashia Reyes.

Pumagitna ito at nagtaray sa mga kaibigan at kasosyo ni Freya. "Kahit mamatay sa sama ng loob ang babaing iyon, problema na ninyo iyon! Ambisyosa siya e! Akala niya, magkakagusto si Darius sa kanya! Asa siya! Kung nagkapayat-payat at nagkaputla-putla man siya sa pag-ibig niyang walang katumbas... aba, malas siya! Kasi ako ang gusto ni Darius at Hindi siya! I'm claiming what is mine! At magpapa-kasal na kami ni Darius! Hindi namin kailangan ang baduy na entertainment package ninyo!"

At kumumpas pa si Natashia. "Sige, lumayas na kayong lahat dito! Huwag na kayong tumuntong pa sa sa lupa ng Hacienda De Moxford!"

Si Don Fernando Moxford and kaagad na nag-react. "Tahimik! Natashia! Kung may magpapalayas ng tao, ako lang iyon! At wala kang karapatang sabihin yan dahil ni hindi ka pa siyang legal na Moxford, baka nakalimutan mo?!"

Inismiran lang ni Natashia ang ama ni Darius. "Your famous temper will never ever intimidate me. Kapag kasal na kami ni Darius ay may karapatan na rin ako dito sa pamamahay na ito."

May nagsalita sa likod nila. "Kung... kasal na nga tayo. Pero and tanong... matutuloy ba?"

Si Darius pala ang nagsalita.

Ang mga mata nito ay walang kurap, walang emosyon na nakatitig kay Natashia Reyes na ngayon ay nabigla.

Napatanga si Natashia, kinakabahan. "Darius... "

"You see, Natashia... nang bigla ka lang sumulpot uli dito, I didn't have the chance to think. Paano, kaagad mo akong dinulutan ng sex, kahit sinong lalaki, iyon ang kahinaan. Pero dumadating din naman ang panahon na ang isip ko'y naliliwanagan na."

"Darius, I don't like this... what are you going to say? Darling, I love you... I'm back for good!" Natataranta na si Natashia.

Ang ibang Moxford ay tahimik na. Nanonood na lang.

Kumpinyansa na sila na alam na ni Darius ang tama at mali at kung ano ang kanya ginagawa.

"Natashia, Hindi ako laruan na inayawan mo pagkatapos ay naghihintay pa rin sa pagbabalik mo nang walang kasiguruhan. Tao ako. My emotion grows, changes. At nagbabago ito... nang makilala ko si... Freya."

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon