Chapter 20

120 6 1
                                    

Sa Araw ng Pag dating nila sa Hacienda De Moxford ay ang mga kasosyo at kaibigan ni Freya ang anchor of strength niya.

Bahala ang mga ito sa lahat.

Hindi nila binibigyan ng intindihan si Freya.

Bini-baby pa nga nila si Freya.

Kahit busy ang mga ito,  lagi na lang siyang tinatanong kung nagugutom na ba siya, kung nauuhaw at kung okay lang siya.

Natatawa na nga siya e, bukod sa naliligayahan.

Ang babait ng mga kaibigan niya.

Hindi nga siya suwerte sa Love Life pero blessed na blessed naman siya ng mga kaibigan na higit pa sa kapatid ang turing sa kaniya.

Sila ay binigyan pa ng accommodition ng mga Moxford sa loob din ng Hacienda de Moxford.

Isang chalet na sila lamang ang nag-o-occupy. Mahangin, mapuno at madaming mga bulaklak sa palagid.

Medyo malayo ito sa mansiyon ng mga Moxford.

Naririto ang lahat na personal at propesyonal na gamit nila.

The day before the birthday party sila dumating sa asyenda.

Ang mga costumes nila ay nilalagyan na ng kanyang kasosyo ng mga finishing touches.

Gustong tumulong si Freya pero binawalan siya ng mga ito.

"Basta, relax ka lang diyan. bukas ka na magtrabaho,  sa mismong party na. Princess ang role mo bukas sa ating entertainment segment, kailangan talaga ay perfect ang beauty mo!" sabi ni Kiscial, napakaistrito pagdating sa kanyang kapakanan.

Si Freya naman na maiinip lang sa loob ng kwarto, lumabas muna.

Gusto niyang maglakad-lakad.

Siguro naman ay nasa malayo si Darius. Hindi niya ito masasalubong.

Napakalawak naman ng asyendang ito, bakit naman makakasalubong pa niya?

Palayo naman sa mansiyon ang kanyang direksiyon e.

Kasi kung papunta sa mansiyon ay para na ring sinadya niyang magkaroon ng tsansa na magkakasalubong nga sila ng binata.

Very professional naman talaga sila eh. Mula nang dumating sila ay puro tungkol sa trabaho lamang ang kanilang pakikipag-usap sa mga Moxford.

Ang mas nakausap lang naman talaga nila ay si Zharco at ang asawa nito.

Pati na rin si Don Fernando Moxford.

Puro tungkol sa party ang usapan nila.

Walang bumabanggit kay Darius. Friendly but careful ang mga kapatid ni Darius.

There is no other way to go through this but this way.

Para sa isang malungkot na tao, masarap ang katahimikan ng isang magandang lugar na katulad ng Hacienda De Moxford.

Parang nakikisama sa iyo ang kapanatagan ng lugar. Mga huni lamang ng mga ibon ang naririnig ni Freya. At mga pagaspas ng mga dahon ng hangin.

Lumanghap ng sariwang hangin si Freya para maibsan ang bigat ng kayang dibdib.

Pumikit pa siya as she takes in the fresh air.

Pero pagdilat ng kanyang mga mata ay may dalawang tao na sa kanyang harapan.

Si Darius at isang.....napakagandang babae na halatang mayaman.

Emotional ang mga mata ni Darius na nakatitig sa kanya pero hindi ito kumikibo.

Ang kaagad kumibo ay ang babaing nakakaapit sa braso ni Darius. "Sino ito, Darius?"

"Miyembro ng entertainment group na mag-aaliw sa mga bata sa birthday party  ng pamangkin ko." Kalmadong sumagot si Darius, ngayon ay nakatitig na ito kay Freya na blangko ang expression.

Kay dali nitong nagtago ng emosyon.

"Bukas pa ang party, Hindi ba.....bakit naririto na sila?" Talagang nagsusuplada si Natashia, ganito naman talaga ang ugali nito.

"Galing pa sila sa Manila, Natashia kaya naririto sila the day ahead of the party." Saka lang natiyak ni Freya na ito pala si Natashia ang Ex Fiancee ni Darius.

Si Natashia Reyes ang first love ni Darius.


____________



Its_AudreyBelle11 | AG💋




Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon