A/N: Wazzap mga Babies ko!! Short update mo na tayo ngayon.
Wala kasi akong mood ngayon pero babawi ako next time.
Enjoy Reading Babies ko, Keep Safe sa inyo Dyan.
___________
Sa Grupo ay si Odette ang bestfriend ni Freya. Excited na ibinalita niya kay Kiscial ang latest sa kanila ni Darius.
"What? Nagkaloob ka na ng half-body kay Darius sa loob ng sinehang?" Gulat na tanong ni Kiscial.
"Shhh, not so loud! Kiscial naman, e. Crush ko nga yung tao."
"Anong half-body ang ibinigay mo, ha? Ibaba o itaas?"
"Kiscial naman eh..." angal niya.
"Curious lang ako, sabihin muna. Freya," Pangungulit ng kaibigan niya sa kanya.
"Syempre, yung upper body ko..." Nahihiyang sabi niya.
"Ows Talaga ba?" Pang-umagang aasar ni Kiscial kay Freya.
"Kiscial naman eh!" Angal niya.
"Oo Na, paniniwalaan ko na. Pero huwag mong didibdibin, ha, Freya? Hindi ka nakasisiguro sa lalaking yun." Biglang nag-seryoso si Kiscial.
"Alam ko naman yun, Kiscial. tsaka may one-half pa siyang hindi nakakamtan, iyon ang laban ko."
"Sabagay may point ka...bitin siya?"
"Iyan mismo ang sinabi niya sa akin, Kiscial."
"Ganon?"
"Gusto pang humirit pero sabi ko---- enough is enough."
"Wow! Galing mo, 'day."
"Sira ka talaga Kiscial." Never niya ipaalam niya kay Kiscial ang tunay na dahilan kaya siya nakatanggi kay Darius.
"Pero Hindi talaga nakarating si Darius sa...virgin forest?"
What the hell Virgin forest?!
"Kiscial!" Sigaw niya kasi hiyang-hiya na talaga siya sa harapan ng kaibigan niya ngayon.
"Oo Na, tatahimik na ako." Natatawang sabi nito.
PANAY ang pangangabayo ni Darius sa paligid ng hacienda nila.
Ganito siya kapag may kinikimkim na problema.
Mas tama sigurong sabihing ganito siya kapag 'bitin'.
Hingal ang kanyang kabayo nang kanyang lubayan.
Umupo siya sa malalaking buhat ng Balite.
Tirik na tirik ang araw ngayon, kay init-init ng sikat.
Siguro'y kasing init ng kanyang ulo niya ngayon.
Wala naman kasi siyang kaplanu-planong sundan sa America si Freya. Hindi naman kasi niya ito balak seryosohin.
Sa totoo lang, hindi pa nga siya nakakabawi sa kabiguan at ngitngit sa kanyang Ex-Fiancee niya.
Kaso ay nagdeklara na si Freya na enough is enough na daw, ni ayaw pa ngang pahatid sa kanya sa airport.
Eh siya pa naman ang Moxford na naniniwala sa kasabihang dapat tapusin ang anumang nasimulan.
Ganoon ang training niya noong bata pa siya at member ng isang samahang relihiyoso. Hindi raw dapat inaabandona ang anumang naumpisahan na.
Napabuntong-hininga ang binatang Moxford.
Kung gayon pala ay wala nga siyang choice kundi sundan sa America si Freya
_________
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)
RomanceSi Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa souvenir para sa mga dadalo, hanggang sa bansang pagdarausan ng kanilang honeymoon. Pero nang tatlong araw na lang at haharap na si...