Chapter 13

111 8 1
                                    

A/N: Happy New Year Babies ko!! Sorry ngayon lang ako nakapag UD busy kasi ako this past few days sorry talaga sa inyo.

Enjoy Reading Babies ko :)

__________________

Sa Manila, nagulat pa si Freya nang after two weeks ay dinalaw nga siya ni Darius sa kanilang tahanan.

Pleasantly suprised ang dalaga, sabihin pa.

"Wow, pare. Okay ka lang?" Masiglang  nakipag-umpugan ng kamao kay Darius si Freya.

"Yeah, I'm fine! Kadarating ko lang this morning. Nakatuloy ako sa townhouse ng isang kamag-anak ko dito sa Manila."

"Babae or Lalaki?" Tanong niya.

"Lalaki syempre. Anak ni Uncle Dhaniel."sagot ni Darius

"Wow, Pamangkin ka nga pala ng sikat na si Dhaniel Moxford. Di ba kapatid 'yon ni Severo Moxford na may-ari ng Severos Building sa Makati?"

"Yes, Severo Moxford is also my uncle."

"Teka lang, Bakit ka pala narito?"

"Bakit? Hindi mo alam kung Bakit, Freya?"

"Popormahan mo ako?" Itinaas ni Freya ang isang kilay.

"Popormahan, magpapapogi, whatever."

"May dala kang bagong kotse, how come?"

"Hindi yan sa akin, sa pinsan kong si Apollo." Kaya nga okay gamitin dahil hindi pa namin ito nasaktan ni Natashia, sa loob-loob ng binata.

Sumigla ang dalaga. At least pala ay sa bagong kotse siya isasakay ngayon ni Darius. " Sunday ngayon at wala kaming trabaho kaya nadatnan mo ako rito."

Nakangiti sa kanya si Darius habang hinahagod siya ng nakaiintrigang tingin mula ulo hanggang paa.

"What is it?" Tanong ni Freya, curiously.

"You are every inch a sexy lady."

"Really?" Wala pa naman ang mga kasama niya, paano kung ngayon siya yayain ni Darius na lumabas?

Cancel ang pag punta nila sa America dahil may malakas na bagyo dun kaya hindi sila makakauwi.

Baka next month or next year na sila uuwi dun. Gusto niyang makasama ang binata bago sila makauwi sa America. For sure mami-miss niya ang binata.

Irresistible pa naman ang ang guwapong ito, naisaloob ni Freya.

At siya pa naman ay ilang gabi nang napapanaginip ang binatang Moxford.

Lovers and friends daw sila sa panaginip.

"Freya......"

"Teka, ikukuha kita ng fresh buco juices!" Pumasok agad si Freya, iniwan si Darius sa porch ng simpleng tahanan nila.

"Wala ba ang kasama mo dito?" Tanong ni Darius.

"Wala Eh, nagsimba sila."

"N-nag-iisa ka, Freya?"

"Oo. Pero may mga Kutsilyo dito sa kusina."

Napalunok si Darius sa sinabi ng dalaga.

What the fuck! Hindi niya ma-imagine ang sarili na may saksak sa tiyan At duguan.

Iniba agad niya ang mukha. "Gusto kitang ipasyal around Manila, Freya."

"Pardon me?"

"Sabi ko, dala ko mag magandang kotse, ililibot kita sa mga good places around Manila."

"Ayoko na sa perya!" Nasa kusina pa rin si Freya at nagsasalin na ng fresh buco juice para binata.

"Gusto mo pumunta tayo sa Manila Zoo?"

Nagliwanag ang mga mata ng dalaga. Aba, gustong-gusto yata niyang makapunta muli sa Zoo! High School pa siya nang Huling makapunta doon kasama ang mga Kaibigan niya.

"Heto na ang buco juice mo at pumapayag na akong magpunta sa Zoo, Magpapalit lang ako ng damit!"

Lihim na napapabuntong hininga si Darius habang iniinom ng Fresh buco juice. Bakit ba of all places ay ang Zoo pa ang kanyang sinabi?

Dahil sa buong Manila ba ay dito na lang sila hindi nakapag-date noon ni Natashia.

Jeez, far from romantic ang Zoo!

Natulog sila. At parang bata enjoy na enjoy sa Zoo si Freya.

Naroong magpakuha ito ng larawan na background ang mga hayop.

May mga kuha pa nga sila ni Darius na katabi ang mga matsing.

Then dinner time na.

Oras ng katotohanan, naisip ni Freya.

Ngayon niya malalaman kung hanggang dito sa Manila at ituturing siyang second-class citizen ng binatang Moxford na crush na crush pa din niya!

"Darius, nagugutom ako......"

"No problem, we'll take a sumptuous meal."

"Ayoko sa tabi-tabi Darius."

"Sa Malate ay may nakita akong bagong kainan---- Putahe ni Inang Diding."

"Puwede ba, Darius. Give me break! Ang gusto ko ay sa restaurant sa loob ng Manila Hotel Hindi sa Putahe ni Inang Diding."

Napalunok ang binata. Masasabi ba niya sa dalagang ito na sa Manila Hotel ang hang-out nila noon ni Natashia?

At ayaw pa niyang muling mapagawi sa alinmang sulok nito?

"Natigilan ka na naman? Ako ang magbabayad, okay?"

"Hindi naman pera ang pinag-g-usapan dito, Natashia."

"Anong Natashia? Si Freya ako!"

"Jeez, nagkamali lang ako, okay?"

Pumasok sa isip ni Darius ang mga tagpo nila ni Natashia sa iba't ibang panig ng Manila Hotel.

Mula sa restaurant and pavilions hanggang sa mga suites doon.

Kaya ba niyang dito dalhin si Freya when he will surely remember those unforgettable moments white his former girl?

Si Freya naman ay naghihintay sa sagot.

Hindi na siya talaga paaapi sa binatang ito.

Pero so Darius ay nananatiling tahimik, nag-iisip pa ng lusot.

"What's taking you so long to say yes, Darius!" Inis na inis talaga si Freya pero pinigilan niya ang kayang sarili.

"I'm studying your proposal, Freya."

"Plano mo bang ligawan ako, Darius? Yes or No?"

"Yes." Sagot ng binata.

"Then dapat kang manuyo starting right now, Darius. Gusto ko nga sa Manila Hotel."

"Mas maganda sa..........sa Bayview."

Nanggigigil na si Freya. Ano ba ang problema ng binatang ito sa kanya?

"Ayaw mo akong dalhin sa Manila Hotel, saan pa kaya ang ibang Hindi pwede nating puntahan dito sa Manila, ha, Darius."

"Freya, please......"

"I want to know, I demand to know, Darius!" Sigaw niya Hindi na niya mapigilan yung galit niya sa binata.

"Okay! Ayoko ring mangyaya ka sa Intercon, sa Manila Peninsula, sa ShangriLa, sa Intramuros, sa Megamall, sa Robinson, sa mga coffee shops sa Malate, pati sa The Fort. At bawal din sa Libis, sa Eastwood at sa----"

"Tama naaa!" Sigaw ni Freya, bumabalong na ang luha sa matinding galit niya sa binata.

Galit na galit ito sa binatang Moxford.

Galit na galit talaga siya!

Gusto niyang itanong kong may galit ba ito sa kaniya.

Gusto niyang itanong kung bakit bawal sila pumunta sa Mamahaling Lugar.

_________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon