Chapter 15

116 8 0
                                    

Enjoy Reading Babies ko :* ♡

______

That's it. Huwag manligaw kung hindi magpapaligaw. Kalimutan si Freya.

Ano pa nga ba ang tamang gawin kundi ito?

Nagpaka-busy na lamang si Darius sa mga gawin sa asyenda, Tuloy pa rin siya sa kanyang pag-iwas sa mga gamit o lugar na may kinalaman kay Nathalia.

Tatanda siyang binata.

So be it sabi niya sa sarili.

Pero Hindi madali ang paglimot kung mahal mo ang isang tao.

Hindi rin madali ang magtiis sa lungkot.

Marami kasi talaga ang mga dahilan para maalala mo ang isang tao.

Gaya nang magpapa-birthday party na naman ang mga Moxford, This time ang bunso ni Xhander.

Dahil nga mag-iisang taon pa lamang ang bata, mas bongga ang gagawin sa okasyon na ito.

Maraming handa, At may kinuha ring entertainment group para sa party.

Magic naman ang motif ng mga entertainers.

Naka-costumes ang mga ito ng mga very colorful.

Magagaling ang mga nagtatanghal.

Humahanga ang mga nasa party. Nagpapalakpakan.

Pero si Darius ay parang batong ayaw tablan ng funny entertainment na iyon.

Para kasi sa kanya at wala talagang tatalo sa group nina Freya.

Lalo na si Freya.

No. Nothing can match her. Natural performer ito. Natural din sa pagpapatawa ng mga tao.

And he injects intelligence sa kanilang palabas.

Naglasing na lang tuloy si Darius. Siya lang ang nagpakalulong sa alak sa children's party na iyon.

Resulta?

Kinabukasan ay hindi siya nakabangon nang maaga. Hindi niya nahanap ang buyer ng copras nila.

Mabuti na lang, kahit Sino sa mga kapatid niya ay kayang mag-take over sa anumang gawain na napabayaan niya.

Pero Hindi siya nakaligtas sa sermon at init ng ulo ng kanyang papa.

Si Don Fernando Moxford ay ayaw na ayaw kapag may nakaligtaang responsibilidad ang mga anak.

Nang magising sa tanghali si Darius, ang isinalubong sa kanya ni Don Fernando ay pagbabasag ng isang painting na palamuti sa salas.

"Para kang sira, Darius! Dahil lang sa isang babae ay nagkaganyan ka Na!" Sigaw ng kanyang Ama.

"Dalawang babae ang nagkaatraso sa akin, Papa. Kaya huwag mo rin akong masyadong sisihin kung nagkakaganito man ako."

Gaya na rin ng kanyang mga kapatid, Hindi madaling mayanig sa ama si Darius.

"Bakit di ka marunong mabuhay nang wala ka nang pakialam sa mga babae, ha?" Inis na tanong ni Don Fernando Moxford.

"Hindi mo maaring iutos iyan, Papa! I still don't know what to do with my life! And this is my problem!" Diin na sagot ni Darius.

"Naapekto naman kami ng problema mo!"

"Kung ganoon ay ano ang gusto ninyo, Papa....aalis ako dito?" Naghahamon na ang pormal na boses ni Darius.

Hindi nakasagot si Don Fernando Moxford.

Takot din naman siyang mawalan ng anak. Oo nga at may mga topak sila, parang bulkan ang mga tempers, pero hindi pa sila nagkakahiwalay.

Wala pa siyang naitakwil Sino man sa kanyang mga anak.

Kumambiyo si Fernando.

Nawalang bigla ang galit ng kanyang Ama.

"Darius, Anak.....Hindi tayo kailangang dumating diyan. Sige na, pipilitin ko pang magpasensya sa iyo."

Napabuntong-hininga lang si Darius.  "Sana nga, Papa."

"Siguro nga ay kailangan mo pa ng mahabang panahon. Pasasaan ba at makakalimot ka rin."

" sabi naman nila time is the greatest healer daw. Doon ma lamang ako aasa, Papa."

"Basta, iho......isipin mo lang ito, Nandito lang kami ng kapatid mo hindi ka namin iiwan sa ere."

Tumango si Darius sa sinabi ng kanyang Ama.

Hindi nga ba't ang dami nang lugar na hindi niya na maaring puntahan because of bitter memories.

Sobra naman kasi talaga ang kanyang pagka-emotional.

Bukod doon sa mga magagandang at class na lugar na konektado kay Nathalia kaya ayaw na niyang silipin o puntahan man lang, ang mga pangmahirap din na lugar na konektado naman kay Freya ay hindi na matatapakan ni Darius.

Iyong mga walang class na lugar na pamilihan na doon sana niyang dadalhin si Freya para mag-shopping, ni ayaw na niyang madaanan ngayon.

Ang kainan at pinakaiwas-iwasan niyang makita man lang.

Nag perya sa bayan ay parang impiyerno nang kinatatakutan niya.

Not even a quick look at it would he dare to do.

Sariwang-sariwa ang mga alala ni Freya.

Teka bakit pansin lang niya ay mas malalim ang sugat ng alala ni Freya.

Mas tagos sa kanyang kaluluwa?

Pero.....para naman hindi iyon ang tunay na dahilan.


__________


Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon