Chapter 1 - Start

514 36 8
                                    

Start

Umagang-umaga. Alas kuwatro ng umaga. Dilat na dilat ang mga mata ko habang hinihintay kong tumunog ang alarm clock ko sa phone.




Puno ng kaba, at pinagpapawisan akong tunay kahit sobrang lakas ng electric fan namin.




"Gosh. Lord, kung kailan first day talaga."




Tumunganga lang ako at naiisip kong bakit napakabagal ng oras kung kailan hinihintay ko?



Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip ulit nang biglang narinig ko na ang alarm tone ko kaya bigla akong napatayo at dali daling pinatigil iyon.





Kinakabahan pa rin ako. Bakit nga pala ako gumising ng ganito kaaga?




"Hoy bruhang Inez Ganzo! Baka naman may balak kang tumayo riyan, aber?!"



Sigaw ng mama ko habang nasa kusina siya at hinahanda ang almusal at baon ko.




"Well." Iyon ang tunay kong alarm clock. Tumayo ako't nag-inat inat saka bumaba na sa kusina para mag-almusal.




"Wow, ma! Happy birthday?!" Paos na sigaw ko. Kagigising ko lang kasi.





Napakarami kong pagkain sa almusal na ito. Teka? Ano nga ba kasing purpose netong ginagawa ko?




"For real na talaga to."





Bigla na naman akong kinabahan. Papasok lang naman sa school.






"Tanga. Pasalamat ka pinagluto pa kita. Hayaan kitang magutuman diyang bata ka."





Okay, okay. College school kasi iyong papasukan ko na. Kakagraduate ko lang ng highschool nitong March 2015.





At sobrang sobrang first time ko na pumasok sa school as a college student.







"Anong nakakakaba don?" Tanong ko sa sarili ko.





Malamang, nakakakaba kasi never ko pang naranasang bumyahe from Antipolo City to Quezon City para lang sa pag-aaral. Napaka ignorante ko sa age kong 15 years old ha.




Tama tama. Never ko pang naranasang bumyahe nang ganong kalayo for acads. Hirap kaya, duh.




Nawala ako sa pagmumuni-muni nang sumigaw na naman si mama kasi hindi ko pa ginagalaw ang mga pagkain sa hapag.



"Bilisan mo! 4:53 am na! Baka mahirapan kang sumakay niyan. First day of school dapat early bird ka!"



At kaya nga lamon na ako ng lamon habang minamadali ako ng mama ko.


"Hmmmm." Masarap itong chopsuey ha. Teka, try ko nga ring inumin tong energen nang mabusog ako.


Excitement, kaba, at takot ang nararamdaman ko. Dependent akong tao. At ayaw kong malayo nang ganito sa mama ko. Naiiyak ako sa palaisipang iyon.



Pagtapos kumain, dali na akong naligo at nagbihis habang si mama ay inip na inip na naghihintay sa aking matapos.


"Ano, anak? Kaya ba today?"


Ewan ko ba, excited pa siya sakin. Chos. Pero ayon na nga, ready na lahat. Ako na lang ang hindi. Eh sa kabado ako eh.



Hinablot na ni mama lahat ng mga gamit ko at lumabas na kami ng bahay.


Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon