Chapter 21 - Past

139 12 2
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-------------------------------------

Past

Inez's

One month has passed since the summer vacation. Nakakaenjoy siya to be honest. We had a lot of time to bond with our friends, families, and relatives.

Namimiss ko pa rin si Liam. Kakatapos lang naming magvideo call kanina about kay Kuya Reon. Mukhang nagseselos ang itlog.

At nakita ko rin naka seen na yung message ni kuya Reon kahit di ko pa nababasa. Si Liam lang ang may hawak ng account ko.

Napabuntong hininga ako. Si kuya Reon ay nakilala ko, February last year. Nakisali siyang maglaro ng volleyball sa tabing kalye. At doon namin siya nakilala dahil nakakasama na namin siya araw araw sa paglalaro.

Inabot ng isang buwan at kalahati bago siya nagtapat na may gusto siya sa akin. Six years ang age gap namin at gusto kong mas matanda sa akin ng kaunti ang magiging boyfriend ko. Hinayaan ko siyang manligaw.

Lagi niya akong nilalandi sa chat o sa personal. Pero sweet side niya ay nagdadala siya ng pagkain para sa kaibigan namin pagkauwi niya galing work.

Nagsimula na kaming lumabas labas like sa sinehan, sa mga bagong bukas na kainan. Masaya siyang kasama. Pero Midweek ng May, biglang wala na lang akong narereceive na kahit ano galing sa kanya.

Puni ng tanong ang puso at isip ko. Nagsawa na ba siya sa akin? Narealize niya ba na ang childish ko?

Chinat ko siya, tinawagan pero walang response. Sinubukan na rin naming abangan siya pag umuuwi pero di namin siya nasasabayan.

Hanggang sa nagsimula na lang ang first year college class ko nang walang paramdam galing sa kanya.

Nabalik lang kami sa komunikasyon nang nakasabay ko siya sa sakayan. Simula non, siya na ang nag iinitiate ng conversation lagi sa chat man o personal.

Panaka naka siyang nagrereply or minsan nagpapakita sa personal pero ni di namin tinanong bakit ngayon lang siya bumalik ulit.

Simula noon, palagi na niya akong chinachat at binavati sa personal. Lagi niya akong inaayang kumain na kaming dalawa lang. Napansin niyang lagi kong dinedecline kaya nagdesisyon siyang isama yung mga friends namin.

At saka doon lang ako sumama.

Until one time...

Gabi na at kakatapos lang naming maglaro ng badminton sa gilid ng kalye. Bumalik kami sa carinderia nila Leny para umupo at magpahinga. Nakita naming nagsasara na sila.

"Te Leny penge water, apat." Pabirong utos ni Kuya Reon.

"Wow sir, sandali po ha." Sarcastic na balik ni Ate Leny.

Nagdala siya ng apat na baso para sa dalawa pa naming kaibigan na kalaro namin kanina.

Tuluyan nang ibinaba ni Ate Leny ang takip ng tindahan nila at nilock ang pinto. Pinatay na rin nila yung mga ilaw. At itinira ang isang maliit na bumbilya ng ilaw sa labas.

Pero di pa enough na liwanag yon. Nagpaalam si Ate Leny at ang dalawa pa naming kaibigan na bibili lang sila ng burger st fries sa baba.

Dali akong nag abot ng pera kila Ate Leny para makisabay sana.

"Eto ate Leny, dalawa kami ni Inez jan. Keep the change." Nakangiting abot ni kuya Reon ng pera kay ate Leny at ibinaba ang kamay kong iniaabot ang perang ambag ko sana.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon