Chapter 8 - Feelings

112 16 9
                                    

Feelings

"Nilalandi kita kasi gusto kita. Hindi ito joke. Gusto kong maging akin ka. Kung pwede nga lang na akin ka na ngayon eh. Pero gusto kong ligawan ka. KAYA LILIGAWAN KITA. WALANG TANONG. KAYA WALA RING SAGOT BASTA LILIGAWAN KITA. AYOS?"

Maramdaming paliwanag sakin ni Liam. Pag ganto sya, for sure nahurt ko ang ego nito.

"Wow!!! So bawal na akong tumanggi ngayon? Porke sinamantala mo ang panlilibre sakin?" Balik sagot ko sa kanya.

"So di mo talaga ako type? Parang ayaw mo atang ligawan kita. Ibalik mo yung dumplings. Amin na yan." Padabog nyang sabi habang pilit na kinukuha yung lalagyanan ng dumplings ko.

"Eeeehhhh. Payag na ako magpaligaw. Sige na." Napabuntong hininga ako. Kahit anong gawin ko kasi basta sinabi niya, ipipilit niya. Type ko rin naman siya kaya para saan pa kung magpapabebe ako di ba?

Baka magsisi pa ako tapos mapunta siya sa iba.

"Ayaw mo kasing maniwala sakin. Araw araw kasa kasama mo ako. For sure alam kong ramdam mong nilalandi kita." Seryoso niya pa ring sabi sabay kagat ng dumplings.

Mukhang di ko talaga siya mapipigilan pa. Desidido na siya eh.

"Hayyy. Okay okay. Take care of me po." pasuko kong sabi.

"Always." sabay kindat sakin. Severus Snape lang ang peg?!

After ng bangayan at pilitan sa panliligaw ay natapos na rin kaming kumain. Napagdesisyunan naming pumunta muna sa library para matulog.

Hindi mahigpit ang restrictions sa library so we can sleep. Oh for sure, maglalaro na naman yan ng COC habang natutulog ako. Siya nga raw ang Student Guardian Angel ko.

Magkatabi kaming umupo sa isang table kung saan may charging plug. Chinarge nya yung laptop nya at ako ay nagreready na para matulog.

"Matutulog muna ako. Pag 15 minutes before ng klase, pakigising po ako. Thank you." utos ko sa kanya.

Nakita kong tumango siya at nakita kong naglalaro na pala siya ng COC. Ang bilis non ha.

Sabay sapak ko ng earphones ko at pinatugtog ang Fearless by Taylor Swift. Parang normal pa rin. Parang noon pa talaga siya nanliligaw. Ngayon nya lang ginawang official. Araw araw siyang nanjan para sakin kahit saan kahit kailan.

Di ako nakaramdam ng awkwardness or changes after niyang sinabi na gusto niya akong ligawan.

Bago ko pa maisipang mag overthink, ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog.

At doon na nga nagsimula ang panliligaw niya sa akin.

"Hayyyyy ang cute mo nga noong natutulog ka. Di kita pwedeng samantalahin kasi nasa school tayo saka alam mo yon gusto kita yakapin nung pumayag kang manligaw ako kasi masaya ako pero PDA nga so kinilig na lang alo by myself." banat ni Liam.

"Gago. Bawal nga ang PDA tanga tanga ka saka di ba pinilit mo ako so wala akong choice." matabang kong sabi kay Liam.

Tumawa na lang sya na parang tanga at parang nagegets nya na siguro yung kahihiyang ginawa niya.

Ayun na nga ang story ng panliligaw niya sa akin. Nandito lang kami sa Congregating area. Kanina pa kami nagkukulitan. Wala kasi kaming class sa buong magdamag dahil halos pasahan lang ng requirements talaga today.

"Cute, yung usapan natin ha? Kain tayo sa Family Mart mamaya. Parang gusto ko ng ice cream." yaya niya sakin.

"Sure sure. Pero gaga ka. Anong cute? Libre mo ako ha?" Magulo kong sagot. Kinikilig ako eh. Magkatabi kaming naglalakad habang nag uusap ng mga after plans. Magpapasa na kasi kami ng portfolio sa Algebra 1.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon