Chapter 5 - Heartbeat

162 28 2
                                    

Heartbeat

Paul Muñoz added William Howery to the group.





Bwisit naman talaga. Di ko mapigilang mainis at kiligin at kabahan at the same time.





Like kung kelan ako nagshare ng mga kalandian ko? Naisip siguro nila na ito na ang time para magkalovelife ako?






Hindi ko lang alam kung ano ang iniisip nila ha pero natutuwa ako na hindi. Ituloy niyo lang friends.








Napapailing na lang ako habang ang ingay ng gc namin. Lahat yata ng mga kaklase namin nagising sa sobrang ingay. Buti nasa gc to, kung hindi baka nagtitilian na sa kilig kahit mga lalaki naming kaklase.







Pati yung friends kong si Prime, Jochelle, Keila, at Nica na nakakaalam ng kalandian ko, sumama na rin sa pag iingay sa gc.






Ito na ba ang chance ko? Charot. Di ako makapaniwalang nagwawala ang lahat habang ako'y nasstress pa rin sa broadband kong bulok! 3 days pa bago maexpire pero ang bagal!





William: Guys sino yung may crush sakin? Sabi lang ni Paul e.







Nagulat ako nang mabasa ko ang new message sa gc namin. Mas nagulat ako na imbis na mag-asaran, halos minention ako ng mga kaklse namin imbes na magreact! Anong kabaliwan ito?






William: di naman obvious kung sino haha xd



Paul: bro need mong mabuhay para sa prinsesa ng gc na to


Oo. Prinsesa tawag niyan saken kase maarte raw ako. Paki ko naman jan sa payatot na yan.





Jochelle: matagal ka na naming hinahanap

Prime: San ka ba kasing kuweba nagtago Liam?

Nica: Wala kasing lakas ng loob kausapin ka. Prinsesa eh

Keila: Kami na hihingi ng number mo para sa kanya, sumaya lang siya

Me: T____T GUYSSSS BAKIT ANG BILIS NIYO AKONG IPAMIGAY??!!!





Di ko na napigilang sumali sa usapan. Tapos ko nang idigest lahat ng nangyayari. Kada magsasalita ako or may iseshare ako, ang bilis ng progress like wtf.






Paano na ito bukas? Monday na naman. Magkikita kita na naman kaming lahat. Makikita ko na naman siya. Mag aasaran na naman sila.







Sa sobrang dami kong iniisip, di ko namalayang gabi na at tapos na pala ako sa activities ko. Pinakiramdaman ko yung sarili ko. Di na muna ako kakain.








Babawi na lang ako bukas ng umaga. Parang mas need kong matulog kesa kumain. So much for this day. Puro kalandian pero sumakit ulo ko.






Never pa akong nastress nang ganito dahil lang sa lalaki. Napakabilis nang pangyayari parang gusto kong iwasan pero ang hirap kasi nanjan sila.







Sila ang nagkokonekta sa nararamdaman ko kay William. Ang immature, ang inconsistent pero ayun kasi yung present eh.








Di ko namalayang nakatulugan ko na ang pag ooverthink. Nagising na lang akong kinikiliti ni mama yung talampakan ko. Nako, buti di ko nasipa tong si mama.






Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon