Chapter 10 - Make out

225 15 5
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-------------------------------------

Make out

Few months later...

Malapit na ang end ng second semester!!!!! Ang bilis naman ng araw parang kailan lang takot pa akong bumyahe. Pero ngayon, kung saan saang dako na ako nakarating ng Manila. Isa yon sa mga naenjoy ko nung nag Sembreak.

Well, road trip and gala to the max ako dahil hindi ko yon masyadong naenjoy nung first sem. Siyempre inaadjust ko pa yung sarili ko sa changes.

Changes. I never believed that all of my plans for my college life has changed. May dumating na William Howery sa buhay ni Inez Ganzo.

Ang saya sa pakiramdam na gumala kasama si Liam. Nakakaenjoy. Ang dami nyang alam na galaan. Nakilala ko na rin ang mga tropa niya at family niya. So far, wala namang hadlang sa aming dalawa.

Pinaalalahanan lang kami ng parents niya na unahin lagi ang pag-aaral. Well, ganun talaga pag parents. Pero masaya kami na hindi kami nakakaranas ng problema sa relasyon namin.

Not until....

Sabado ng umaga ngayon at wala kaming pasok. Sinundo ako ni Liam dahil gusto niyang tulungan ko siyang tapusin ang final projects niya. Ako, tapos na tapos na. Matagal na. Nagngingitngit ako sa inis. Nagsinungaling siya sa akin.

Lagi ko siyang tinatanong kung kamusta na yung final projects niya noon, laging "going good" ang linyahan niya sa akin.

Noon lang siya nag umpisang magcram nung pinutol ng profs namin yung mahabang deadline dahil sa visitors daw na need mag quality check ng school. Kaya mawawalan kami ng class for the whole week which is supposed to be last week ng sem sana.

Naglalakad kami papasok sa gate ng bahay nila habang ako ay panay pangaral sa kanya.

"Ang sabi ko sayo, may projects pa tayo! Bakit ka sumama sa mga tropa mo kagabi?!" Galit kong sabi kay Liam.

"Birthday ni Kerwin eh! Minsan ko lang makasama yung mga tropa ko na iyon. Saka matagal na tong plano. Bat ba galit na galit ka? Uminom kami sabi ko sayo, pero di ako naglasing!"

Binuksan nya ang pintuan ng bahay nila at pumunta kami sa sala. Nakita naming ang tita niya na naghahanda ng pagkain. Mukhang sinabihan siya ni Liam na bibisita ako.

Binati ko ang tita niya na nagluluto at bumaling ulit kay Liam na nilalabas ang mga portfolios at laptop niya.

"Hindi yon ang problema ko Liam. Alam mo pa lang planado na, edi sana ginawa mo ng mas maaga yung projects mo!"

"Malay ko bang mamadaliin tong mga to? Bigla bigla silang nagbago ng deadline. Tapos kasalanan ko pa?"

"Oo. Kasalanan mo! Dapat responsable ka. Nangako tayo sa mama mo na pagbubutihin natin ang pag aaral natin. Bat ba ganyan ka?"

Nagtataka ako. Bakit ang init ng ulo niya? Bago mag Finals, dun nagsimula ang pagiging mainitin ang ulo niya. Di ko na sya mainitindihan.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon