Chapter 24 - Grind

185 14 2
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-------------------------------------
Grind

"Shit?" Tanging sambit ko nang makita ko kung sino ang mga BISITA ko...

Si Liam at si ate Leny.

Nanlalaki ang mga mata ko. Paanong? Nakauwi na si Liam? Bakit kasama niya si Ate Leny.

"Hinahanap ng lalaki na to yung address mo. Kilala ka raw niya. Liam daw ang name" Paliwanag ni ate Leny at mukhang alam kung ano ang nasa isip ko.

"A-a-ahhh oo. Kilala ko siya. Pasok kayo." Inaya ko silang pumasok sa bahay. Hindi masyadong nagtanong si mama dahil busy siya sa kausap niya sa phone habang nagluluto.

Pinaakyat ko na lang sila sa kwarto. Di ko pa rin kinakausap si Liam pero napakainit ng titig niya sa akin.

"Bakit ba sya nandito? Kung kaklase mo siya, dapat chinat ka na lang eh." Tanong ni ate Leny.

Umupo si ate Leny sa sahig pati na rin si Liam.

Chineck ko muna ang phone ko at nakita kong nagchat nga pala si Liam talaga na pupunta siya pero biglang nagshut down ang phone ko.

Ipinakita ko iyon kay ate Leny.

Ngumiti ako kay ate. "Hehe. Nalowbat yung phone ko. Hehe" Nakatayo ako malapit sa bedside table ko kung saan nandoon ang phone ko.

"Ikaw Liam, bakit ka talaga nandito?" Naniningkit na tanong ni ate Leny kay Liam. Wala pang nakakaalam sa amin na kami na. Gusto kasi naming maging pribado ang relasyon namin para walang manggulo.

"Ahmm... May ibabalik kasi siya sa akin. Hiniram niya before vacation. Ano.. Usb, tama. Usb ko. Need ko kasi magdadownload akong movies." Mahabang litanya ko na puro kasinungalingan naman.

Nilingon ko si Liam. Seryoso pa rin siya pero tumango siya at naglabas ng usb. Usb niya.

"Ah nako kaya pala. Importante talaga kaya di na inabot next sem ano?" Napatingin ako kay ate Leny. Mukhang may idea na siya.

Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa kama. Aamin na ako kahit sa kanya lang muna.

"Boyfriend ko siya ate. Ilang buwan na rin kami. Di ko sinabi kahit kanino kasi alam ko ang pagkalat ng balita dito satin. Pumayag naman si Liam. Nirespeto niya ang desisyon ko." Paliwanag ko. Lumapit ako kay Liam at hinawakan ang kamay niya.

"Oh. Para sa usb ba talaga ang pinunta niya? Bakit di niya alam ang bahay mo?"

"Ito ang unang punta niya. Binigay ko ang address ko sa kanya noon pa. Di ko alam bat siya nandito. Nagulat din ako. Bakit ka nandito?" Balik tanong ko kay Liam.

"Nasa bakasyon pa kami dapat pero tumawag ang asawa ng driver namin at sinabi inatake sa puso ang nanay niya kaya napauwi kami nang wala sa oras."

"Bakit nagpunta ka rito? Pwedeng next sem -- two weeks na lang naman."

"I.." napatingin siya kay ate Leny at pabalik sa akin. Mukhang nagets ni ate Leny kaya tumayo siya at nagpaalam.

"Dito ako kakain ha. Iwan ko muna kayo. Tulungan kong magluto si tita. Ako na ang kakatok sa inyo mamaya." Sabay alis niya.

Parehas kaming napabuntong hininga ni Liam. Umupo ako sa kama at sisimulan ko nang tanungin siya.

"Dhie..." bigla siyang tumayo at niyakap ako ng napakahigpit. Napahiga kami sa kama ko.

"I fucking missed you, Inez." Sabay hikbi niya. Niyakap ko naman siya pabalik.

"I missed you too, Liam." Nanatili kami ng mga ilang minuto sa ganong pwesto.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon