Chapter 6 - Friendship

154 21 5
                                    

Friendship

"May I sit beside you, MY princess?"





Hindi na ako makagalaw. Hinihintay ko na nga siyang pumunta rito sakin. Dapat alam ko nang mangyayari to. Bat ganto ang epekto niya sakin?





Nabalik ako sa realidad nang dumating na yung friends kong si Prime, Jochelle, Nica at Keila. Ang iingay talaga ng mga bunganga.




Umagang umaga eh. At sumunod na ngang dumating ang iba pang mga kaklase namin.






Bago pa nila makita ang mga susunod na pangyayari ay pinilit kong tumayo at umalis sa pwesto. Hindi pwedeng ganito.






Lagi na lang akong bumibigay sa bawat tingin, ngiti at mga salita niya. Di ko pa siya kilalang tunay. Hindi pwedeng ganito na lang kadaling magkagusto.






Bumalik na ako sa pwesto ko malapit sa bintana para ayusin ang sarili ko at pilit kinakalimutan ang boses niyang mapang akit.





At doon nagsimulang sumikip ang dibdib ko. Panghihinayang ba ito? Hindi. Hindi ko pwedeng maramdaman ito. Masama to.





Bago na naman ako tumulala sa kawalan, narinig kong dumating na ang prof namin at nagsimula nang maglecture hanggang matapos magklase.


So far, no unnecessary actions taken from itlog boys and from Liam.






Napabuntong hininga ako. Nagtampo kaya siya? Nadisappoint? Eto na naman ako. Nag aalala ako sa nararamdaman ng isang stranger.







Di bale, at least walang asarang naganap today hanggang matapos ang araw na iyon, walang akong naramdaman ni tingin o boses galing sa kanya.







"Miss Ganzo, can you please read 'Citations' on page 190, please." Nawala ako sa pagfaflashback nang marinig ko ang prof namin sa English na inuutusan kaming magbasa ng dapat na gawain niya.






Mukhang wala ako sa mood maging top student. Pero binasa ko pa rin. Wala akong masyadong energy para maging bida bida.









One week. One week nang walang asaran maski sa gc, wala na. Pano nangyare? Ni walang nag initiate ng landian moments, ng bugawan moments.









Matamlay ba ako hindi dahil katatapos lang ng prelims at napagod ako or dahil di ko maramdaman yung spark? Galing kanino? Kay stranger? Liam. Liam ang name niya. At di siya stranger. Depensa ng puso ko.






Napabuntong hininga ako sa kawalan. Katatapos lang ng English subject at hinihintay namin yung next prof.








Ang ingay pa rin ng klase. The usual. Pero walang asaran talaga. Bakit ganon? Nasan na kayo? Please asarin niyo k-----







"Hoy princess, magsorry ka kay Liam namin." biglang sabat ni Paul.








Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.







"Baket? Paano ako nagkaroon ng kasalanan? Eh isang linggo niyo nga akong hindi binugaw at inasar dyan sa magaling niyong kaibigan?! Tapos ako pa ang dapat magsorry?"






Sarcastic kong sagot kay Paul na nagpatahimik sa klase.






Nagulat din ako pero ito na yata yung SNAP feeling na sinasabi. Yung naipon na lahat ng emosyon mo kaya sumabog ka na.








Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon