Chapter 7 - Courtship

133 18 6
                                    

Chapter 7
Courtship

"Pwede ka bang yayaing lumabas sa Sabado?"





It's been what? Ahh. It's been 4 months since the very first invitation of our first friendly date.







Literal na friendly date. Date na walang halong landian or intimacy. Pure friendship.







"Nagblush ka pa nga non. Hahahahahaha Parang never ka pang tinanong kung pwede kang lumabas." Pang aasar sakin ni Liam.








Nandito kami ngayon sa Congregating area. Nagpapahinga dahil katatapos lang namin gawin yung mga Final requirements. Grabe, Finals na.






Malapit na enrollment for next semester. Nakakapagod pero di ko mainda kasi itong katabi ko rito eh panay paalala sakin ng very first date namin.







"Eh, paki mo naman ha. Dalagang Pilipina ako so normal reaction ko lang yon. Ughhhh." Frustrated kong sabi. Nakakakilig to nung una eh.






Sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi niyang pinapaalala sakin hanggang sa nasanay na lang ako. Makulit pala sya. Madaldal din pala siya. Mga katangiang nakilala ko sa kanya.







Nalaman ko rin na around cubao lang sya kaya pala pag magkagroup kami at need namin sya, 10 mins before ng call time, saka sya darating. May muta muta pa ang kupal pag nadating.








Oo nga pala. Ang unang invite sa friendly date ay nasundan pa ng maraming beses hanggang sa tuluyan na ngang naging romantic date. Time flies. Syempre si Liam ang nag iinvite sakin. Type ko sya pero need ko magpabebe.










Nasa ligawan stage na kami. Ang bilis ng panahon. Masaya lang kaming gumagala sa Gateway kapag vacant or uwian since same schedule nga kami.








Akala ko start lang ng friendship. Pero mabait si Lord. Si Liam na mismo nanligaw sakin.







"Kwento ko ulit kung pano tayo nagsimula sa ligawan na to para kiligin ka ulit. Yiiiiiieeeee." Pang aasar nya sakin. Sobrang cute ko raw pag nagbablush ako at nahihiya at the same time.







Pero pano nga ba nagsimula?





Midterms ngayon at lahat kami ay sobrang ngarag na sa requirements. Alam mo yon? Kalagitnaan ng exam, magsusurprise yung prof na bukas na pala pasahan.


Ni di nya nga sinabi yung deadline samen kahit tanong kami ng tanong sa kanya. Ang galing talaga nila grabe.





Umiiling na lang ako habang nadisappoint sa sinabi ng prof namin. Tinapos ko na ang exam ko at pinasa ko na.






Akmang aalis na ako pero nagulat ako na kinakalabit ako ng isprikitik na to. Si Liam. Mukhang mangongopya na naman.


"Huy tulong naman jan. Tapos ka oh. Pleaseee. Para sabay tayo." Bulong sakin ni Liam habang nagkakamot ng ulo. Isa rin itong kopyahero sa klase.



Inirapan ko nga. At tuluyan na akong lumabas ng room para hintayin siya. Inaya niya ako na magdate kami ulit. Libre nya raw akong dumplings sa may aurora plaza. Sounds nice. So waiting is nothing.






Three hours vacant kami kasi wala yung prof sa next subject namin.







Simula ng first friendly date namin, kumapal na ang apog niyan. Di na nahihiyang tumabi sa akin, dumighay sa harap ko, harap harapang pangingialam ng mga gamit ko, isama mo na yung pangongopya. Estupidyante problems.





Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon