Chapter 4 - Sparks

191 31 3
                                    

Sparks

"You are so cute." Habang nakatitig sa akin na may ngiti sa mga mata niya.


Namula ang buong mukha ko dahil nagets ko ang sinabi niya. Kaya dali dali akong naglakad pabalik sa pwesto ko habang nakatungo ang ulo ko sa kilig.... hiya... sa hiya kasi yon.


Nalimot ko na ang mga plano ko kanina dahil sa pangyayaring parang kami lang ang nakakaalam kahit marami kami sa room.


Hindi nagtagal, natapos na ang klase. Nakahinga ako ng maluwag. Shit, I survived the Hell. Charot lang.


Hay, vacant na ng 2 hours. Saan naman kaya ako? Libutin ko nalang yung school para makabisado ko.



Ah, may baon nga pala ako, kakain ako sa canteen mamaya. Tapos saka ko lilibutin ang school para makabisado ko ang lug----



"Liam! Paul! Tara yosi tayo tas laro sa mineski. 2 hours vacant yon. Kaboring." Narinig kong tawag ni Justin sa mga itlog friends niya.




Yosi? Yosi? Teenage boys thought of taking yosi? Grabe. Anong mundo ito? Ito na ba ang millenials?



Nakaka turn off. Ayoko sa lalaking may bisyo. Nakakasama yon.



Nakakasama yon pero bakit parang inignore ng puso ko yung detail na yon? Hoy! Ito na ang chance mo para maturn off sa kanya.


Walang response yung puso ko. Why? Okay lang yon sayo? UNBELIEVABLE.



"Tara tara di pa naman ako nag uumpisang suyuin siya. Palipas oras muna us. Lesgo." sagot ni Liam --- WILLIAM! Ayoko, hindi kami close.



Sagot ni William sa imbitasyon ni Justin habang ako, heto pa rin at pinipilit ang sarili kong maturn off sa kanya.


Inayos ko ang mga gamit ko para pumunta sa canteen at maglunch. Habang papalabas ako ng room, tuloy ko pa ring inaayos ang mga gamit ko dahil nilalabas ko iyong baunan ko.




Aksidente kong nahulog ang mga hawak kong papel kaya't dali dali kong kinuha iyon at tumayo na para maglakad pero bigla akong nabangga sa amoy Aficionado F10 perfume na katawan.

Ang tapang ng amoy. Nakaka turn on, shit! Bata ka pa inday mghunos dili ang kipay!

Napatingin ako at namula ang mukha ko na si William pala iyon. Clueless pero nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Okay ka lang ba, Inez? Nakayuko ka kanina kala ko may nangyari." Pangangamusta niya sakin.



"Thanks, William. Okay lang ako. Happy lunch." Mabilis kong sagot at daling pumunta sa canteen. TINAWAG NIYA AKO BY FIRST NAME! Lakas ng tibok ng puso ko.



May pang-aasar na tingin ang iniwan ni Paul at Justin habang papalabas sila ng room kasama si Liam. Grrrrr.



"Ahhh! Stop!" Pagulong gulong ako sa kama ko habang nakayakap sa malaking hotdog pillow ko. Kakauwi ko lang.



Inaalala ko lang yung huling personal encounter ko with William, four weeks ago. Yes. Four weeks ago na nga. After ng moment na yon, everything went smoothly but not surely.



Syempre ang itlog boys ay may panaka nakang pang-aasar sa mismong klase at sa group chat namin.



Gumawa si Paul ng group chat - IT11QA1 at doon tinuloy ang mga napuputol na asaran sa klase. Itlog na itlog talaga ang galawan.




Nagsimula si Paul sa getting to know each other kung saan tinanong niya kami isa isa sa gc kung sino ang crush namin sa section namin.



Liam. So may nickname na nga talaga siya. Maganda kayang itawag ko na yon sa kanya instead William? Baka magalit eh.




Hindi nila kinonfirm sa gc kung friendly ba siya o hindi. Plus, nahihirapan silang hanapin yung account niya.




Dahil don, panay share lang ako like kung paano ako kinikilig pag nakikita sya. Pero never kong shinare yung silent encounters namin na may pabulong bulong pa ang itlog.


Hanggang sa naubos ang shinare ko kaya binigay ko na kay Paul yung spotlight ulet. Bahala sila riyan.

Nakaupo ako sa harap ng mesa kung saan nsa gitna ako ng pagsasagot ng online activities na iniwan sa amin bago magweekend.

Magsstart na kasi ang Prelims so need na nila ng maraming activities na pasasagutan sa amin para may malagay sila na grade.



Well, ganito yata pag first year? Priority. Ewan ko. Ganon ang point of view ko.


Well, gamit ko etong acer netbook at nakaconnect pa ako sa globe tattoo broadband.



Sobrang classic pero di pa kasi kami masyadong nakakaipon para makabili ng laptop kong upgraded na o kaya makapagpakabit ng wifi sana.




Tinutuloy ko sagutan yung online activites dahil kakatapos lang akong iinterrogate sa gc namin.





Stress na stress ako kasi ang bagal ng data ng broadband na to. Niloadan ko naman ng Gosurf50, hmp!





Nakita kong nagnotif yung facebook kaya dali dali akong bumalik don at binasa ang 100 unread messages sa gc namen. Grabe ha! Wala pang one hour na daldalan ha.





Habang tuluy tuloy ang chats nila, ako naman ay nagbaback read. Syempre, para makarelate.





TUMILI AKO NANG PAGKALAKAS LAKAS DAHIL MAY NAKITA AKONG NEVER KONG INASAHAN NA MANGYAYARE TODAY!



Akala ko di nila mahanap!? TANGINA TALAGA.


Paul Muñoz added William Howery to the group.

---------------------------------------------------------------------

Author's note:
Hi! How's my writing? :)

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon