Chapter 16 - Scandal

177 13 4
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-------------------------------------

Scandal

"Anong ginawa niyo talaga?" Mahigpit ang hawak namin ni Liam sa aming mga kamay. Nakakakaba. May bahid nang pagdududa sa boses ng mama niya.

Nahalata niya nga ba? Or, mother's instincts lang?

"Ma... uhmm..." Di matuloy ni Liam ang sasabihin niya na nagpapadagdag lalo sa kumpirmasyon na gustong makuha ng mama niya.

Napapitlag kami ni Liam nang marinig namin ang tita niya na tumikhim. Nakalabas na pala siya nang kusina.

"Pasensya na, ate Mayang. Nasa pag-aayos ako ng kwarto ni Liam kanina bago ko nareceive yung tawag mo kaya di ko na naituloy. Kakaligo ko lang din noon. Nagmadali na ako dahil tumawag ka." Pagligtas samin ng tita niya.

Bumaling ang tingin samin ng mama ni Liam at napabuntong hininga.

"Oh, sige. Tapusin mo na yung paglilinis sa kwarto ni Liam. Mag iingat kayo." Tinapos niya ang usapan at tuluyan nang umakyat sa taas ng kwarto.

Napabuntong hininga kami ni Liam at bumitaw kami sa isat isa. Nasuffocate kami. Di maayos ang paghinga ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Lumingon ako sa tita ni Liam upang magpasalamat.

"Salamat po, tita Mayeh. Salamat po ta--"

"Narinig at nakita ko kayo." Parehas kaming napasinghap ni Liam sa sinabi niya.

"Huh? Ta, kakapasok mo lang nung narinig ko yung pinto." Nagtatakang tanong ni Liam.

Lumingon kami sa kanya at naghihintay nang sagot.

"Dahan dahan akong pumasok sa bahay dahil di naman ako nagmamadali. Kukunin ko sana yung cellphone ko para ipakita sa mga ka chismis ko yung text ng boypren ko sakin."

Napahinto siya sa pagsasalita. Pero di pa rin kami nagsasalita ni Liam. Napatingin ako kay Liam at naghihintay din siya ng susunod na sasabihin ng tita niya.

Napabuntong hininga ang tita niya at tumuloy na. "Kinuha ko yung cellphone ko na nasa maliit na drawer sa kusina. Nakalabas na ako mg kusina nang may narinig akong mga ungol sa kwarto."

"Bat... bat di mo kami hinanap. Nakita mo kami di ba? Sabi mo?" Nahanap ni Liam ang boses niya at nagtanong.

"Bakit ko kayo hahanapin kung wala naman akong kailangan sa inyo? Malalaki na kayo. May pagkain dyan. Marunong kang magluto."

Tinuloy ng tita nya ang istorya niya.

"Agad akong umakyat. May tunog yung pag akyat ko sa hagdan dahil kahoy iyan. Di ko alam bat di nyo narinig. Sinundan ko yung tunog ng mga ungol sa kwarto ni Liam. Di ako makapagsalita nang makita ko ang posisyon ninyo."

"Hindi ko alam kung dapat ko ba kayong pigilan. Jusko, santa maria santisyam. Nirespeto ko ang pribado niyong buhay kaya tinakpan ko ang bibig ko at di na nagsalita sa nangyari."

"Pinagtanggol ko kayo kay ate Mayang dahil alam kong seryoso si Liam sayo, Inez. Marami na yang nagustuhan at niligawan pero wala pa siyang iniuwi rito at pinakilala sa amin. Kaya hinayaan ko na kayo at dahan dahan na lang na umalis."

Napayuko ako nang marinig ko ang kwento ni tita. Sobrang guilty ako.

"Sorry po tita sa nakita niyo...."

"Naiintindihan ko, iha. Basta be safe. Alam kong iba na ang henerasyon niyo. Mas independent na kayo. Matalino kang bata, Inez. Nakikita ko iyon sayo. Alam kong di ka papayag na gawin yon kung alam niyong nakakasama."

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon