Chapter 27 - Seeds

197 18 2
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-------------------------------------

Seeds

Liam's

Ilang araw na ang nakalipas mula nang biglaang pagpunta ko kila Inez. At napakasariwa pa rin sa aking alaala ang matatamis nansandaling iyo. Hindi ko na matiis na maghintay pa ng enrollment day bago ko pa siya makita.

Mabilis kaming nakauwi galing probinsya. Nakakalungkot pero di ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko. Chinat ko na lang sila noong nasa byahe na kami. Pinaliwanag ko ang dahilan.

Marami pa sana kaming planong puntahan pero napalagay ang loob ko nang naintindihan nila ako.

Kinuha ko ang phone ko at ginamit ang google map para hanapin ang address na binigay ni Inez sa akin noon. In case of emergency daw.

Nandito na ako sa lugar pero paano ko hahanapin ang bahay nila?

May nakita akong matangkad na babae na bumibili ng sa burgeran. Agad akong lumapit sa kanya.

"Excuse me. Pwedeng magtanong?"

"Dayo?"

"Ah. Oo eh. San po pala ito?" Sabay pakita ko ng phone ko kung saan nandoon ang address.

"Patingin nga -- Ay naexit ko... Inez?" Nanlalaki ang mata niya.

"Ay sorry po miss. Kilala mo si Inez?"

"Anong kailangan mo kay Inez ha?!" Medyo tumaas ang boses niya at may mangila ngilan na tumitingin sa akin.

"Uhh... Kaklase ko siya. May ibabalik ako sa kanya." Pagsisinungaling ko. Kilala niya si Inez pero mukhang wala siyang tiwala sa akin.

"Aba. Gabing gabi ha. Di ba pwedeng next sem?" Mataray niyang tanong.

"Uhmm... Need niya na raw kasi kaya ako na ang nag adjust."

Napabuntong hininga siya sabay tingin dun sa tindera.

"Ate Marie, pabantay muna ng order ko. May sasamahan lang ako." Tumango ang tindera ang nagsimula na siyang maglakad.

Nakatayo lang ako. Susundan ko ba siya?

"Oh, ano pa tinutunganga mo dyan, tanga? Tara na."

"Uh. Sige. Ako po pala si Liam. Kaklase ni Inez. Nice to meet you po." Magalang kong sabi. Nakakatakot ang tindig niya parang Women's wrestler.

"Hmm. Leny. Kinakapatid ko si Inez. Di ako naniniwalang kaibigan mo lang siya. Wallpaper? Kaibigan?" Napalunok ako. Di ko siya sasagutin.

"Uhmmm. Ito na lang po muna ang kaya kong maipambayad sa kabutihan niyo." Sabay abot ko ng limang banana chips. Kuminang ang mga mata niya at hinablot ang mga iyon.

"Wow good choice. Paano mo nalaman na gusto ko to?"

"Di ko alam. Galing akong probinsya at dala ko yan pang souvenir."

"Coincidence, I see. Oh sige dahil binigyan mo ako ng napakaraming banana chips... Isang banana chips per request." Mayabang niyang sabi.

"uh... "

"Ano na request mo Liam?"

"Pakisamahan po ako sa bahay nila Inez."

Tumango siya at umuna sa paglalakad. Nakarating na kami sa malawak na bahay. Ito na yata yon.

"Tita, si Leny po ito! Pakitawag po si Inez!" Sigaw niya sa gate.

Narinig kong may sumigaw na matanda. At ilang sandali pa, nakita ko ang mukha ng anghel na matagal ko nang minimithi, si Inez.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon