Chapter 9 - Relationship

116 15 6
                                    


Chapter 9
Relationship

"Sinasagot na kita Liam."

Nanlalaki ang mga mata niya habang di makapaniwala. Para akong alien sa paningin niya. Di ko mapigilang mapangiti sa reaksyon niya.

"Huy..... Magsalita ka naman Liam."

"Ah.... oh..... uh....... ano ulit yon?"

"Sabi ko, sinasagot na kita. Tayo na. Girlfriend mo na ako. Boyfriend na kita."

"Ako???? Sinasagot mo? Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako???" balik tanong niya sakin.

Tumawa ako ng malakas. "Oo. Paulit ulit ka. Gets mo na ba?"

Nakanganga pa rin siya. "Huy yung ice cream mo Liam matutunaw na."

"Ay. Oo pala. Ehem ehem ehem ehem. Hayyyy." Huminga ng malalim si Liam.

"I-digest ko lang ha. Wait. Kala ko kasi irereject mo ako. Kala ko papaasahin mo lang ako. Kasi ni di mo nga gustong pag usapan yung panliligaw ko sayo. Nakakagulat eh. Ayoko mag expect pero mabait nga talaga si Lord. Di ko alam na ngayon mo ako sasagutin. Akala ko talaga...." Tuloy tuloy ang mga luha nya habang nagsasalita. Sumisinghot singhot pa siya. Nakakatuwa naman. Sobrang treasured ng moment na ito.

"Oo. Wala naman akong sinabing ayaw ko sayo di ba? Alam mo naman na estudyante pa lang tayo kaya sa maintindihan mo na ayokong masyadong mapunta yung oras natin sa landian. Pero mahal kita Liam. Gusto rin kita. Ayaw kong magmadali sa panliligaw mo kasi baka isipin mo easy to get ako. Pero sana ingatan mo po ako." Sabay halik ko sa pisngi niya.

Nanlalaki ang mga mata niya at tuluyan nang natunaw ang ice cream niya at nahulog na sa mesa.

"Huyyyy nahulog na yung ice cream mo sayangggg."

"Worth it to. Kasi tayo na." Nakangiti siya sakin na puno ng pagmamahal sabay hawak sa mga kamay ko. Katatapos ko lang kasing ubusin yung ice cream ko.

Inusog niya yung upuan niya para tabi kami. At doon niya muling hinawakan ang mga kamay ko at sumandal naman ako sa mga balikat niya habang nagkukuwentuhan kami.

Masayang masaya ang araw na to para sa aming dalawa. Natapos ang araw na yon na magkasama kami. Bawal ang holding hands sa school kaya nakalingkis lang ako sa mga braso niya hanggang sa makalabas kami ng school. Uwian na at palabas na kami ng school saka niya ako inakbayan at hinawakan ko siya sa bewang at hinalikan niya ako sa noo.

"Sobrang saya ko ngayon. Di mo alam kung gaano ko hinintay tong araw na to. Gustong gusto na kita matawag na akin. At ngayong akin ka na, wag mo nang iexpect na pakakawalan kita." buong pusong tapat sa akin ni Liam.

"Worth it naman ang paghihintay ba? Sinagot na kita kasi baka naiinip ka na. Ayokong magsisi sa huli kasi gusto rin naman kita, Liam." Nakatitig kami sa isat isa sabay tawa. Ang korni na namen.

Hinatid niya ako pauwi. Pagkarating ko ng bahay, itinabi ko ang mga gamit ko sa kwarto at nagsimula nang maghilamos at magbihis para kumain.

Habang kumakain ako ay hawak hawak ko ang phone ko. Kanina pa kami nagchachat ni Liam. Parang ayaw naming maputol yung pag uusap namin.

"Enjoy eating. Teka ano pa lang call sign natin?" Tanong ni Liam

"Uso pa ba yun? Pero suggest ako. Yung uso ngayon -- BABE"

"Nge? Babe? Pang mga nagbebreak yon agad. Mahina ang pundasyon non. Teka -- Ah alam ko na, Mhie & Dhie na lang. Unique."

Natawa ako ng malakas. Ang baduy talaga niya.

"Okay po, Dhie. Good idea po iyan. Bet ko."

"Thank you, Mhie. Advance goodnight, Mhie. Alam kong may tatapusin ka pang mga requirements. I love you, Mhie. Sweetdreams. See you tomorrow."

"I love you too, Dhie. Thank you for being part of my life. See you tomorrow. Mwaps"

At doon na natapos ang conversation namin kaya naman tinuloy ko na ang pagkain ko at sinimulan nang gawin ang iba kong projects.

Matapos kong gawin yung iba kong projects, doon na ako humiga sa kama nang malaki pa rin ang ngiti sa mga labi.

Sana habambuhay na tong saya na to. Sana di ako magsisi. Ito ang unang beses na nagmahal ako. Please Lord, sana siya na yung hinahanap ko. Sana siya na.

Dasal ko habang unti unti na akong hinihila ng antok.

----------------------------------------------------------------------------
Author's Note:

Hi! How's my writing?









Hi! How's my writing?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

William Howery

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon