Chapter 23 - Secrets

155 15 2
                                    

Secrets

Umuwi ako sa bahay habang nakatatak sa utak ko ang huli kong nakita kila kuya Reon. Anong meron? Did I miss something? Natatakot pa rin ako sa ginawa sa akin ni kuya Reon.

"Huy Inez yung phone mo oh. Nahulog don sa tindahan."

Inabot niya sa akin ang phone ko. Nakalimutan ko na yung phone ko sa sobrang takot ko kanina.

"A-a-aayyy. Thank y-you ate Leny." Sabay kuha ko ng phone ko.

"Okay ka lang ba? Bat nahulog phone mo? Saka di mo ba hinanap? Bat nasa bahay ka ni Kuya Reon?" Sunud sunod na tanong niya sa akin. Kaming dalawa na lang ang sabay na tinatahak ang daan pauwi. Magkalapit bahay kasi kami.

"Uhmmm... Nalimot ko kasi sinabi ko kay kuya Reon na natatae na ako at masama na ang tyan ko. Kaya tumakbo kami papunta sa kanila. Di ko na napansin phone ko. Buti nakita mo. Thank you ate." Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya. Thank you kasi dumating kayo.

"Nako. Wala yon. Ayan na ang bahay niyo. Uwi ka na at matulog. Good night."

Ayun lang at saka naghiwalay na kami ng daan. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin na malalim pa rin ang iniisip.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Reon kung bakit ginawa niya iyon sa akin.

Dali dali akong pumasok sa bahay at di pinansin si mama na binati ako. Kinuha ko yung twalya kong nakasabit at pumunta sa cr saka dire-diretsong pumasok at nilock ang pinto.

Binuksan ko yung gripo at nang makita kong malakas at maingay ang daloy nang tubig na bumubuhos sa drum, saka ko naramdaman ang panghihina, takot, at kaba sa nangyari kanina.

Napaupo ako at napasandal sa pinto saka humagulgol. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni kuya Reon. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya pero di naman iyon sapat para babuyin ako.

Nakakamatay ang pagmamahal niya. Ayaw ko sa kanya. Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na walang penetration na nangyari kanina. Gusto kong ialay ang sarili ko kay Liam lang.

Maingay pa rin akong umiiyak pero di ko masyadong marinig ang sarili kong boses dahil sa lakas ng tubig.

Sinimulan ko nang buhusan ng tubig ang katawan ko. Kinuha ko ang safeguard na sabon pati na ang pangkuskos ko. Umiiyak pa rin ako habang nagsasabon ng katawan.

Sinimulan kong sabunan ang mga paa at mga binti ko. Diniinan ko ang pagkuskos dahil dama ko pa rin ang halik ni Reon sa akin. Pulam pula na ang binti ko kakakuskos matapos ang limang minuto pero di ko yon alintana. Gusto kong mawala ang marka na iniwan niya sa akin.

Sinunod kong kinuha ang Ph Care at hinugas sa pagkababae ko. Naubos ang 50 ml na bote ng Ph Care ko at wala akong pakialam.

Nawala na ang kaba at takot ko... sa ngayon. Di ko alam kung paano ko na maiiwasan si kuya Reon at ang nakita ko sa pagitan nila ni Roseann.

Nagbabad ako sa cr at maraming beses kong sinabon, kinuskos, hinugasan at binanlawan ang buo kong katawan hanggang sa magsawa ako at maramdaman kong satisfied na ako sa paglilinis ko.

Napatigil na rin ako sa pag-iyak. Tumambay pa ako sa cr ng ilang minuto. Pinahupa ko muna ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng makita nila akong ganito.

Lumabas ako ng cr at agad na umakyat sa kwarto ko. Tinext ko na lang si mama na wag akomg istorbohin dahil masama ang tyan ko sa kinain namin kahit di naman. Pinaalam ko nang magpapahinga ako at saka humilata sa kama.

Naisip kong icheck ang phone ko. Hmmm. May gasgas ang screen. Binalewala ko iyon at chineck ang messages ko.

Nakita ko ang name ni kuya Reon at Liam.

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon