Chapter 3 - Shock

201 34 4
                                    

Chapter 3
Shock

"SINGLE KA BA?" MAKAPAL NA MUKHANG TANONG NI PAUL.


Pumalakpak ang lahat ng estudyante sa room. Puno ng hiyaw at mga tawa na para bang kakaiba ang tanong na iyon. Sa bagay, kakaiba nga.

"Yiiiiie. Name drop! Name drop!"

Pinapakilala mo lang naman ang sarili mo tapos biglang may ganoong tanungan pa. Mga itlog talaga na ito. Mukhang sakit sa ulo ng mga professors ito ah.

Habang ako eto, nasa tabi ng bintana, namamanhid, at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay William, na nakangisi pa rin at parang pabor sa kanya ang nangyayari.


Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Plinano ko na lang sa isip ko na tatakbo na lang ako papuntang CR tapo-----


"So, what's the answer, Howery?" Tanong ng prof namin na parang ine-enjoy ang nangyayare.




KUNG KANINA ANGEL ANG NSTP PROF, NGAYON NAMAN AY DEMONYO! JUSKOLORD! PATAHIMIKIN NIYO NA ANG ARAW NA ITO PLEASE LANGGG!



Natutop ko ang mga bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang ang hayop na prof na ito pa ang nagfollowup question ha. Argh.

Doon na naalis ang titig sakin ni William at gulat na napatingin sa prof namin. Napablink pa ng five times. Stupid.

"Ehem, ehem, sir, I'm super single but not gonna mingle anymore." Mayabang na sagot ng engot.


Kung makapagsalita ako parang close na namin. Nakakainis ang buong pagkatao niya. Kakakita palang namin eh.

Ni hindi ko pa nga alam kung anong favorite na pagkain niya. Ganito na agad epekto niya sakin? Not good. Not good.

"Oh? Why is that? May napupusuan ka ba rito sa klase? At first day of school? Wag kang mahiya, it is okay to share." Mapang asar talaga tong prof na ito.




Sarap sipain sa bayag. KONTI NALANG TALAGA!





"Interesado po ako sa isang babae sa klase na ito pero hindi ko pa siya nakikilala masyado so hindi ko po muna ise-share."




Magalang na sagot niya habang binalik ang tingin sakin at sumilay ang mapuputing ngipin dahil sa pagngiti niya.




Hindi nakatakas sa akin ang mga mata ng mga kaklase kong tiningnan ang direksyon ng mga tingin ni William -- mga tingin ni William sa akin.




Bago pa magwala ang mga estudyanteng nakapansin sa ginawa ni William, doon na siya pinabalik ng professor sa pwesto niya.


Sinadya kong sumulyap sa gawi niya at kitang kita kong ngiting ngiti sya at parang thankful siya sa mga kaibigan niya dahil sa ginawa nilang iyon.

Ibabalik ko na sana ang mga tingin ko sa harap nang naabutan niya akong nakatingin sa kanya at parang gustung gusto niya ang nangyayari sa buhay namin.

PWES AKO HINDE! Sigaw ng utak ko. Malapit na akong magwalang tunay.

Gusto ko nang umalis sa room na to. Time out muna! Tumayo ako at napagdesisyunan kong magpaalam ----


"Next student please." PESTE. LAHAT NG DESISYON KO LAGING NAPUPUTOL. WALA NA BANG IBANG IDEA? ANY IDEAS?!

Lumapit ako sa professor at walang pagdadalawang isip kong sinipa ang precious balls niya. Woops, joke.



Pikit mata akong naglakad papunta sa harap ng klase at bago ako magsalita ay tiningnan ko muna siya. Ewan. Pero parang need kong tingnan siya.



Natagpuan kong mataman siyang nakatitig sa akin at pilit na winawaglit ang mga kamay ng mga kaitlog niya.




Nakakakilig ang gesture na iyon. Parang interesado siya sakin. Pero hindi ako nagpunta rito para sa kanya. Nagpunta ako para sa pangarap ko.


Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumindig ako ng tayo at masayang nagpakilala.



"Hi! My name is Inez Ganzo. Turning 16 years old this August. I lived at Antipolo City. My hobby is to sing and play badminton. It's nice to meet you guys!"




Palakpak. Nakarinig ako ng palakpakan sa gawi ng itlog boys. Nakangiti siya sakin at proud na proud. Why? We just met. Di bat ang OA?



Sumunod kong narinig ang palakpakan ng iba naming classmates at narinig kong sumigaw ng "SAMPOL! SAMPOL! SAMPOL!"



Doon na namula nang 200% ang mukha ko. Nakakahiya pero this is the only way for them to know me. It is to express myself.



Sinimulang kong kantahin iyong Price Tag by Jessie J.


Nang matapos akong kumanta, narinig ko ang malakas na palakpakan at puno ng papuri galing sa classmates ko. Nahihiyang ngumiti ako sa kanila.


Gusto kong malaman. Gusto kong malaman. Tumingin ka please. Pilit ng puso ko. Ang sakit sa pakiramdam pag tinitiis ko ang pakiramdam na to.


Kaya matamlay kong tiningnan ang gawi niya at gumalaw ang mga labi niya habang pumapalakpak. May sinabi siya! May sinabi siya!




"You are so cute." Habang nakatitig sa akin na may ngiti sa mga mata niya.




Kinabahan ako. Iba na yata ito! Dyahe!

---------------------------------------------------------------------

Author's note:
Hi! How's my writing? :)

Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon