Chapter 2 - Unexpected

279 32 3
                                    

Chapter 2
Unexpected

"Bakit mo pinagnanasaan iyang pangalan ko?"



Nakatunganga ako sa lalaking mukhang wala sa mood.


I was mesmerized by your name. Sabi ng isip ko.


Gusto kong sabihin ang mga katagang ito pero hindi yata ito ang tamang sabihin sa kanya.


Magkatitigan lang kami at naghihintayan kung sino ang magsasalita.


Hanggang sa nakuha ko na lahat ng lakas ng loob ko at nagsalita.




"Ahhh.... Kasi..Pi---"



"Class, please submit your papers na. Malapit na magtime."





Napatingin si William sa proctor namin na isa-isang kinokolekta ang mga papel sa ibang estudyante.





"Haaaay. Tapos na rin." Narinig kong tugon ni William bago inalis ang tingin sa akin at siya na mismo ang nagpasa ng papel sa proctor.





Habang ako, tinitigan siya at di pa rin ako makapaniwala na isang anghel pala itong proctor namin. Gahd. Sobra ang kaba ng dibdib ko. Para akong tumakbo ng 100 kilometro.






Hindi ko kasi alam sasabihin ko. Aaminin kong lumandi ako noong highschool pero through text lang yon.





Iyong plug ng phone numbers with clan names pa nga. Iyong group message! So old but classic.




Never pa akong nakasalamuha ng man in flesh tapos lalandiin ko. Kita naman ang nangyari sa akin.



Parang ayaw ko nang makita siya. Hindi ako nagblush. Kinabahan ako!






Niligpit ko ang mga gamit ko kasi mukhang madidismiss na ang klase. Nang biglang mapadaan ang tingin ko kay William.





At nakita kong nakikipag-usap siya sa isang lalaki na CpE (Computer Engineering) ang course.




Masinsinan silang nag-uusap tapos bigla silang nagtawanan at nagfist bump. Hmmmm. Highschool friends yata. Ang close eh?




Hindi ko namalayang tinititigan ko na pala ang napakaganda at pantay niyang mga ngipin.






Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa gawi ko at nawala ang mga ngiti hanggang sa tinalikuran niya ang kausap niya at humarap sa cellphone niya na lang.






So much for this day, huh. Ang dami kong nakitang iba't ibang ekspresyon galing sa iisang tao lang.







Exile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon