Ill-tempered si Meham at mapili sa kaibigan kaya wala syang kalaro. Morena at payat sya pero cute dahil sa makinis nitong balat at shiny hair. At ang pinakamagandang bagay na taglay nya ay katalinuhan. Akalain mong marunong na syang magbasa sa edad na 3 kahit pa man hindi ganun kahusay. Mahilig syang manghuli ng tutubi at tipaklong sa drier , sa likod ng kanilang bahay, mahilig din sa pusa ang batang ito. Madalas din syang nagpapaturo magbasa ng aklat at magsalita ng linggwahing english sa kanyang ina. At ang pinakahilig nya ay ang gumawa ng mga tula at mga kwento mapatotoo man o haka-haka., pangarap kasi ni Meham ang maging isang sikat na manunulat. Tuwing hapon, namamasyal siya sa tapat ng kanilang may kalakihang bahay. Sa tapat, may flower garden ang kanyang ina. Isang umaga,habang tinutungo nito ang flower garden, napansin nya ang isang batang lalaking kumakaway sa kanya habang nakadungaw ang ulo nito sa salamin ng pulang sasakyan. Hindi narin bago sa paningin ni Meham ang batang ito dahil ang totoo, pangatlong beses nya nang nakita pero ngayon lamang ito kumaway sa kanya. Nagkaroon ng curiousity sa isipan ni Meham, ngayon ay nais nyang makilala at maging kaibigan ang batang ito kaya naman 3:00 pa lamang ng hapon sa mismong araw na iyon ay nakaabang na si Meham sa flower garden ng kanyang ina. Medyo nainip siya kaya kinuha nya ang munti nitong drawing book sa aparador upang libangin ang sarili nito sa pagdo-drawing. Makalipas ang ilang sandali nakaguhit na si Meham ng isang pusa. Para sa kanya, ito ay alaala ng alaga nyang pusa na kamamatay lang noong iniwan nila itong nakatali sa itaas ng aparador nung namasyal sila kasama ang kanilang ina. Natakot kasi ang magkapatid na baka lalabas si Erap at hindi na ito makabalik. Marahil nagutom kaya tumalon, at hayun... tuluyan na itong nakabitin pagdating ng magkapatid na Meham at Gres sa bahay.
4:10 na nang biglang napalingon si Meham sa pumarang pulang sasakyan sa gate nilang yari sa kawayan ngunit matibay ang pundasyon nito. "Hi little princess...." Ang batang lalaking nakasakay sa kotse tuwing nakikita nya at ngayon ay nakatayo sa harap nya sabay abot ang kanang kamay nito.
" Nitham ang pangalan ko and you?" Nakangiting tugon ng batang lalaki. Binawian ni Meham ng isang napaka-cute na smile si Nitham, "Meham... Meham ang pangalan ko." Sagot ng batang babae. Napansin ni Nitham ang hawak hawak ni Meham na drawing book at agad humingi ng pahintulot na makita ito. "Bakit pusa? Mahilig kaba sa pusa? Do you have one? Sunod sunod na tanong ni Nitham ngunit walang imik si Meham dahil bukod pa sa ayaw nyang pag-usapan ang tungkol dito, natulala sya sa hindi hamak na kagwapuhan ng batang ito. Pula ang bibig, kulot ang kulay mais nitong buhok, matangos ang ilong, mabalahibo ang mga braso't paa nito at brown ang malalaki nitong mata. "You look like a little princess. May I call you princess?" Nakangiti nitong tanong kay Meham. Sa pagkakataong iyon, nabuhayan ng loob ang munting si Meham.
" And you are my Prince!..." Masayang sagot ng bata. Nagpalitan ng masayang halakhakan ang bagong magkaibigan. " Nitham? Say good bye to your friend now, we' ll be going home." Tugon ng ina na nakadungaw sa salamin ng kanilang kotse. " Wait a minute mom." Pakiusap ng bata sa ina. " Do you want me to give you a cat tomorrow? Because my mom is planning to throw it away kasi buntis, baka di raw kayang alagaan sa bahay pag marami ang magiging anak nito. Busy eh. " Alok ni Nitham sa batang babae. "Oo naman and I promise to care for it." Halatang excited na tumango si Meham.
"Ok... Wait me here tomorrow." Sabi ni Nitham. Ngumiti lamang si Meham. Nagpaalam na ang batang lalaki sa kaibigan.
Pagsapit ng gabi, ikinuwento ni Meham sa ate nyang si Gres at syempre sa ina nya ang tungkol sa bago nitong kaibigan habang sila ay nadi-dinner. Bago natulog si Meham, pinalitan ng kanyang ina ang suot nitong mala prinsesang kulay pink na bestida ng pajama pagkatapos nyang magbanyo kasabay si ate Gres. "Good night mga anak..." Bati ni Aling Liliy sa mga anak bago tinungo ang sarili nitong silid.
Dalawa lamang silang magkapatid ni Gres, grade five na si Gres at itong si Meham ay mag ge-grade 1 pa lamang sa susunod na taon, malayo ang agwat nilang magkapatid dahil sa abroad nagwo-work ang kanilang ama at 4 taon si Meham noong huli silang nagkita nito at iyon din ang pangatlong balik ni Mang Billy sa Kuwait, dahil magkasintahan pa lamang sina Mang Billy at Aling Lily ang pinakaunang labas ng ama nila.
Sa gabi, mahimbing ang tulog ni Meham. Sa kabilang kama ay ang ate nitong mahimbing ding natutulog. Habang nag- iisang naglalaro si Meham sa tabing dagat, napansin nitong dumidilim na at paparating ang ulan. Binitiwan nya ang hawak-hawak na mga puting bato at shells habang dahan dahang bumabangon mula sa kinauupuan "Huhuh huhuhu huhuhu..." Pahagulgol na iyak ni Meham. "Iniwan ako ni Nitham...paano na ako makauwi nito?.." Hindi nya na alam ang daan pauwi sa mga oras na iyon, madilim na at unti unti nang pumapatak ang ulan. Lumingon sya sa kanan, sa kaliwa, at masid sa kanyang likuran habang dahan dahan syang humahakbang paabante. "Meham!?" Napatigil sya sa paglalakad sa narinig na boses ng isang malaking lalaki.
"Meham, si Nitham to." Lumingon siya habang nanginginig sa lamig at takot, nanginginig ang ibabang bibig nito at nanlalaki ang mga mata sa hindi makapaniwalang tinig ng nagsasabing sya si Nitham. Nung kaharap nya na ang lalaki, kamukhang kamukha nga ito ni Nitham ngunit isa na itong matipuno, matangkad at binatang si Nitham ang ngayo'y nasa harap nya. Mukhang seryoso ang lalaking ito, nakatitig kay Meham na tila ba nangungusap ang mga mata. " Meham!" Tinig ng isang lalaki ang nasa likuran nya at Stranged voice ito kaya halos di nya alam kung lilingon ba s'ya. Walang anu-ano'y biglang may humila sa kanyang kanang kamay, isa itong lalaking nakasuot ng high school uniform. Sa pagkakataong yun, hindi nakaramdam ng takot ang batang si Meham, basta ang inaasahan niya sa oras na iyon ay kung paano sya makakauwi sa bahay nila., inaasahan nyang ihahatid sya ng high school boy na'to. Pilit nyang ninanakawan ng tingin ang mukha ng binata habang sila'y tumatakbo ngunit blurred ang mukha nito. "Meham!!!?" Isang tinig na nagmumula sa pinanggalingan nya, Nag akma syang lingunin ito ngunit nagising sya. Alam nyang ang boses na iyon ay boses ng lalaking kamukha ni Nitham.
tiningnan nya ang kanyang ate Gres, mahaimbing ito sa pagkakatulog. Bumangon si Meham at lumipat sa tabi ng kanyang ate at doon na sya natulog. Kinabukasan, gulo ang isipan nito, sa murang edad, sadyang malalim mag-isip ang batang ito, nilihim nya ang panaginip sa kahit kanino. Ang ginawa nya, habang nag- aabang sa mga tutubi, 10:0, itinala nya ang kwento ng kanyang kakaibang panaginip sa journal, itinala nya rin ang tungkol sa batang lalaking nakilala nya bilang Nitham. Kung paano sila nagkakilala, kung gaano sya kasaya at ang tungkol sa mga munting pangarap nya sa sarili at para sa bagong kaibigan :-)
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...