Narinig ni Brando na may kausap ang mommy nya sa phone isang umaga at nalaman nyang ang nakakatandang kapatid nya ay nais syang ipadala sa States upang doon na lamang mag college. Umayaw si Brando sa alok na iyon ngunit wala syang magawa dahil ang mangyayari ay walang sinumang mag aalaga o magsusustento sa kanya sa kolehiyo kapag di sya sumama dahil ang totoo, doon narin maninirahan pati ang mommy nya pagkatapos nitong gumraduate ng high school. Gustuhin mang subukan ni Brando na maging independent, hindi pwede dahil minor de edad pa lamang sya, isa pa, di sya sanay sa simpleng buhay lang dahil anak-mayaman ito.
Umaga ang rehearsal para sa kanilang graduation day kaya naman sinamantala ng MEHBRAN na makapagdate. Tumungo sila sa Cotabato Phil-Am resort kung saan sila senet-up nina Orgel at Edmar noon.
" Malapit na ang graduation day." Mahinahong wika ni Brando na halos di makatingin sa mga mata ng nobya.
" Malapit na nga Bren at malapit narin tayo magka-college, at pag makapagtapos na tayo, pwede na tayong magkaroon ng independent life. Pwede na tayong magsama." -Si Meham na kitang kita ang excitement sa mga mata. Mga matang punong puno ng pangarap buhat ng walang kapantay na pag-ibig. "Ganoon lang kasimple iyon para sayo Mehanna dahil marami kang hindi alam sa tungkol buhay ko." Sagot ni Brando na seryoso at malayo ang tingin. Biglang natamimi ang dalaga. "Madalas kong naiisip na sana naging katulad nalang kita, isang anak ng mahirap na merong simple ngunit masayang buhay." Malungkot na wika ng nobyo at sabay pinakawalan ang malalim na buntong hininga. "Teka Brando, ano bang pinagsasasabi mo? Anong ibig mong sabihin? Hindi mo naman ako iniinsulto di
ba?" Hindi naging sensitive si Mehanna sa tuno ng pananalita ng boyfriend dahil alam nyang may ibang ibig sabihin ito. Ramdam nya. "Hindi kita iniinsulto naiinggit nga ako sa mga katulad nyo eh." Namumula ang mga mata ng binata habang nakatitig sa nobya at pinipisil pisil pa ang malalambot nyang palad. "Kaya mo kaya ang malayo sa piling ko?" Tanong ni Brando. Agad na tumayo at tumalikod ang dalaga habang galit na sinasabi ang mga katagang ito., " Hindi ko na gusto 'to. Iiwan mo na naman ba ako? Pupunta ka rin ba ng States at hindi na magpakita pang muli tulad ng ginawa sa'kin ng.... " Hindi naipagpatuloy ni Meham ang sasabihin nang biglang tumayo si Brando at mahigpit syang niyakap mula sa likuran. Yakap na kakai-babe...punong puno ng pagmamahal at walang halong pagnanasa. Hinalikan sya ni Brando sa ulo at binigkas ang magic word. " I LOVE YOU Mehanna and I'll always do." Hindi kumibo ang dalaga, gusto nyang itulak at murahin si Brando ngunit damang dama nya ang panghihina ng kalooban. Ang iniisip nya sa oras na iyon ay wala syang magagawa, na talo sya sa mapaglarong tadhana. Maya maya'y hinawakan siya ni Brando sa beywang saka inalalayang paupuin sa bangko. "Hindi ko pa naman sinabing aalis ako eh, ang gusto, habang nagkikita pa tayo, patuloy kong mararamdaman kung ganoo ako kahalaga sayo gaya ng kung anumang meron tayo ngayon." Hinimas himas ng binata ang mga kamay ng dalaga habang umiiyak na sinasabi ang mga katagang iyon. "Kung aalis ka lang din naman, sabihin mo nalang sa'kin ng diretsahan para kung saktan mo lang naman ako, mainam na'ng isahan." Wika ng dalaga na halos sinlaki ng mga butil ng mais ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito. "Ayaw kong iwan ka pero ito ang buhay ko." Ikinwento ni Brando kay Mehanna ang plano ng mga nakatatandang kapatid para sa kanya. "Please? Pilitin mong unawain ang sitwasyon ko Mehanna dahil alam kong buong buhay ko ikaw lang ang tumanggap at umunawa sa akin ng buong buo... at nagpapasalamat ako sayo." Wika ni Brando. Hindi na kumibo pa ang dalaga, patuloy syang humahagulgol sa pag-iyak habang si Brando ay maiging syang pinagmamasdan. Pagkatapos ng ilang sandali, niyakap ng dalaga ang nobyo ng mahigpit. Sinamantala nya ang pagkakataon kasama ang taong mahal nya. Hinalikan nya sa labi si Brando.
"Sana kaya mo dahil kakayanin ko." Walang imik si Mehanna, maiigi nyang pinagmamasdan ang mukha ng nobyo.
"Masakit man ay kontra-gusto syang pumayag sa pag-alis nito.
6:00 na kaya nagpasya si Brando na ihatid na si Mehanna sa kanilang bahay pero bago ang lahat, kinuha ni Brando ang journal sa kotse saka binigay kay Mehanna. Sya mismo ang may gawa ng journal iyon. "So, nagpapaalam ka na talaga? -Si Mehanna "Sshhh!! Wag mo sabihin yan. After graduation, e-tetxt kit, magkikita tayo. Gusto ko may souvenir ka ring ibigay sa'kin." Nakangiting wika ng binata.
Lahat na ata ng mensaheng nais nyang iparating sa girlfriend ay nakasulat na roon. Selfie pictures nila pati narin nina Orgel at Edmar. Pero ang pinakaexciting sa lahat ay ang stolen shots na captured ni Brando sa kanya noong hindi pa sila nag-on ng binata. Isa na iyong unang araw na nakita nya si Brando, isa na rin ung nag-iisa syang kumakain ng pananghalian sa likod ng classroom, kitang kita pa nga sa pic ang ulam nyang dried fish. Ang mga mukha nyang nakasimangot habang inaasar ng binata at marami pang iba. "Haaay.... ito talagang si Brando. " Bulong nya sa sarili.
"Gosh Bimby! Pati ba naman to?" Bulalas nya nung nakita ang picture nya noong nasa itaas sya ng sirang bakod. Walang anu-ano'y hindi na namalayan ng dalaga na mahimbing na pala syang natutulog sa malambot nyang kama. "Meham?! Meham!?" Boses ng isang batang lalaki ang kumakatok sa pinto ng kanyang silid. "Sino sila? " Sagot ni Meham habang nililigpit ang journal. Bumaba si Meham mula sa kanyang kama at tumayong nakaharap sa pinto. "Sino po sila?" Tanong niya. "Si Nitham to. Buksan mo ...may dala ako para sayo." Tugon ni Nitham. Nakadama ng excitement si Meham kaya binuksan nya ang pinto.
"Taraaan...!" Panggugulat ni Nitham sabay abot kay Meham ang journal mula sa likuran nito. "Huh!? Saan galing to? Akin to eh." Wika ni Meham sabay lingon sa journal na pinatong nya sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama, ngunit nanlaki ang mga mata ni Meham noong nakita nyang nandoon ang journal na bigay ni Brando. "Halika Nitham." Alok niya sa kaibigan at agad na binusisi ang laman ng Journal. Hindi pa natapos ang panonood ni Meham nang ginising sya ng kanyang ina. "Anak, 5:00 na, hindi ba't 7:00 magsisimula ang graduation?" Agad syang bumangon. "Nakalimutan mong patayin ang ilaw bago matulog." Dagdag pa ni Mrs. Abellardo saka tumungo sa banyo. Kinuha ni Meham ang journal sa mesa at pinagmasdan ang mga larawan. Sa dinami daming larawan at mensahe na nakita nya sa kanyang panaginip, isa lamang ang malinaw, ang larawan nina Brando at Nitham. Bata pa lamang sila sa larawan. Nasa mini park sila noon at nakaupo sa mahabang bangko na gawa sa semento. Matagal na natulalang nakaupo si Mehanna sa kakaibang panaginip na iyon.
Third honorable mention si Mehanna kaya naman proud angkanyang ina. "Congratulations Ms. Abellardo. Ipagptuloy mo yan hija." Sinamantala ni Brando na makasama ang nobya sa araw na iyon. Nagpicture taking ang dalawa bago nagpaalam sa isa't isa.
"Pasensya ka na, hindi kita masasamahan sa pag-uwi mo kailangan ako ni mommy ngayon." Paliwanag ng binata.
( Umalis na si Meham)***
Habang naglalakad, biglang naalala ni Meham ang sinabi ng boyfriend na aalis ito pagkatapos ng graduation, hanggang sa di namalayan ng dalaga na tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Lumingon sya sa pinanggalingan, nakita nyang nakatayo si Brando at umiiyak na nakatitig sa kanila.
" Brando???" Sambit ni Meham sabay takbo papunta sa kanya pagkatapos ay nagyakapan ang dalawa na umiiyak. "Mag-uusap tayo bukas ng hapon." Ani Brando.Tumango lamang ang dalaga saka dahan dahang tumalikod.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...