Napapadalas na ang pagde-date nina Carissa at Darren sa shop at naging suki na rin ni Meham ang dalaga sa boutique.
"Salamat. Akala ko kasi magagalit ka isasauli ko tong mini-skirt." -Si Cass. "Ok lang karapatan mo yun bilang costumer. At isa pa, kung may problema, si sir Darren lang ang pwedeng magalit." Nakangiting sagot ni Meham. Bannng! -- malakas ang pagkabagsak ng glass. "Sorry huh? Na-carried away lang ako sa pananadyang ginagawa mo." -Si Orgel na pinagsabihan si Carissa. "Sai naman... Malaki naman talaga sa kanya yung skirt eh." Pagtatanggol ni Meham kay Cass sabay hila sa kamay ng kaibigan at dinala sa food court. "Sai relax. Hindi naman brutal si Carissa kaya mabait ako sa kanya." Tinitigan ni Orgel ng masama si Meham. "Labas ka na dito. At ako ang mas nakakakilala sa kanya dahil araw araw kaming magkasama sa room." Pagkatapos ay lumabas ng shop si Orgel. Nakita ni Meham na lumabas si Cass ng boutique kaya sinundan nya. Sa labas, nakita nyang hinatid na ni Darren.
(Kinabukasan)***
"Pagdating mo mamaya, mag-uusap tayo." Tugon ni Meham sa kaibigan. Tumayo ng matagal si Orgel sa pinto ng boutique pagkatapos ay malungkot na umalis. Si Meham naman ay tinawagan ang ina sa Cotabato. "Sinabi mo sa'kin noon ma... na kahit anong mangyayari, tanggap mo ako dahil anak mo ko di ho ba?" Umiiyak siya. "Ano bang nangyari anak? Hindi na kita macontact. Ni hindi ka man lang tumawag... " (╥╯﹏╰╥)ง
"Ma buntis ako." Wika ni Meham sabay tawa ng malakas na halos mabingi ang ina. "Nagbibiro ka lang anak alam ko. Hindi mo naman siguro sinira ang tiwala ko sayo." Halos hindi na makapagsalita si Meham dahil ang totoo, umiiyak sya. "Si ate mo Gres pala... isa na syang police at nagtuturo si Vandy sa DMNDCC., ang asawa ng ate mo. Umuwi ka anak please? Gusto ka nang ng pamangkin mong si Bimby." Hindi makapaniwala si Meham sa mga pinagsasasabi ng ina. Labis ang pag-iyak nya. Hindi nya alam ang gagawin kaya ibinaba nya ang phone. Pagkatapos ay nag text sya. "Tatawag lang ako ulit pero hindi ngayon."
(Araw ng sabado)****
Makakalimutin ka nga talaga sai...apat na araw na ang lumipas nung sinabi mong mag-uusap tayo." Wika ni Orgel habang abala sa pagsasagot ng homework. Lumapit si Meham sa tabi ng kaibigan at niyakap mula sa likuran. "Napansin ko kasi na laging mainit ang ulo mo kaya ako na ang umiiwas." Sagot ni Meham. "Dahil madhid ka! Anong ginawa mo kay bro?" Biglang tumayo si Meham sa gulat. "Huh? Ginawa kay Darren....?" Napalingo lingo sya. Binuksan ni Orgel ang drawer at tinuro kay Meham. Nakatayo parin sya at halatang nalilito. "Painosente ka pa!" Sigaw ni Meham sa kaibigan at kinuha ang phone. "Ano to?! Hindi mo alam kong paano hinanap ni Darren ang phone na yan sa school dahil akala nya naiwan nya doon." Bumulaga sa mata ni Meham ang mamahaling phone ni Darren na mula sa drawer nya. Pinangunahan sya ng hiya kaya nanginig ang buo nyang katawan. "Pag di mo isasauli yan, ako mismo ang bubuking sayo kay bro." Sa pagkakataong iyon, masasakit na salita ang binitiwan ni Orgel sa kaibigan. Walang syang magawa kundi palipasin muna ang galit na kasalukuyang bumabalot sa puso ni Orgel.
Makalipas ang dalawang araw ay ikinuwento ni Meham ang totoong nangyari kay Orgel. Kilala nyang lubos si Meham kaya walang duda syang naniwala. Nag sorry din sya sa mga sinabi nya kay Meham. Kinabukasan, ikinuwento ni Orgel kay Darren ang totoong nangyari sa pagkawala ng phone at sya na mismo ang nagsauli nito.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...