CHAPTER 22: When Meham went home...

0 0 0
                                    

"Tama...tinawag nya ako pero sinabi kong wala akong pakialam at wag na nya akong kausapin pa. Hindi ko naman alam na tinawag nya ako dahil sa phone na nalaglag sa araw na iyon." Malungkot ang mukha ni Darren na nakaupo sa bench kasama si Orgel habang pinapakiramdaman nilang magkaibigan ang malamig na hanging dumadampi sa buo nilang katawan sa Manila bay, 7:00 ng gabi. "Pero bro... Naayos na iyon di ba? So, wala ka nang dapat ipag aalala pa." -Si Orgel. "Pasensya ka na bro huh? kung halos wala na akong oras sa'yo. Ang totoo nililibang ko lang naman ang sarili ko na kasama si Cass. Kaaway mo sya pero obssesed sya sa'kin." Wika ni Darren na nakaakbay sa kaibigan. Ngumiti lamang si Orgel sa kabila ng lungkot na pinagdadaanan. "Aalis na ba talaga sya?" -Tanong ni Darren sa mahina nitong tinig. "Sino? Ah...si Mehanna ba? Aalis na raw dalawang beses nya nang nakausap ang mama nya kaya lang wala pa syang lakas na loob na uuwi kasi di pa alam ng mama nya ang totoo." Sagot ni Orgel at dahan dahan itong tumayo. "Matagal mo na akong hindi nililibre...gutom na ako bro." Hinimas pa nito ang tiyan habang nakatingin sa mga food chain. "Impossible talaga bro, pero walang nagbago sa nararamdaman ko para kay Meh." Dagdag ni Darren na nakatitig sa mga along naghahampasan sa dalampasigan. Nagulat si Orgel kaya bigla nitong nahampas ang kaibigan sa kamay. "Tumigil ka nga! Teka, paano si Carissa? Haaays bahala na nga sya! gutom na ako." -Pangungulit ni Orgel. "Oo maganda, sexy at mayaman si Carissa pero hindi ko sya mahal, at sa kabilang dako, sa pagpikit at pagmulat ng aking mga mata si Mehanna ang nasa puso't isipan ko." Hindi nakapagsasalita si Orgel. Parang may dumaang anghel dahil sa katahimikang bumasag sa pagitan ng dalawa. Halos isang minuto silang hindi nagsasalita at walang anu-ano'y umupo si Orgel. "Ikaw talaga...feelings mo lang ang concern mo..." Wika ni Orgel sa mahina nitong tinig. Tumayo si Darren. "May sinabi ka ba?" Hinimas pa nya ang likod ng kaibigan. "Wala...sabi ko ngayon alam ko na kung bakit masyado kang affected sa nangyari sa bff ko." Niyakap ni Darren ng mahigpit na mahigpit ang kaibigan sabay sigaw., " Namiss kita brooo! Sobraaa!" Nagpupumiglas si Orgel sa hiya. Nagsitinginan ang mga tao sa kanila, may nakangiti at meron ding mukhang naiinis. "Halika na... Ano gusto mong kainin? Saan mo ba gusto? Dito? Doon?" Pang-aasar na tanong ni Darren sa nakasimangot na si Orgel. "Doon banda. Nakakahiya ka kasi... Ang ingay mo."

Kunting rice at lechong manok ang kinain ng dalawa. Habang kumakain, pinag-uusapan nila ang pag-alis ni Meham at ang totoong nararamdaman ni Darren para sa matalik na kaibigan ni Orgs. "Isa pang bote ng beer." -Si Orgel. Iniabot ng lalaki sa kanya, pagkatapos ay nag offer ng rice. "Wow...hindi na po. Gabi naman eh. Salamat." Sagot ni Orgel sa lalaki na nakangiti habang naglalagay ng alak sa baso.

Iyon ang muling bonding ng magkaibigan. Masaya sila sa gabing iyon dahil nanood sila ng battle of the band at kumain din sila ng masasarap na street foods sa bay walk.

(Kinabukasan)****

Nasa school-- "Darren." Napalingon si Darren nang marinig si Cass. Nakangiti ang dalaga na papalapit sa kanya na may dala dalang malaking paper bag na kulay grey. "Ba't ka nag-iisa? Kanina pa kita tinatawagan." -Si Cass na umupo sa tabi nya. "Iwan mo muna ako Cass. Gusto ko lang mapag-isa." Maigi munang pinagmamasdan ng dalaga si Darren saka hinalikan sa pisngi bago umalis. Ang hindi alam ng binata pinuntahan ni Cass si Meham sa shop.

"Hindi ko alam Cass eh...pareho kaming busy kaya..." Hindi nya ipinagpatuloy ang sasabihin. "Pakisabi ako ang gumawa ng pillow case nyan para sa kanya." Tugon ng dalaga sabay abot ang isang malaking unan. "Sige. May pasok pa ako." Hindi mapalagay si Meham kaya tiningnan nya ang laman ng paper bag. At namangha sya sa nakita. Malambot na unan na ginansilyong puti na pillow case ang laman nito. Nakaukit roon ang pangalan na Carissa sa kulay pulang gansilyo. "Gosh Bimby...!Ang sweet nya." ʕ•ﻌ•ʔ

(Sa mansion)****

Nasa balcony si Darren. Nagpapahangin at malayo ang tingin. Nag-aalangan syang kausapin ito kaya inilapag nya lang sa table na nasa harap ni Darren ang paper bag saka nagmamadaling umalis. "Tutuloy ka ba?" Napatigil sya sa paglalakad ngunit di nya magawang sumagot dahil nag-aalangan sya. "Mehanna aalis ka? Iiwan mo na kami? Ako? " Parang kinalabit ang puso ni Meham sa narinig. Nanghina sya at di mawari ang nararamdaman sa orasna iyon. Mabilis na nagsipatakan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Alam ko... Umiiyak ka na naman. Sorry sa mga nasabi at salamat sa lahat." Garalgal ang boses ni Darren, halatang umiiyak ito kaya nilapitan siya ni Meham. Yumuko si Darren. "Umiiyak din ang papa ko. Maraming beses kaya walang masama doon. Pwede ba kitang yakapin?" -Si Meham. Niyakap ni Darren ng mahigpit si Meham . "Sorry din at maraming maraming salamat sa lahat." Pagkasabi ni Mehanna ay hinalikan nya sa pisngi ang binata. "Good night... "

(Sa shop)***

"Tama ka... Kapatid ko si Penz kaya lang magkaiba ang daddy namin." Nakangiti si Penelope habang sinabi iyon ni Darren kay Meham. Napanganga si Meham at hindi na nagsalita. " Ano? Nganga? Totoo...hindi ako nagbibiro." Giit ng binata. "Hinuhuli lang kita noong tinawag kang kuya ni Penz. Akala ko kasi bugtong ka." Tumawa ng malakas si Darren. "Panganay ako, bunso sya. Ang totoo, ikaw lang at si Orgel ang may alam nito." Dagdag ni Darren. Nagpaikot ng mga mataa si Meham. "Simula nung lumipat na kami ng States, hindi na magkasundo sina mommy at daddy hanggang sa sumama si mom sa isang koreano." Paglalahad ni Darren. "Ahhm... Hhm half korean siya?" Taanong ni Meham sabay turo kay Penz. Tumango ang magkapatid. "Kaya pala. So, sinong kasama ng mom mo sa States ngayon?" (Napabuntong hininga si Darren. Malalim) "Nagkabalikan din sila noong three years old na si Penz." Sagot ni Darren. Napakunot-noo si Meham. "Ang weird naman... " Bulong nya sa sarili. Tinitigan nya ang magkapatid, may gumuhit na lungkot sa kanilang mga mata. "Nakakatuwa. Sila parin at the end." Wika ni Meham. "I wish too." Wika ni Penz sabay halik sa pisngi ng kanyang kuya.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon