CHAPTER 18: When Changes engulfed her life... Be strong like Mehanna

0 0 0
                                    

"Gosh Bimby!!! Si Darren?! Mommy nya ang nagmamay- ari ng mansion na tinutuluyan ko at hindi ang tita mo ang may-ari ng mansion na ito? Ang daya nyo! Nagawa nyo to sa'kin???" Padabog na Wika ng nagtatampong si Mehanna pagkatapos ay tumalikod. "Teka Mehanna, wag ka masyadong magalitin kung ayaw mong maging mainitin ang ulo ng magiging anak mo." Pang- aasar ni Orgel. Sumagot si Mehanna habang nakatalikod na naglalakad. "Wag mong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na'to please?" Napakunot-noo si Orgel. "Ay na! Ano naman kaya ang binabalak ng isang to? At ako ang malalagot kay Darren..." Tutol na wika ni Orgs sa sarili. Pagkapasok ni Meham sa balcony, tumunog ang phone nya. Agad syang pumasok at kinuha ito sa sofa. "Naiwan ko pala ang phone ko dito sa sala??" Bulong nya sa sarili at agad na sinagot ang tawag. "Hello? Hello??" Walang nagsasalita kaya tiningnan nya ang number ng caller. Nanginig ang mga kamay nya nang makitang number ni Brando ang kasalukuyang tumawag sa kanya. Pinatay ni Meham ang phone ngunit agad na tumawag ulit. Mabilis nya itong dinampot. "Ok na ako Brando, kunting kunti nalang at matatanggap ko na ring tinalikuran mo lang ako pagkatapos ng lahat. Wag mo ring isiping kinukunsensya kita dahil hindi. At bago tuluyang mawala sa pagkakaalam mo, si baby... kaya ko syang palakihi%k at alagaan kaya simula sa araw na'to, wag ka nang makialam at tumawag pa." Pagkatapos magsalita ni Meham, hinintay niya ng ilang sandali na magsalita si Brando pero hindi, sa halip, ang pagtangis ng binata ang dinig na dinig nya sa mga oras na iyon. Parang kinukurot ang puso ni Meham sa mga oras na iyon kaya ibinaba nya ang phone at nagsimulang mag emote habang nakaupo sa sofa. Nagulat sya nung bumagsak ang pinto ng sala at walang anu-ano'y pumasok si Orgel at sumunod si Darren. "Kompleto na ang mga gamit ko dito kaya wala nang rason para apartment pa ako tutuloy." Wika ni Darren na nakatitig kay Meham. "At ikaw, bat ka nakaupo lang? Hindi porket kumuha ako ng tatlong trabahador ay mag-feeling prinsesa ka nalang." Napakagat-labi si Orgel saka hinila sa braso si Darren. "Tumigil ka nga! Umiiyak sya." - Si Orgel. "Ah ganoon? Sa shop na'to bawal ang drama at bawal din ang tamad kaya tumayo ka na dyan at kung hindi...." Tugon ni Darren. "At kung hindi, anooo?! Ano Darren? Sabihin mo na sa akin ngayon din!" Umiiyak si Meham sa mga oras na iyon. Alam nyang hindi sya dapat magalit o mainis sa binata dahil alam nyang ganito ito maglambing pero kailangan nyang ilabas ang nararamdaman nyang galit at pagkamuhi kay Brando sa oras na iyon.Tila nanigas si Darren sa inasta ni Meham, dahan dahan syang Lumapit at hinimas ang likod ni Meham. "Masyado mo namang sineryoso..." Wika ng binata sa mahinang Boses. Hindi kumibo si Meham at nagpatuloy lamang sa pagtangis. "Mag-uusap tayo pag Ok ka na." Tugon ng binata sabay labas sa sala. Pagkatapos ng ilang minuto nabawasan ang mabigat na dinadala ni Mehanna, ngunit nagulat sya nung biglang may kumaladkad sa kanya palabas ng sala. "Gosh Bimby! Ano ba? Bitiwan mo nga ako Darren!" Nagpupumiglas sya ngunit mahigpit s'yang hinawakan ng binata sa kamay at sinamang pumasok sa shop.

(Nasa shop si Meham)*** Kayong tatlo laging focus sa negosyo. Ikaw Penz habang nagbabantay ka ng sari-sari store sa umaga magbenta ka na rin ng halo-halo...wag kang mag alala ang boutique kung saan maaasign si Mehanna ay iisa lang sila ng pwesto mo, so matutulungan ka nya. Kintoy, bro at Kianne sa umaga mag-aral kayo at sa hapon hanggang 9:00 ng gabi ay magbebenta kayo ng fishball at mga barbeque. Tutulungan kayo ni Penz pag vacant na sya. Ayusin nyo ang mga trabaho nyo tulad noong dati dahil ilang tulog nalang ay madadagdagan na kayo dahil itong sari-sari store ay magiging Wholesale and retail na at ang bakanteng shop na katabi ng food court, gawin nating isahan dahil magpapagawa ako ng restaurant." Maingat na tugon ni Darren. "Yes sir!" Sabay sabay na sagot tatlong kasamahan ni Meham. "At Meham kung may problema dito, sabihin mo lang sakin." Dagdag ng binata na nagmamadaling tinungo ang kotse.

(Gabi)*** Kreng! Kreng! Kreng! Biglang bumulalas si Meham mula sa pagkakatulog at dinampot ang phone. "Haaay ang mayabang na si sir Darren." Bulong nya sa sarili. "Hello??" Sagot nya. "Buksan mo ang gate. Dali..." Tugon ni Darren at agad na ibinaba. "Tsssk3x!!!" Ayaw man nya wala syang magawa. Nakasimangot syang tinungo ang gate, hindi naman nakakatakot dahil bukas ang ilaw sa shop na nasa tapat ng mansion. Pagbukas ni Meham, nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla sya nitong niyakap. Pinaghahampas nya sa braso si Darren. "Ahhh... Ano ka ba naman? Ihatid mo ako sa kwarto." -Si Darren. Nanggigigil sa inis si Mehanna., "Kung hindi mo kaya wag kang uminom ng sobra!" Sigaw nya. "Oh ba't ka sumisingaw? Galit ka lang ba o nag-aalala ka na?" Pang-aasar na tanong ng binata. "Assuming...." Mahinang wika ni Mehanna habang sinasara ang gate. Pagdating sa silid ni Darren, inalalayan nya itong makahiga sa malambot nitong kama pagkatapos ay nag-akmang umalis ngunit agad na hinawakan ni Rim ang kanyang kaliwang kamay. "Dito ka lang Mehanna." Nagpupumiglas si Meham ngunit ayaw bitiwan ng binata. "May gusto akong sabihin sayo pero naisip kong wag nalang muna kasi hindi ko pa sigurado, parang imposible kasi." Wika ng binata na nakahawak parin sa kamay ng dalaga. "Hindi mo naman pala sasabihin ngayon, so pwede mo na akong bitiwan." Wika ni Meham. Ngumiti si Darren at binitiwan ang kamay ng dalaga. Sa di inaasahang pagkakataon nagsuka sa kalasingan ang binata, basa ang school uniform nito ng alak. "Ano ba ang problema mo at naglasing ka? Suot mo pa ang school uniform nyo." Galit na tanong ni Meham. Hindi kumibo ang binata. "Bumangon ka at magbihis kung hindi, aalis na ako bukas na bukas sa shop mo." Patuloy ni Meham. "Please? dito ka lang." Pakiusap nya. Hindi nakinig si Meham, nag-akma syang lumabas sa silid ng binata ngunit nung binuksan nya na ang pinto, bigla syang nakaramdam ng awa sa binata. Napalingon sya at maigi nyang pinagmamasdan ang nakahigang si Darren. Bigla nyang naalala si Nitham. Sumikip ang dibdib nya kaya ayaw man nya hindi nya natiis at nilapitan nya ito saka umupo sa tabi ni Darren. "Pero bakit si Nitham ang bigla kong naalala? Haayyy...ano kaya ang dahilan kung ba't sya naglasing? May problema kaya sya sa school? O hindi kaya family probs? Hindi nya kasama ang mga magulang nya, tama... may problema nga sya." Yun ang mga katanungang gumugulo sa isipan niya sa oras na iyon. Walang anuman ay dahan dahan nyang hinubad ang suot nitong pang itaas saka kumuha ng damp cloth at pinunasan ang mukha ni Darren saka ang katawan. Pagkatapos, kinumutan nya ang hubad nitong katawan saka bumalik sa kanyang silid.

(Kinabukasan)*** Pagkatapos maglunch ang lahat, dumating si Darren. "Aray ko Darren! Bitiwan mo nga ako." Sigaw ni Meham habang kinakaladkad sya ng binata papuntang balcony. "Anong ginawa mo sa'kin kagabi huh?" Pang -aasar na tanong ni Darren habang idinidiin ang likod ni Mehanna sa wall. "Gosh Bimby! At ikaw, anong ginawa mo?! Unang gabi mo pa lang sa bahay na'to, nagpakitang gilas ka na tapos ngayon kung makatanong ka wagas!" -Si Meham. Ngumiti si Darren saka sinabi., "Salamat dahil pinunasan mo'ko bago iniwan."

"So ok na? Bitiwan mo na ako. Inuutusan kita!" Malakas na sigaw ni Mehanna sa kaharap. Nataranta si Darren kaya agad nyang nabitiwan si Meham. Nanlaki ang mga mata ng binata habang sinusundan ng tingin ang tumatakbongsi Meham patungong mansion.

Ano naman ba ang ginawa mo sa kanya bro?" Tanong ni Orgel ngunit walang paki si Darren sa halip, sinundan nya si Meham sa mamsion. " Mehanna? Meh Asan ka?" Narinig nyang may tao sa toilet sa may kusina kaya pinuntahan nya. "Anyari? Bakit ka dumuduwal?" Usisa ni Darren. Nagmamadaling tinungo ni Darren ang shop at tinawag si Orgs.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon